You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY


Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

College College : COLLEGE OT TEACHER EDUCATION


Logo Campus : Bayombong

DEGREE PROGRAM BSED COURSE NO. SEC FIL 102


SPECIALIZATION FILIPINO COURSE TITLE Panimulang Linggwistika
YEAR LEVEL FIRST TIME FRAME 3 WK NO. 8-11 IM NO. 4

I. UNIT TITLE/CHAPTER TITLE

Kabanata III : Ang Pagsasalita

II. LESSON TITLE

a. Pagsasalita
b. Ponemika
c. Ponema at Morpema

III. LESSON OVERVIEW

Kasabay ng pag-aaral ng linggwistika ay ang pag-aaral ng mga makabuluhang tunog sa


pagsasalita. Sa pamamagitan ito ay napapadali ang pag-aaral ng wika at pati na rin ang mga katangian
nito.
Sa araling ito ay tatalakayin ang mahahalagang bagay hinggil sa pagsasalita, pag-uuspan din
ang ponemiko at ponetiko - kung ano ang kaibhan ng bawat isa at ang kahalagahan ng bawat isa.
Bibigyan-pansin din ang mga kalligirang nakakaapekto sa pagbabago ng mga ponema at morpema.

IV. DESIRED LEARNING OUTCOMES

a. natutukoy at nauuri ang ponemiko at ponetiko


b. naisasapuso ang kaalagahan ng ng tunog sa pagsasalita.
c. nakabubuo ng isang pag-aanalisa sa ponema at morpema.

V. LESSON CONTENT

A. PAGSASALITA

Ang pagsasalita ay kakayahan sa pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan/mensahe sa


pamamagitan ng verbal na paraan na na ginagamit ang wika na may wastong tunog, tamang
gramatika, upang malinaw na maipaliwanag ang damdamin at kaisipan. Ponetika naman ang
agham na tunatalakay sa kung paano nagsasalita ang isang tao.

Kadalasan sa pag-aaral ng pagsasalita ay may tatlo tayong paraan:


a. Pag-aaral at paglalarawan sa mga sangkap ng pananalita na ginagamit sa pagbigkas
ng tunog.
b. Pag-aaral at paglalarawan sa mga naririnig na alon ng tunog.
c. Paglalarawan sa mga alon tunog na nalilikha sa pagsasalita.

PAGBIGKAS NG MGA TUNOG

Sa pagsasalita ay napakahalaga ang pagkontrol ng tunog. Bumababa o kaya'y lumalaki


naman ang tinig kapag madalang ang pagpalag ng ibang kwerdas pantinig. Ang bilis o dalas ng
pagpalag ng mga kwerdas pantinig ayon sa tensyon o pagkabanat ng mga ito. Nakokontrol ng
nagsasalita ang pagtaas at pagbaba, paglaki at pagliit ng kanyang tinig. Kapag banat na banat,
higit na mabilis o madalas ang pagpalag ng mga ito.

“In accordance with Section 185, Fair Use of Copyrighted Work of Republic Act 8293, the copyrighted works included in this material may be reproduced for educational purposes
only and not for commercial distribution,”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 1 of 12
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

Ang dalas ng pagpalag ng mga kwerdas pantinig ay nakokontrol sa pamamagitan ng isang


nagsasalita ang pag iiba iba ng tensyon ng mga ito. Kapag hindi gaanong banat, ang pagpalag
ay mas madalang. Kapag tayo'y magsasalita, ang glottis ay bahagyang bubukas at magkakaroon
ng tensyon.

Ang presyon ng palabas na hininga ang siyang nagpapapalag sa mga kwerdas pantinig.
Napapadalas o napapabagal ang pagpalag ng mga kwerdas pantinig sa pamamagitan ng
pagpapalakas o pagpapahina ng tensyon ng mga ito.

