You are on page 1of 4

SOLANA CHURCH HISTORY

2003

-Nagpasimula ang gawain ng Panginoon sa Local ng Solana,Cagayan sa pangunguna ni Bro. Boyet


Marcena(dating manggawa sa Tuguegarao,Cagayan). Nagsimula sa isang 'extention worship'na
isinagawa sa bahay ng dating kapatid na si Oding Soriano na binubuo ng tatlong(3) pamilya nina Marilou
Geroimo,Julie Soriano,at Oding Soriano.

2004

-Isang taon ang lumipas ay nadistino ang kapatid na Boyet Marcena sa dako ng Cabagan,Isabela. Jhonfer
Valencia,manggagawa sa Tuguegarao,Cagayan,ang naging mangagawa sa Solana Cagayan bilang kapalit
ni Bro. Boyet. Ipinagpatuloy ang gawain sa bahay ng dating kapatid na si Oding Soriano,at dahil unti
unting lumalago ang gawain,kaya't napagpasyahang lumipat sa bahay ng dating kapatid na si Julie
Soriano dahil mas malawak ito hanggang sa naging pioneering church.

2007

-Ang manggagawang Waldy at Lyn Fallesgon,parehong mangagawa’t mag-asawa, ang pumalit sa local ng
Solana at naging maganda ang pangangasiwa sa kabila ng madaming paghihirap.

2010

-Naging pormal na naitatag ang local ng Iglesia ng Panginoon sa dako ng Solana sa pamamagitan ng
dating kapatid na si Undong na taos pusong ipinagamit ang kanyang bahay upang maging bahay
sambahan sa pangangasiwa ng kapatid na Jhonfer Valencia na muling nagbalik-loob para sa Panginoon

2015

-Sa patuloy na paglago ng Iglesia higit na dumadami ang bilang ng mananamba. Kasama ng paglago na
pinangangasiwaan nina Ptr. Rosie Macaranas at Ptr. Benchie Credo bilang kapalit sa dakong iyon ng
Solana sa loob ng isang taon

2016
-Pagkatapos ng isang taong pangangasiwa ng dalawang mangagawa, pumalit ang kapatid na Genalyn
Macapagal at sa ilang kadahilanan ay pinalitan din agad ng bagong taga-pangasiwa na si Bro. Junelle
Caraang,isang mangagawa. Naging maayos ang pangangasiwa niya sa loob ng tatlong
taon.2018,Napagkalooban siyang bumuo ng sarili niyang pamilya kasama ang isang taga-pagturo sa
Maranatha Christian School Camarin Chapter na naging dahilan ng pagdistino sa local ng Camarin.

2019

-August 4,2019,nagpadala ang Dios ng mangagawa na magiging taga-pangasiwa sa local ng


Solana,Cagayan na si Sis. Ailyn Matias.Sa kaniyang pamamahala muling nabuhayan ang mga kapatid na
naging dahilan ng muling paglakas ng mga kaluluwa.Matinding pakikibaka ang dinanas ng kapatid na
Ailyn Matias sa pagsusumikap na palaguin ang Gawain ng Panginoon

2020

-Sa patuloy na pangangasiwa ng mangagawa higit na nahamon dahil sa pagpasok ng covid-19 dahil dito
higit na nahadlangan ang Gawain ng Panginoon.Sa biyaya ng Panginoon kumakasangkapan siya ng mga
taong bukas sa pagtulong para sa patuloy na pagpapalago ng local.
ROXAS CHURCH HISTORY

2000-2001

-Sis. Arlene Balgoa and Sis. Laily Alderosa,parehong pioneering practicum,B.S,ang nagpasimula ng
gawain ng Panginoon sa Roxas,Isabela sa Brgy. Rizal.Sa unang pagsamba,dalawang pamilya ang taos
pusong nakilahok sa gawain ng Panginoon.

2001-2002

-Sa ilang kadahilanan nailipat ang gawain ng Panginoon sa Brgy. ng Burgos,Roxas,Isabela at higit lalong
nadagdagan ang miyembro ng Iglesia

2002-2004

-Sa pangangasiwa ng minamahal na Ptr.Vangie Jamolod,muling nailipat ang gawain sa Pascual


Village,dito mas lalong lumago hindi lamang ang bilang kundi gayon din ang pananampalataya ng mga
kapatid.

2004-2006

-Sa pangangasiwa ng minamahal na Ptr. Jay Vivo,muling naitaguyod ang gawain ng Iglesias a Brgy.Rizal .

2006-2008

-Muling napalitan ang taga-pangasiwa sa local ng Roxas sa pamamagitan ng minamahal na Ptr.Benchie


Credo.

2008-2009

-Ptr.Verna Viray,pagkatapos ng pangangasiwa ni Ptr. Benchie Credo.

2009-2021

-Sa higit na isang dekadang pangangasiwa sa local ng Roxas sa pangangasiwa ng minamahal na


Ptr.Bernard Racracin nagkaroon ng paglago sa pananampalataya ng mga kapatid.Dito,higit na pinagpala
ang local ng Roxas.

*1st Anniversary – August 13,2010

*2nd Anniversary – September 04,2011

*Inter prayer Fellowship yr. (Roxas Chapel)

*Camp 2016

*International Convention (2019)

*Roxas Family Day (2018)


*Sportsfest yr. 2018 (Award : Champion)

*Camp 2019 (Awarding : Third Runner up)

You might also like