You are on page 1of 4

Likas na Yaman ng Asya

Likas na Yaman
- Mga bagay na natural na matatagpuan sa isang anyong lupa, anyong tubig, o
behetasyon. Ito ay maaaring isang halaman, hayop or mineral. Ang mga ito ay
pinagkukunan ng mga ginagamit bilang pagkain, kagamitan, damit, alahas o
produkto na mahalaga sa tao.

Mga Uri ng Likas na Yaman


1. Yamang Lupa – ito ay ang malawak at matatabang lupa angkop ng pagsasaka. Taglay
ng Asya ang malawak na lupang sakahan, tulad ng kapatagan at mga lambak, ganon
din ang mga pastulan ng mga hayop.
2. Yamang Tubig – ito ay malalawak na baybayin na matatagpuan ang iba’t ibang isada,
kabibe, mga korales at mga halamang tubig.
3. Yamang Mineral – ito ay ang mga mayayamang deposito ng metal at di-metal na
mineral.

IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO

Implikasyon ng Likas na Yaman sa Agrikultura

Malaki ang implikasyon ng agrikultura sa panunustos ng pagkain sa malalaking


populasyon ng Asya, sa katunayan sa pagsasaka nagmumula ang karaniwang pagkain ng mga
Asyano. Sa lawak ng mga lupain na tinataniman sa Asya, maaaring sapat na ito sa
pangangailangan ng kontinente. Ang ilan ay gumagamit ng mga makabagong makinarya. May
ilang mga mamamayan na may maliit na sakahan at nagbubukid para sa pansariling
ikabubuhay lamang.

Ayon sa World Bang (2014), 40% ng lupa sa Asya ay lupang agrikultura, 30% naman ay
kagubatan. Subalit, may pagkakataon na kinukulang o kinakapos ang pagkainsa harap ng mga
kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha at tagtuyot.
Tatlong Mahahalagang Konsiderasyon ng Agrikultura

1. Kung paano mabibigyan ng sapat na pagkain ang lahat.


2. Pag-iwas na magkaroon ng kagutuman o kakulangan sa pagkain.
3. Paano mapapanatili (sustainability) ito para sa kinabukasan.

Implikasyon ng Likas na Yaman sa Ekonomiya

Ilan sa mga bansa sa Asia ang pinakamalaking producer ng mga produktong agrikultura,
pang-isadaan, pagmimina at industriyal. Ang malawak na produksiyon ng mga produkto ay
naghahatid ng positibong epekto sa akonomiya ng Asya.

Marami sa mga bansa sa Asya ay kabilang sa papaunlad na bansa bunsod sa kasaganaan nito
sa likas na yaman. Ang mga ito ay pinagkukunan ng mga materyales na panustos sa mga
pagawaan. Maraming bansa sa Asya ang pinagmumulan ng mga hilaw na materyales kung
kaya’t halos nauubos ang likas na yaman ng huli at hindi sila nakikinabang nito.

Hilaw na Materyales Paggawa sa Produkto Tapos na Produkto

(Raw Materials) (Manufacture) (Finished Product)

*India, Indonesia, Pilipinas at Vietnam *China, Japan, South Korea


(Halimbawa ng mga bansang papaunlad (Halimbawa ng mga bansang
pa lamang.) umuunlad.)

Habang dumadaloy ang proseso ay tumataas naman ang presyo ng produkto. Kaya naman
maliliit lang ang kita ng pinanggagalingan ng hilaw na materyales kompara sa mas malaking
kita ng mga gumagawa ng tapos na produkto.
Ang tapos na produkto ay
canned goods na sliced
pineapple. Ito ngayon ay
ipagbibili sa mas malaking
Pagdating sa America, ang
halaga.
mga pinya ay dadaan sa
manufacturing process.

Ang Pilipinas ang


nagtatanim ng pinya. Ang
mga bunga ay dadalhin sa
America sa mababang
halaga.

Implikasyon ng Likas na Yaman sa Pananahan

Sa patuloy napagdami ng tao ay dumaramirin ang nangngailanagan ng ikabubuhay at


pananahanan. Habang ang populasyon ay lumalaki, nananatili naman ang sukat ng lupa. Ang
implikasyong ito ay titatawag na land conversion.

Land conversion – ginagawang tirahan ng tao ang dating sakahan o kagubatan.

Halimbawa:

1. Mga dating sakahan o kagubatan na ginawang pamilihan at tirahan.

2. Pagdami ng mga kabahayan sa tabing-ilog, tabing-lawa, at tabing dagat. Ang dumi at basura
ng mga naninirahan ditto ay nakapagpaparumi at lumalason sa tubig.

3. Pinuputol ang mga puno sa kagubatan upang gawing panirahan ng mga tao. Nagkakaroon
ng pagbaha sa tuwing uulan o may bagyo.
Implikasyon ng Likas na Yaman sa Kultura

Ang mga kilos at ugali ng mga tao ay batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa kapaligiran.
Nasisira ang kapaligiran o nauubos ang likas na yaman kaya unti-unting namatay ang kultura.

Hal.

1. Kultura ng mga tao sa tabing-ilog.


Dahil namatay ang mga isda ay yamang tubig dahil sa polusyon, natutong maghanap ng
ibang pinagkakitaan ang mga naninirahan ditto. Ang ilog na dating pinagkukunan ng
pagkain ay nagging tapunan na lamang ng basura.
2. Kultura ng tao sa tabing-dagat.
Ang dating komunidad na umaasa sa yamang dagat para sa pagkain at kabuhayan ay
naging komudidad na nakasentro sa turismo. Unti-unting nagbago ang kultura na
nakasentro sa turismo.

You might also like