Salik sa Pagbigkas ng Tunog Sangkap Ng Pagsasalita

Pinanggalingan ng lakas o enerhiya Dibdib (baga at diaphragm)


Pumapalag na bagay Lalamunan (laringhe, paringhe at trakya)
Patunugan o resonador Ulo (bibig, ilong, ngala-ngala)

Ang tunog o salita mula sa sangkap ng tao na ang


sadyang gamit ay paghinga, ang pagsasalita ay
pangalawang resulta lamang mula sa nabanggit mga
sangkap

Ang pumapalag na mga bagay ay ang dalawang


kwerdas pantinig na matatagpuan sa laringhe. Bukas na
bukas at nakarelaks o nakalarga tulad ng kung tayo'y
humihinga nang karaniwan.

Walang makararaang hangin sa pagitan nito,


tulad ng kung binibigkas natin ang tunog na paimpit na
karaniwang natatagpuan sa hulihan.

Nakabukas ng bahagya at banat o may tensyon


tulad ng kung tayo'y nagsasalita o magsasalita.

Lagom sa natalakay tungkol sa pagsasalita

Ang daanan ng hangin sa pagitan ng dalawang kwerdas pantinig ay tinatawag na


glottis. Kung tayo'y humihing nang karaniwan ang glottis ay bukas na bukas.

Ang laringhe ay binubuo ng kartilago o lamad. Ang hanging mula sa mga baga ay
nakakaabot sa kwerdas pantinig sa pamamagitan ng pagdaraan sa trakya.

Ang pinagmulan ng enerhiyang kailangan sa pagsasalita ay ang presyon ng


palabas na hininga.

B. PONEMIKA

Ponemika ang tawag sa pag-aaral at pag-uuri-uri sa iba't ibang makahulugang tunog na


ginagamit sa pagsasalita. Ponema naman ang tawag sa makahulugang tunog ng isang salita.

1. Makahulugan at Di-Makahulugang mga Tunog

Ang alinmang wika ay binubuo ng iba’t ibang tunog. Karamihan sa mga tunog na ito ay
makahulugan o makabuluhan bagama’t ang ilan ay hindi. Ang pagkakaiba-iba ng mga
makahulugang tunog ang siya nating malimit napapansin sa ilang wika; ang di-makahulugang
mga tunog ay hindi. Napapansin natin ang pagkakaiba-iba ng tunog ng mga ponema sapagkat
ang mga ito‘y nakapagdudulot ng pagbabago sa kahulugan ng salita.

“In accordance with Section 185, Fair Use of Copyrighted Work of Republic Act 8293, the copyrighted works included in this material may be reproduced for educational purposes
only and not for commercial distribution,”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 2 of 12
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

Gamitin nating halimbawa ang mga ponemnng /p/* at /b/ ng Pilipino. Ang dalawang
tunog na ito ay magkatulad sa punto ng artikulasyon sapagkat kapwa panlabi. Magkatulad din
ang mga ito sa paraan ng artikulasyon sapagkat kapwa pasara. Ngunit ang /p/ ay binibigkas
nang walang tinig samantalang ang /b/ ay mayroon. Dahil sa pagkakaibang ito, ang kahulugan
ng isang salita ay nababago sa sandaling ang isa ay ipalit sa isa.
Halimbawa:
ang salitang pala ‘shovel’ ay magbabago ng kahulugan sa sandaling ang /p/ ay
palitan ng /b/ = bala ‘bullet.

Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay inilagay natin sa magkatulad na kaligiran
upang mapatunayan kung ang mga ito nga ay totoong makahulugan - pala: bala Sa ganitong
kalagayan ay natitiyak natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil sa mga
ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa ibang bagay.

Sa halimbawang pala : alab ay kaagad mapapansin na ang /p/ at /b/ ay wala sa


magkatulad as kaligiran sapagkat ang /p/ ay nasa unahan o pusisyong inisyal ng salita
samantalang ang /b/ naman ay nasa hulihan o pusisyong pinal. Samakatwid, ang pagkakaiba sa
kahulugan ng pala at alab ay hindi dahil sa /p/ at /b/.

