You are on page 1of 2

Sem. Jan Vinci H.

Recio

Sir Rada

Pamagat: Pangalan ng Mahalagang Tauhan

Pasimula: Paggamit ng Salitaan

Pangwakas: Paggawa ng Panghuhula

Tema: Kailangan ng mga Kabataan ngayon ang Disiplina

Mumunting Sherlock Holmes

Sherlock: Alam mo John, kung alin pa ang mga mumunting detalye yun pa ang labis-labis ang
kahalagahan.
John: Pa’no mo nasabi?
Sherlock: Sa kung gaano kaliit ngunit mabilis ang hakbang, malalaman mo kung sino ang
magnanakaw. Kung gaano kadalas na magbago ang sinasabi, malalaman mo kung sino ang
sinungaling. Kung ano ang uri ng upos, siyang kalidad at pangalan ng sigarilyo ng criminal.

Hindi sasapat ang mga salitang “labis-labis” sa bilang ng mga kabataang kay tayog-tayog
ng mga pangarap; pagkatarik-tarik ng mga nais abutin. Ang nakakalungkot nga lamang, sa
kabilang banda, ay bilang na bilang lamang ang talagang sa kanila’y nagsusumikap. Gusto nila
na maging maayos sana ang lahat, ngunit sila mismo ay ayaw mag-ayos ng sarili.

Gusto nilang makatungtong sa tuktok ng isang matarik na bundok, subalit ayaw naman
nilang humakbang. Maliwanag na paligid ang gusto nilang masilayan, ngunit nagpupuyat sila sa
gabi para sa mga bagay na walang katuturan at pagkatapos ay saka sila hihimbing ng tulog sa
pagsikat ng haring araw. Mahal na mahal nila ang malinis na kapaligiran, ngunit ni-isang basura,
na dinaanan na ng ilang estudyante, ay hindi nila mapulot; at masaklap pa dito ay dadagdagan pa
nila ng isa pang basura at sasabihing, “Oh hayan ang kasama mo, para ‘di ka naman nag-iisa.”
Ayun dumami nga sila! Habang nagtatawa sila sa biro nila, mayroon namang ibang taong
nagdurusa para sa dumaming maliliit na kalat nila.

Ang mga natutunang numero sa paaralan ay ginagamit upang mang-1,2,3 sa mga


pampasaherong sasakyan. Oo nga naman barya lamang naman ang kanilang hindi ibinayad kay
manong drayber. “Barya lamang” naman nilang sampong, buong magkakabarkadang nakasakay
sa tuktok ng jeep. Pagkarating sa paaralan ay tutulog nang tutulog at sasabihin, “5 minutes lang
ngalay na kase ang mata ko.” Hanggang sa lumipas ang kalahating araw na wala nang natutunan.
At kung magkaroon ng isang biglaang pagsusulit ay susulyap-sulyap sa katabi’t tuwa pang
magnanakaw ng mga salitang ni minsan ay hindi naman niya pinagtuunan noon ng pansin.
Sayang ang kaalaman!
Kung natutunan lamang sana sa sarili, nagkaroon sana ng pagkakataon na makapagturo
din sa iba, imbis na magnakaw ng letra.
Tama nga naman na maliit na bagay lamang ito. Subalit, ang hindi mapapagkatiwalaan sa
maliit na bagay ay hindi rin mapapagkatiwalaan sa malaki (Lukas 16: 10).
Kung ang disiplina lamang sana sa sarili ay nasisimulan na habang maaga pa hindi na ito
lalaganap. Umaga palang ay pinasisimulan na ito. Sabi nga ni Admiral William McRaven:
“Kung gusto mong baguhin ang mundo, magsimula ka sa pag-aayos ng hinigaan mo.”
Ang isang simpleng gawi mula sa paggising pa lamang ay magbubunga na ng gana para
sunod-sunod na makagawa ng iba pang magandang bagay. Kumbaga, masasabi mo sa iyong
sarili na “Maayos kitang iniwan, aking kama, kaya naman maayos akong aalis, at maayos akong
babalik, upang maayos akong makahimbing.”
Ang hilaw na baboy, suka, toyo, munting mga paminta at butil-butil na asin, kaunting
tubig at kawaling inapuyan ang kukumpleto sa adobo. Walang mga samahan na nabuo na libo-
libo agad ang miyembro. At lalong walang mga gusali na hindi nagsimula sa mga pira-piraso
lamang ng mga maliliit na buhangin at bato. “Nangyayari ang mga dambuhalang pangarap dahil
sa mga araw-araw na ‘pipichuging’ pagsisikap,” sabi nga ni John Wooden.

Ang mga kabataan ngayon ay panigurado na maligayang magdiriwang sa kinabukasan


kung masisimulan na kaagad mula sa pagdilat ng mata na mag-ayos ng kanilang kumot at
hinigaang kama.

You might also like