You are on page 1of 7

MOREH ACADEMY

Blk 52, Lot 31, Purok 2, A. Bonifacio Avenue, cor Ricahuerta St., Upper Bicutan Taguig City
.: Tel. Nos
839-0135; 838-9077Email:morehacademy2002@yahoo.com.ph

• IKA-APAT MARKAHAN•
• UNANG LINGGO •
Department of Education
National Capital Region
Division of Taguig City and Pateros

MOREH ACADEMY
INC.
RIGHTEOUSNESS AND EXCELLENCE
Blk 52, Lot 31,Purok 2, A. Bonifacio Avenue, cor Ricahuerta St., Upper Bicutan Taguig City 1633

I. INTRODUKSYON

A. PANGKALAHATANG- IDEYA

Sa ekonomiks, madalas na gamitin ang mga salitang “pagsulong” at “pag-unlad”.


Malimit na mapagkamali na ang dalawang katagang ito ay magkapareho lamang.
Kung ating susuriin, ang pagsulong at pag-unlad ay magkaugnay, ngunit Malaki
ang pagkakaiba nito.

B. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng aralin ang mag-aaral ay inaasahang;


1. Nakapagbigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran;
2. Nasiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran;
3. Nakapagsagawa ng isang pagpaplano kung paano makapag-ambag bilang
mamamayan sa pag-unlad ng bansa

C. BALANGKAS NG PAKSA

ARALIN 1: Pambansang Kaunlaran

MELC: Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran


II . MGA GAWAING PAMPAGKATUTO

TUKLASIN

Ano ang kahulugan ng kaunlarang pangkabuhayan? Ano nga ba ang tinatawag na


pagsulong at pagunlad? Ang kaunlarang pangkabuhayan ay tumutukoy sa paggamit ng
mga makabagong teknolohiya, pangkalahatang pagbuti ng antas ng pamumuhay, at
pagbabago ng pangkabuhayang gawain mula sa agrikultura patungo sa sector ng
industriya.

Ang pagsulong ng ekonomiya ay madaling makita at masukat. Ito itinuturing na


bunga ng isang proseso na nagpapakita ng pagbabago sa isang ekonomiya. Ang
pagkakaroon ng magandang sasakyan, bahay, modernong ospital, mga kalsada, mga
gusali, mga kasangkapan, at maging ang sinasabing paglago ng GNP ay mga
pagbabago na nagpapakita ng pagsulong ng bansa.

Ang pag-unlad ay higit pa sa paglipat mula sa mahirap patungong mayaman o


mula sa tradisyonal patungo sa makabagong ekonomiya. Ito ay sumasaklaw sa
dignidad, seguridad, katarungan, at pagkakapantay-pantay ng mga tao.

Ang pag-unlad ay kabuuang proseso na kinabibilangan ng iba’t-ibang aspekto ng


lipunan, ekonomiya, politika, lipunan, at kultura. Ito ay nagpapakita ng pagbuti ng
kalagayan at pamumuhay ng mga mamamayan tulad ng pagbawas sa bilang ng mga
naghihikahos, walang hanapbuhay, di-marunong bumasa at sumulat, mga
karamdaman, at eksploytasyon ng mga mamamayan.

BANSA

PAGSULONG PAG-UNLAD
EKONOMIYA

EPEKTO NG PAGSULONG
AT PAG-UNLAD

Sa kabuuan, ang dalawang katangiang ito ay halos magkatulad kaya masasabi na


ang pagsulong ay unang hakbang upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan na
siyang magiging dahilan upang ang pag-unlad ng bansa ay matamo. Ang pagsulong ay
lagging bahagi ng pag-unlad ng bansa.

LIMITASYON NG PAGSULONG AT
PAG-UNLAD NG KABUHAYAN

Isa sa limitasyon ng pagsulong ng kabuhayan ay pagbuti ng antas ng pamumuhay


ng tao ang tinatanggap n akita ng tao ay isang dahilan kung bakit hindi nila matugunan
ang kanilang pangangailangan sa buhay dahil hindi sapat ang kanilang sinsahod. Ang
pagsulong ng kabuhayan ng nagiging dahilan ng pagkakaroon ng polusyon, mataas na
antas ng kriminalidad, laganap na kagutuman, pagkasira ng kalikasan, pagsisikip ng
isang lugar. Ang pag-unlad naman ay nalilimitahan ng mga modelo o teorya na
ginagamit ng mga bansa sa pamamahala ng ekonomiya ng bansa.

PAMBANSANG
KAUNLARAN

Kapag pinag-uusapan ang kaunlaran, kaakibat nito ang pagnanais ng


pamahalaan na matamo ang pambansang kaunlaran. Ano ang ibig sabihin ng
pambansang kaunlaran? Ito ay tumutuloy sa kakayahan ng bansa na pagbutihin ang
panlipunang kapakanan ng mga mamamayan tulad ng edukasyon., kalusugan,
impraestruktura, at ibang serbisyong panlipunan. Ang paraang upang makamit ang
inaasam na kaunlaranay nakapaloob sa mga planong pangkabuhayan ng pamahalaan.

III. PAGLALAHAT

A. Panuto: Isulat ang wastong sagot sa patlang.

Pambansang kaunlaran 1. Tumutukoy ito sa kakayahan ng bansa na pagbutihin ang


panlipunang kapakanan ng mga mamamayan.

Pag-unlad 2. Ito ay nagpapakita ng pagbuti ng kalagayan at pamumuhay ng mga


mamamayan.

Pagsulong ng ekonomiya 3. Ito ay itinuturing na bunga ng isang proseso na


nagpapakita ng pagbabago sa isang ekonomiya.
B. Panuto: Ipaliwanag ang sagot
1. Bakit kailangan ang planong pangkabuhayan sa bansa?
Upang may ma export at import ang isang bansa. At para umunlad ang
lugar
2. Bilang isang mag-aaral at mamamayan paano ka makakapag-ambag sa
pagunlad ng bansa?
Pagsunod sa mga itinakda ng batas.
Pagkakaroon ng maayos na trabaho upang makatulong sa karagdagang
kita ng bansa. Panatilihing malinis ang kapaligiran upang maiwasan ang
mga gastos ng pamahalaan tungkol sa pagsasaayos ng kapaligiran.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Matapos ang pagtalakay ukol sa pambansang kaunlaran, ipaliwanag ang sagot
sa mga tanong.

1. Ano ang kaibahan ng pagsulong at pag-unlad?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Paano makakamit ang pambansang kaunlaran?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Bakit kailangang pagbutihin ang pamumuhay ng mga mamamayan?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Masasabi ba na unti-unti nang nakakamit ang pambansang kaunlaran? Bakit?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Bakit ang pagkakaroon ng maraming trabaho ay salik sa kaunlarang ng bansa?
________________________________________________________________
________________________________________________________________

IV. LAS
PANUTO: Magsaliksik ng mga Programang pangekonomiya na ginawa ng ating mga
pangulo, Mula kay dating Pangulong Corazon Aquino hangang sa kasalukuyang
Pangulo na si Pres. Rodrigo Duterte. At paghambingin ang mga ito, at tukuyin ang mga
pag-unlad na naganap.

V. SANGGUNIAN Kayamanan: EKONOMIKS, p- 259 - 267

May akda: Consuelo M. Imperial, Eleanor D.


Antonio, Evangeline M. Dallo, Maria Carmelita B. Samson, Celia D. Soriano

Rex Book Store

Magalang na inihanda ni:

Jhon Vincent S. Santelices

Judy Ann Jalos

Magalang na Isinumite kay:

Rodolfo Del Rosario

You might also like