2. Mga Pares Minimal

Napag-usapan na natin na ang pinakamaliit na yunit ng tunog na makahulugan sa isang


salita ay tinatawag na ponema. Sinasabing makahulugan ang ponema sapagkat kapag ito'y inalis
o pinalitan sa kinasasamahang salita, ang kahulugan ng nasabing salita ay nag-iiba. Ang salitang
bansa ‘country’. halimbawa, ay mag-iiba ng kahuIugan kapag ang ponemang /s/ ay inalis o
pinalitan; banâ small lake, banta ‘threat.’

Ang paggamit ng mga pares minimal, gaya ng nabanggit na sa unahan, ay isang


pinakakaraniwang paraan upang ipakita ang pagsasalungatan o pagkokontrast ng mga ponema.
(Tandaan na ang pinag-uusapan dito ay ang mga ponema at hindi ang baybay.) Ang isang pares
minimal ay binubuo ng dalawang aytem sa isang wika -maaaring salita, parirala, o pangungusap
na magkatulad na magkatulad maliban sa isang bahagi.
Halimbawa:
Salita (pagkakaiba sa ponema)
lasa ‘taste’
tasa ‘cup’
Parirala (pagkakaiba sa morpema)
pupunta sa bayan - 'will go to town’
pumunta sa bayan - ‘went to town’
Pangungusap (pagkakaiba sa leksikon)
Pula ang bulaklak. ‘The flower is red.’
Puti ang bulaklak. ‘The flower is white.

3. Ponemiko at Ponetikong mga Tunog

Kapag ang pagkakaiba sa dalawang tunog ay makahulugan, sinasabi nating ang


pagkakaiba’y ponemiko; kapag naman ang pagkakaiba'y di-makahulugan, ay sinasabi nating ang
pagkakaiba'y ponetiko.

Lahat ng wika ay may uri ng mga tunog na mahahati sa dalawang antas: ponetikong antas
at ponemikong antas. Kapag sinusuri ng isang dalubwika ang isang wika, unang-una niyang
ginagawa ay ang pagtatala a pag-iimbentaryo ng lahat ng iba’t ibang tunog na kanyang naririnig
sa mga nagsisipagsalita ng nasabing wika. Pagkatapos ay susuriin niya ang kanyang naitalang
mga tunog upang alamin kung alin-alin sa mga ito ang ponemiko at kung alin-alin naman ang di-
ponemiko o ponetiko.

Madaling nakikilala ng isang nagsusuri ang mga panama ng kanyang sariling wika kaysa
mga ponema ng isang wikang hindi niya nauunawaan. Halimbawa, kung madali mang nakikilala

“In accordance with Section 185, Fair Use of Copyrighted Work of Republic Act 8293, the copyrighted works included in this material may be reproduced for educational purposes
only and not for commercial distribution,”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 3 of 12
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

ng isang Tagalog ang iba’t ibang tunog sa kanyang wika, hindi nangangahulugang madali tin
niyang makikilala ang iba’t ibang tunog ng wikang lloko.

Kalimitan, lalo na sa isang di-gaanong bihasa sa pagsusuri, ang alam na alam niyang set
ng mga ponema ng kanyang wika ang siyang nagdudulot ng suliranin sa kanyang pagsusuri.
Nangyayari ito sapagkat ang isang pares ng mga ponema na nagsasalungatan o nagkokontrast
sa kanyang wika ay hindi nangangahulugang nagkokontrast din sa ibang wika. Halimbawa: Sa
Ingles ay malinaw na malinaw na hiwalay at magkaibang ponema ang /f/ at /p/, tulad ng
mapatutunayan sa mga pares minimal na sumusunod fin : pin. Ngunit sa Pilipino, ang /f/ ay hindi
(pa) maituturing na ponemiko sapagkat ang mga salitang hiram sa Ingles o sa Kastila, o sa
alinmang wika, na may ganitong ponema’y karaniwang pinapalitan ng ponemang /p/. Halimbawa:
formal=pormal, cafe = kape, atb. Kung gagamiting mga pares minimal ang nabanggit na mga
salita, mapatutunayang ang kahulugan ng salita ay hindi nababago. Gayundin naman ang
ponemang /v/ sa Ingles na karaniwan ay pinapalitan ng /b/.
Halimbawa:
vinta = binta.

