Magandang umaga sa inyung lahat, Marami sa atin ang may
kinahihiligan. Mga bagay na hindi maalis sa isip at dulot nito ay pagka lulong at nawawalan ng disiplina sa paggamit nito.
CELLPHONE, marahil marami ang gumagamit nito dahil ito ay
modernong teknolohiya na gawa ng tao. Ang cellphone ay nakakapagbigay ligaya, alis, at saya sa mga tao kaya maraming nahuhumaling sa paggamiit ng cellphone mapa bata man o matanda, walang pinipiling edad sa paggamit ng cellphone. Ang cellphone ay nakakatulong sa mga tao na makipag usap sa mga pamilyang nasa ibang bansa. Malaking tulong ito sa mga estudyante sa pag papanaliksik ng kanilang mga aralin sa internet. Ngunit ang cellphone ay nakakasama sa mga tao dahil hindi na sila mautusan o di na rin sila gumagawa ng kanilang responsibilidad sa pang araw-araw. Lulong din ang mga bata sa pag gamit nga cellphone dahil sa paglalaro ng nakaadik na laro at hindi na rin sila kumakain sa tamang oras. Dahil sa mga maling nakikita nila sa internet nawawalan sila ng galang at respeto sa kanilang mga magulang at sa mga taong nakakatanda sa kanila.
Mga kaibigan dapat nasa lugar ang paggamit ng cellphone para
maiwasan ang pag ka lulong nga mga tao sa paggamit nito Dapat din nating gawin muna ang mga gawain na mas importante pa sa pag gamit ng cellphone para makatulong ng gawain sa bahay.