You are on page 1of 1

Pagsulat ng Abstrak

Yan Zchari del Mundo

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa mga karanasan ng mga batang ina sa mga

sumusunod na salik: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal, relasyonal at sosyal.

Hinangad ng pananaliksik na ito na mabatid ang mga pinagdadaanan at mga epekto ng

maagang pagbubuntis sa kabataan. Saklaw ng pag-aaral na ito ang tatlumpu’t-limang

(35) mga batang ina sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna na may edad na labing-dalawa

hanggang labing-walong taong gulang. Ang pagkalap ng datos ay isinagawa sa

pamamagitan ng quantitative method na ginamitan ng non-random convenient sampling.

Sa paraang ito, ang mga respondente ay pinili ng mga mananaliksik ayon sa

“convenience”. Lumabas sa pagaaral na kung nakagrupo ang mga respondente ayon sa

antas ng huling pagpasok, edad nang unang nanganak, at pagkakakilalanlan kung tumigil

o nagpatuloy sa pag-aaral ay walang pagkakaiba ang mean score ng anim na salik. Sa

kabilang banda, mayroon namang pagkakaiba sa mean score ang emosyonal at sosyal

na salik, batay sa paghahati-hati ayon sa estadong marital.

KABUUANG BILANG NG SALITA:

165

You might also like