Samakatwid, sa isang Amerikanong nagsusuri sa wikang Pilipino, ang ganitong sitwasyon


ay maaaring makalito.

Sa Kastila, gayundin sa Filipino, ang mga tunog na /s/ at /z/ (na sa Ingles ay tiyak na mga
ponemiko, tulad ng makikita sa pares minimal na sue at zoo) ay hindi maituturing na
magkahiwalay at magkaibang mga ponema sapagkat ang mga ito’y hindi nagsasalungatan o
nagkokontrast sa magkatulad na kaligiran, tulad ng zigzag : zigzag na kahit bigkasin nang /zigzag/
o /sigsag/ ay hindi nagbabago ang kahulugan. Samakatwid, ang pagkakaiba sa bigkas ng [s]* at
[z] ay hindi maituturing na ponemiko.

Ang pagkakaiba sa tunog ng [s] at [z] ay hindi gaanong napapansin ng isang Pilipino o ng
isang Kastila sapagkat ang pagkakaibang ito ay hindi makahulugan sa kani-kanilang wika.
Katulad din naman sa Ingles na ang pagkakaiba ng [pʰ] at [p] sa mga salitang pam [phæn] at
span [spæn] ay hindi halos napapansin sapagkat ang pagkakaibang ito ay hindi ponemiko.

Sa bahaging ito ay mapapanain din na ang transkripsyong pamponetiko ay naghuhudyat


on may tunog o mga tunog na nakukulong ng mga braket na di-ponemiko, samantalang ang
transkripsyong pamponemiko ay naghuhudyat naman na ang mga tunog na nakukulong ng mga
pahilis na guhit ay tiyak na mga ponemiko.

Sa wikang Pranses ay walang tunog na /θ/. Kaya’t sa isang Pranses na nag-aaral ng


Ingles, ang /θ/ ay nagiging /s/, kaya’t ang ‘thin’ /θin/ ay nagiging ‘sin’ /sin/. At sapagkat ang /θ/ at
/s/ ay magkaibang ponema sa Ingles, ang isang Pranses ay tiyak na makasusumpong ng suliranin
sa kanyang pakikipag-usap sa isang Amerikano.

Samantala, kung sa Ingles ay hindi ponemiko mg pagkakaiba an bigkas ng [pʰ] at [p], sa


ilang wikain sa Tsina, ang pagkakaiba sa bigkas ng tunog na aspirado at di-aspirado ay ponemiko.
At sapagkat sa wikang Intsik ay nakapagpapabago ng kahulugan ang pagkakaroon at pagkawala
ng aspirasyon, dito naman magkakaroon ng suliranin ang isang Amerikanong nag-aaral ng
wikang Intsik.

Halimbawa ay gusto nating malaman kung ang dalawang tunog ng isang wika ay may
pagkakaibang ponetiko o ponemiko, Una, ay subukin natin kung ang mga ito ay matatagpuan sa
magkatulad na kaligiran. Pagkatapos ay subukin kung ang mga ito’y nagsasalungatan o
nagkokontrast sa gayong kaligiran. Kapag ang dalawang tunog ay hindi nagkokontrast sa
magkatulad na kaligiran, sinasabi nating ang pagkakaiba ng dalawang tunog ay di-ponemiko.

