You are on page 1of 2

PROLOGUE (1)

“How do a broken self mends its own?”

A girl in white asked and everyone go mum.

Paano nga ba? Paano ko nga ba naayos ang sarili ko? Naayos ko nga ba talaga?

Tinitigan kong mabuti ang babaeng nagtanong. Sinasalaminng mga mata niya kung ano
ako ten years ago. Mga matang nagsusumamo at humihingi ng tulong na sana kahit isa
ay may makapansin. I know that stare too well because I have experienced it not only
once but a lot of times.

Nilibot ko ang paningin ko pero parang ako lang ang nakapansin sa mga nagungusap
niyang mata. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang tamang sabihin. Dahil
hanggang ngayon hindi ako sigurado kung maayos na talaga ang sarili ko.

“Miss Mae, mukhang napaisip ka talaga sa tanong ng iyong reader.” Pagputol ng


emcee sa pag-iisip ko na sinundan naman ng pagtawa ng mga iba.

Before answering her question I stared back at her for a while giving her a reassuring
smile. I hope that she could see the meaning behind it that ‘I am here’.

“Yes. It is indeed a tricky question,” I said with a smile still plastered on my face. I could
hear some stifled laugh. “Paano nga ba? Sa totoo lang mahirap buuing muli ang kahit
na anong bagay na minsan ng nawasak lalo na kung paulit-ulit at marami na itong
lamat. It may sound cliché but maybe time could heal everything.”

May narinig akong ilang bulungan mula sa audience pero hindi pa rin naalis ang
paningin ko sa babae. At kahit sumagot na ako ay parang may nag-uudyok pa rin sa
akin para dugtungan kung ano ang sinabi ko.

“Uhm Miss, I know I’m not in the position to tell you this cause I don’t know what you’re
going through, but I want to tell you that if you’re drowning maybe you’re not the only
one. Maybe you’re not the only one who is struggling to breathe. Back then, I’m always
reminding myself that I maybe alone and I have no companion but I still have myself.
Giving up, there are several times that this word crossed my mind. Para kanino pa ba
ako lumalaban mag-isa na lang naman ako? And then I remembered I still have myself.
I am still alive. And maybe I still have a purpose in life that’s why I’m still breathing.”

Tahimik lang silang nakikinig sa mga sinasabi ko at nakita ko pa ng ilan na nagpupunas


ng mata. Hindi ko alam kung naiyak ba sila sa pinagsasabi o baka inantok lang.

“To make it short, I just want to tell you that you may feel alone but you’re not fighting
alone. In order to mend your broken self you must learn first how to love yourself. Learn
how to accept your imperfections, your flaws. And most importantly don’t forget to live
for yourself.” The smile on myself widen as I saw her bear a small smile before wiping
her tears.

Tiningnan ko silang lahat habang pumapalakpak. Maybe this is my purpose, to inspire


other people through my words. Hindi ko maiwasang mapangiti lalo na ngayong nakikita
ko kung anong epekto ng mga sinabi ko sa kanila. Sana lang ay nakatulong ito sa iba.

Nawala lamang ang mga ngiti sa mukha ko ng may makita akong mga pamilyar na
mukha sa di kalayuan. Nakatingin silang lahat sa direksyon ko. At kung hindi ako
nagkakamali may mga luhang umaagos sa mga mukha nila.

Narito sila at umiiyak. Ang mga taong minsang bumuo at sumira sa pagkatao ko. Mga
taong pinagkatiwalaan ko ng lubos pero mas pniling iwan ako.

You might also like