You are on page 1of 1

Likas sa pananampalatayang 4th Watch ang pagsasakripisyo at lubos na pagtatalaga sa

paglilingkod sa makapangyarihang Dios. Naging makatotohanan ang mga salita sa Job walo
talagang ptio sa mga gawin ng Iglesias sa buong distrito ng Cagayan, Bagaman nagpasimula
ito sa maliit, ipinagyabong ng Dios ang kaniyang lubos na biyaya sa ikalawang rehiyon ng
Bansang Pilipinas, at ngayoy maipagmamalaking mainam sa kapurihan ng Dios.

Taong 1989 nagpasimula ang Gawain sa dako ng Cauayan Isabela taong

Mula sa malayong probinsya ng Isabela, sa gitna ng lungsod, sa tabi ng mahabang kalsada, sa


upahang bahay, sa maliit na silid mababalik-tanaw ang mga pasimulang nagbunga ngayon ng
mga makabuluhang ala-ala sa lokal ng Santiago.

Taong 1992, sa pangunguna ng mahal na Pastor Marsi Reyes, ang munting lokal ng Santiago
ay sinusuportahan ng mga kapatid na bilang lamang sa daliri ang dami. Kasama dito ang
kapatid na Rose Pamittan, Susan De Guzman at iba pa.

Dahilan sa kakauntian at sa abang hitsura ng kapilya, dumanas sa maraming pang-uusig ang


Iglesia gaya ng pambabato ng mga kapitbahay at panggugulo sa tuwing gawain. Gaya ng ibang
mga nagpapasimulang lokal,hindi maitatangging naging mahirap rin sa manggagawa at sa mga
kapatid ang pagusbong ng gawain.

Hanggang sa mga sumunod na ministro na naitalaga sa dakong ito, sa katauhan ni Pastor


Arman Samonte at dating Pastor Carol Custodio, bagaman naroon pa rin ang mga pagsubok,
hindi naman nito nahadlangan ang patuloy na pangangaral sa mga sasakyan at pagpapadala
ng mga bible students sa Marantha Bible School.

Taong 2014, sa pangunguna ng mahal na Presbyter Teody Verano, naging malinaw ang
pangako ng Dios sa mga tapat at masikap na kapatid na ipinaglaban ang Kanyang gawain mula
pa noong una.

Mula sa malayong probinsya ng Isabela, sa gitna ng lungsod, sa tabi ng mahabang kalsada,


ang dating umuupa lang ng bahay ngayo'y may sarili ng lote at kapilya. Ang dating maliit na silid
na sambahan, na binabato ng mga kapitbahay, ngayo'y isang malaking bahay dalanginan na
tinitingala na ng sinomang mapapadaan. Mula sa kakarampot na bilang ng mga dumadalo sa
mga gawain, ngayo'y hindi na masayod na pagpapala ang dumarating dahil sa kaliwa't kanang
krusada, market evangelism at bus evangelism na nagbubunga nga maraming kaluluwang
naliligtas.

Ang lokal ng Santiago ay isa sa mga nakatanggap ng pangako ng Dios na isinaad mismo ni Job
na sa mga unang araw ma'y maliit at aba, kung ipaglalabang masikap, ang wakas ay malaki at
matagumpay.

You might also like