Mga salitang Ingles muna ang gamitin nating halimbawa sapagkat ang ganitong
penomena ay karaniwang-karaniwan sa wikang ito. Suriin natin ang kalagayan ng /t/ sa salitang
top at stop - [thap]:[stap]. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang [tʰ] at [t]? Wala, sapagkat ang [tʰ]
ay nasa pusisyong inisyal samantalang abg [t] ay nasa pusisyong midyal. Maaaring pagpalitin
ang pusisyon ng [t] at [tʰ], na ang [t] ay ilagay sa pusisyon ng [tʰ] sapagkat ang pagkakaiba sa
“In accordance with Section 185, Fair Use of Copyrighted Work of Republic Act 8293, the copyrighted works included in this material may be reproduced for educational purposes
only and not for commercial distribution,”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 4 of 12
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

bigkas ng dalawang tunog na ito ay hindi itinuturing na ponemiko. Ngunit sa sandaling ang [tʰ] ay
malagay sa pusisyon ng [t], ito’y magkakaroon ng pagbabago-magiging [t] na rin dahil sa
impluwemya ng nauunang ponemang /s/. Gayundin, kapag ang [t] ay inilagay sa punisyong
inisyal, ito’y magkakaroon ng aspirasyon - [tʰ] - dahil sa hinihingi ng ganitong paraan ng pagbigkas
sa lahat ng ponemang pasara o istap na /p, t, k, b, d, g/ kapag nasa pusisyong inisyal upang
malinaw na marinig ng nakikinig ang ponemang nasa punisyong inisyal.

Dahil dito, masasabi natin na ang [t] at [tʰ] sa katotohanan, ay mga alopono lamang ng
isang ponema. Nagkakaroon lang ito ng bahagyang pagbabago ayon an kinnlalagyang kaligiran,
o ayon sa distribusyon.

4. Kanya-kanyang Kaligiran

Ang kaligiran ng [t] at [tʰ] sa mga salitang top at stop ay hindi magkatulad. Ang [t] , gaya ng
nabanggit na sa una ay hindi maaaring ipalit sa [tʰ] nang hindi susunod sa anyo nito. Gayundin
man, ang [tʰ] ay hindi maaaring ipalit sa [t] nang hindi susunod sa anyo nitong huli.

Sa ibang salita, ang [t] at [tʰ] sa Ingles, bilang mga alopono ng isang ponema, ay may
kanya-kanyang lugar o kaligiran; na ang [t] ay hindi maaaring matagpuan sa kinalalagyan o
kaligiran ng [tʰ].

5. Distribusyong Komplimentaryo
Ang dalawang tunog na [t] at [tʰ] sa mga salitang top [tʰap] at stop [stap] ay may kanya-
kanyang kaligirang katatagpuan. Ang [t] ay ma pusisyong midyal, samantalang ang [th] ay nasa
pusisyong inisyal. Sa gayong kalagayan, sinasabi nating ang [t] at [tʰ] ay nasa distribusyong
komplimentaryo. Kailanman, ang mga tunog na nasa distribusyong komplimentaryo ay hindi
nagkokontrast sapagkat ang mga ito, gaya ng nabanggit na, ay hindi matatagpuan sa magkatulad
na kaligiran.

Sa wikang Kastila, ang [s] ay natatagpuan sa pagitan ng mga patinig samantalang ang [z]
ay hindi kailanman. Kapag sinuri natin ang distribusyon ng mga tunog na [s] at [z] sa wikang Kastila
ay mapatutunayan nating kailanman ay hindi matatagpuan ang mga ito sa magkatulad na kaligiran,
samakatwid ay nasa distribusyong komplimentaryo.

Samantala, hindi ganito ang kalagayan ng dalawang tunog na ito sa Ingles sapagkat ang
mga ito ay natatagpuan sa magkatulad na kaligiran.
Halimbawa:
house [haws] (pangngalan)
house [hawz] (pandiwa)

Samakatwid, kung matatagpuan ang mga tunog na [s] at [z] sa magkatulad na kaligiran,
hindi natin masasabing ang mga ito ay may kanya-kanyang kaligiran. At sapagkat nagkokontrast
ang mga ito kapag nalagay sa magkatulad na kaligiran, makapagbibigay tayo ng kongklusyon na
ang mga ito ay magkaibang ponema.

