You are on page 1of 2

1.

Ano ano ang mga katangiang pampanitikan na nakapaloob sa nobela batay sa pamantayan na
naaangkop sa nobela na napili?

Ang katangiang pampanitikan na nakapaloob sa nobelang “Gerilya” ay makabuluhan sapagkat ang


nobelang ito ay nagpapakita ng mga sitwasyong makatotohanan at nakabatay sa realidad ng buhay.
Umiikot ang nobelang “Gerilya” sa mga estudyanteng nagdesisyong mamundok at sumapi sa NPA. Ito ay
tumatalakay sa pagiging rebelled na sa totoong buhay ay madalas na nangyayari.

2. Ano ano ang aspeto ng panitikan na nakapaloob sa nobela batay sa:

Panlipunan

Ang nobelang “Gerilya” ay nagpapakita ng katotohanan sa tunay na buhay. Ang kwentong nakapaloob sa
nobelang ito ay makikita rin sa tunay na buhay. Itinataguyod nito ang sarili at panlupunang pag – unlad
sa pamamagitan ng pagbibigay – diin sa makatotohanang pangyayari sa buhay.

Pangkabuhayan

Ginamit ni Norman Wilwayco ay kanyang malikhaing pag – iisip at lumikha ng mga nobelang nakatulong
sakanya upang sya ay magkaroon ng mas maayos na buhay. Ang ilan sa kanyang mga nobela ay nanalo
ng matataas na parangal katulad na lamang ng Don Carlos Palanca Memorial Awards.

5. Ano-ano ang mga teoryang pampanitikang ginamit sa akda?

Teoryang Humanismo ∙

Sa teoryang ito, ang tao ang binibigyang pansin sa akda. Ang kwento ng akda ay umiikot sa dalawang
primerong karakter na sina Ala at Tony na mga estudyante sa unibersidad na nag desisyong sumapi sa
NPA. Sa pananaw ng teoryang humanismo ay ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang paksa
at pokus ng akda.

Teoryang Realismo ∙

Sa teoryang ito, binibigyang pokus nito ang realidad ng buhay. Kagaya na lamang ng pagrerebelde
ngkbataan na tunay na nagyayayri sa totoong buhay. Isinalaysay nila ang kanilang karanasan bilang sina
Ka Alma at Ka Poli. Mayroon silang mga pinagdaanan na umabot sap unto ng pagtatanong sa kanilang
sarili kung bakit nila ito nararanasan at bakit sila pa. Ito ay hindi maikakailang nagyayari sa tunay na
buhay.

Sa aking buong pananaw, ang Nobelang ito ay maayos na naisulat at maraming makukuhang aral at
reyalisasyon sa buhay. Ito ay tunay na isang regalo mula kay Norman Wilwayco at nararapat lamang na
makatanggap ng prestihiyosong parangal tulad ng Palanca Awards. Ang may akda ay gumamit ng
matatalinong saita at ibinase nya ang kanyang nobela sa totoong buhay at marami ang nakakaintindi sa
nilalaman ng nobel sapagkat ito ay natutunghayan sa reyalidad.

You might also like