Ang salitang houses ay binibigkas nang may dalawang tunog na [z] [hawzəz]. Ang unang
[z] ay nasa pagitan ng diptonggong /aw/-itinuturing na patinig-at ng patinig na /ə/. Ang ikalawang
[z] ay nasa pusisyong pinal ng salita. At sapagkat sa Pilipino ay walang [z] sa pagitan ng dalawang
tunog na patinig, malamang na [s] ang magiging dinig sa [z] ng isang Pilipinong nag-aaral ng
Ingles. Ang dahilan ay sapagkat sa Ingles, ang pagkakaiba sa bigkas ng /s/ at /z/ ay ponemiko
samantalang sa Pilipino ay hindi.

6. Malayang Pagpapalitan

Ang mga ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit hindi nagpapabago


sa kahulugan ng salita ay sinasabing nasa malayang pagpapalitan. Sa ibang salita, ang isang
ponema ay maaaring ipalit sa pusisyon ng ibang ponema nang hindi nababago ang kahulugun
ng salita.

“In accordance with Section 185, Fair Use of Copyrighted Work of Republic Act 8293, the copyrighted works included in this material may be reproduced for educational purposes
only and not for commercial distribution,”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 5 of 12
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

Sa Ingles ay hindi nagaganap ang pagpapalitan ng alinmang dalawang ponema nang


hindi nagkakaroon ng epekto sa kahulugan ng salita. Subalit sa Pilipino ay maituturing na
karaniwang-karaniwan ang ganitong penomena.
Pansinin ang sumusunod na mga halimbawa:
u-o : pinanunuod - pinanunood
r-d : marusing - madusing
r-l : karsada – kalsada

Subalit sa kabila ng ganitong karaniwang nagaganap sa pagpapalitan ng di-iilang ponema


sa Pilipino, hindi rin naman mapasusubalian na ang mga halimbawang ponema sa itaas ay
sadyang magkakaibang ponema, tulad ng mapatutunayan sa sumusunod na mga pares minimal:
u-o : uso - oso
r-d : riles - diles
r-l : loro – lolo

7. Ang Alopono

Ang pangkat ng mga tunog na itinuturing na halos magkatulad sa isang wika ay ang mga
alopono. Sinasabi nating halos magkatulad sa bigkas ang dalawa o higit pang tunog kapag ang
mga ito ay parehung-pareho sa punto at paraan ng artikulasyon ngunit may bahagyang-bahagya
lamang na pagkakaiba.

Ang mga alopono ay may mga katangiang tulad ng sumusunod: .


1. Hindi nagkokontrast o di nagsasalungatan sa magkatulad na kaligiran.
2. Magkatulad sa bigkas-sa punto at paraan ng artikulasyon.
3. Nasa distribusyong komplimentaryo.

Ang lahat ng mga alopono ng /t/ sa wikang Ingles, halimbawa, ay may iisang punto at
paraan ng artikulasyon - pawang mga voiceless alveolar stop. Ngunit ang mga aloponong ito ay
nagkakaroon ng pagkakaiba-maaaring aspirado o di-aspirado, pigil o di-pigil, ayon sa
distribusyon.

Kung sabagay, kapag inulit-ulit ang pagbigkas sa isang salitang tulad ng teacher, ang
ponemang /t/ na nasa pusisyong inisyal ay tiyak na magkakaroon ng pagkakaiba-iba sa bigkas
kahit bahagyang-bahagya lamang sa aspirasyon, sa haba, sa uri ng tunog, sa tono, atb. Kaya
nga ba’t sinasabing kung sampung beses na binigkas ang teacher sa Ingles, sampung iba’t ibang
tunog din ng /t/ ang lilitaw. Ang pagkakaiba-iba sa bigkas ng /t/ sa ganitong pagkakataon, kung
sabagay, ay mapatutunayan lamang natin kung gagamitan ng isang sensitibong instrumentong
tulad ng spectogram.

Subalit may napapansing mga pagbabago sa pagbigkas ng isang ponema kahit hindi
gamitan ng instrumento, tulad ng pagkakaroon at di-pagkakaroon ng aspirasyon. Ang ganitong
mga pagbabagong nagaganap sa isang tunog ay dahil sa nagiging impluwensya ng kaligiran o
mga katabing tunog nito.

Subalit ang pagkakaiba sa bigkas ng mga alopono ay hindi maaaring lubhang magkalayo.
Sa ibang salita, ang pagkakaiba-iba ay di dapat lumabas sa katangian ng ponema. Sa Ingles,
kapag ang /s/, halimbawa, ay binigkas nang may boses, hindi na ito maituturing na alopono kundi
iba nang ponema /z/. Pansinin na ang seal ay mag-iiba na ng kahulugan kapag binigkas ang /s/
nang may boses - zeal.

Bumalik tayo sa ponemang /t/ ng Ingles upang malinaw nating maunawaan ang kahulugan
ng alopono. Ang ponemang /t/ sa Ingles ay masasabing may mga aloponong hindi kukulangin sa
apat, tulad ng mga sumusunod (Buchanan 1963):

[t] - (hindi aspirado) kapag ang /t/ ay sumusunod sa /s/, tulad sa mga salitang stand, still,
stole, stop, atb.

“In accordance with Section 185, Fair Use of Copyrighted Work of Republic Act 8293, the copyrighted works included in this material may be reproduced for educational purposes
only and not for commercial distribution,”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 6 of 12
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

[tʰ] - (aspirado) (1) kapag ang /t/ ay nasa pusisyong inisyal, tulad ng sa mga salitang tin,
tip, tan, top, atb., (2) karaniwan kapag ang /t/ ay nasa pusisyong pinal, tulad sa mga
salitang sit, mint, get, light, atb.

[t-] = (pigil) karaniwan kapag ang /t/ ay nasa pusisyong pinal, tulad sa mga salitang sit,
mint, get, light. (Ang [tʰ] at [t-], samakatwid ay malayang nagkakapalitan sa pusisyong
pinal.)

[t'] = (tap) kapag ang /t/ ay nasa pagitan ng dalawang patinig, tulad ng sa mga salitang
bitter [bitər], water ]wɔt’ər], butter [bətər] atb.

Mapapansin sa paglalarawan sa itaas na –

1. ang bawat alopono ay may kanya~kanyang pusisyon sa salita, maliban sa [th] na


bukod sa pusisyong inisyal ay ginagamit din sa pusisyong midyal at pinal sapagkat
kalimitan ay malaya itong nakikipagpalitan sa [t'] at [t-]. Halimbawa: bitter = [bitʰer]
[bit’er], light = [layt-]~ [laytʰ].

2. lahat ng mga alopono ng /t/ ay binibigkas nang walang boses at pasara; ang punto ng
artikulasyon ay alveolar. Samakatwid, masasabing lahat ito ay magkakatulad sa
paraan at punto ng artikulasyon. Kung ang mga tunog ay magkakatulad sa punto at
paraan ng artikulasyon, ang mga tunog na ito’y sinasabi nating may pagkakatulad na
ponetiko. Sinasabi rin natin na ang mga aloponong ito ay hindi nagkokontrast sapagkat
ang mga ito’y hindi matatagpuan ea magkatulad na kaligiran; matagpuan man ay hindi
rin nakapagbabago sa kahulugan ng salita.

3. sa pagbigkas ng [t’], ang dila ay dumidiit nang sandaling-sandali lamang sa punto ng


artikulasyon na di kasintagal ng pagdiit ng dila kung binibigkas ang [tʰ], [t-], at [t].

C. PAG-ALAM NG MORPEMA AT PONEMA

1. Ang Ponema

Sa bahaging ito ay nakahanda m tayong talakayin nang masusi ang ponema. Ngunit
makabubuti marahil na alamin muna natin kung saan hinango ang katawagang phoneme.

Ang phoneme ay hango sa dalawang salitang phone (tunog) at -eme (makahulugan) na


inasimila naman natin at tinawag na ponema ayon sa kinagawiang paraan ng panghihiram.
Mababanggit na rin sa pagkakataong ito ang morpheme na hango naman sa morph (yunit) at -
eme (makahulugan) na inasimila tin natin at tinawag na morpema. Gayundin ang allophone allo
(katulad) + phone (tunog) at allomorph allo (katulad) + morph (yunit) na tinawag natin sa Pilipino
ng alopono at alomorp. Magagamit ding panumbas ang ponim, morpim, alopon, at alomorp.

Ang ponema, sa katotohanan,ay walang kahulugan kapag nag-iisa. Nagkakaroon lamang


ito ng kabuluhan kung ito’ y nagiging bahagi ng salita. Iba’t iba ang paraan ng pagbibigay-
katuturan ng mga dalubwika sa ponema. Sa pagkakataong ito ay gamitin natin ang depinisyon ni
Gleason na humigit-kumulang ay may ganitong diwa:

Ang ponema ay (1) isang grupo ng magkakahawig na tunog (2) na magkakatulad sa punto
at paraan ng artikulasyon, at (3) may kanya-kanyang sistema ng distribusyon (4) sa wikang pinag-
uusapan.

Isa-isa nating suriin kung ano ang ibig sabihin ng bawat parirala sa itaas:
. . . isang grupo ng magkakahawig na tunog. Muli nating gamiting halimbawa ang
ponemang /t/ sa Ingles. Gaya ng natalakay na sa una, ang /t/ ng Ingles ay may apat na alopono
- [t], [tʰ]. [t-], at [t’]. Ang mga aloponong ito ay isang grupo o pangkat ng mga magkakahawig na
tunog. (Hindi natin magagamit ang pang-uring ‘magkakatulad’ sa pagkakataong ito sapagkat ang
mga aloponong nabanggit, sa teknikal na kahulugan, ay may bahagyang pagkakaiba sa isa’t isa.

“In accordance with Section 185, Fair Use of Copyrighted Work of Republic Act 8293, the copyrighted works included in this material may be reproduced for educational purposes
only and not for commercial distribution,”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 7 of 12
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

Mapapansin na waring hindi angkop sa PiIipino ang kahulugang ito lalo na sa mga
ponemang katinig sapagkat hindi nagkakaroon ng aspirasyon o anumang pagbabago ang
alinmang ponemang katinig saanmang pusisyon matagpuan. Gamitin nating halimbawa ang
ponemang /t/ na ginamit natin sa Ingles:

Pusisyong Inisyal:
“tanong” [tanong] ‘question'
Pusisyong Midyal:
“pintor” [pintor] ‘painter‘
Pinangungunahan ng /s/:
“estado” [esta:do] ‘state’
Pusisyong Pinal:
“sagot” [sagot] ‘answer’
Pagitan ng Dalawang Patinig:
“batas” [batas] ‘law’

Pansinin na walang nagiging pagbabago ang pagbigkas sa ponemang /t/ sa halimbawang


apat na pusisyon na di tulad ng /t/ ng Ingles.

Kung sabagay, hindi lamang marahil napapansin ang nagaganap na pagbabago sa isang
ponema sa Pilipino dahil nga sa impluwensya ng kaligiran o katabing (mga) tunog. Ang ponemang
/k/ diumano ay nagkakaroon ng ‘fronting‘ kapag nakapagitan sa mataas-harap na /i/, tulad sa
salitang "pikit" [pi< kit]. Samantala, nagkakaroon naman daw ng ‘backing' ang /k/ kapag ito’y
nakapagitan sa mataas-likod na /u/, tulad sa salitang “buko” -[buk>u] ‘node’. Mapapatunayan
lamang ito marahil kapag ginamitan ng spectogram. Nguni't ito’y hindi na natin pag-uukulan ng
interes sapagkat ito'y wala namang kahalagahang pedagodyikal.

. . . nagkakatulad an paraan at punto ng artikulasyon. Ang apat na alopono ng /t/ sa


Ingles ay binibigkas nang halos magkatulad na magkatulad-iisang paraan at punto artikulasyon
ang ginagamit-kaya't sinasabing ang mga ito‘y 'phonetically similar'.
Lahat ng mga aloponong ito ay binibigkas nang walang boses, pasara, at ang dulo ng dila
ay dumidiit nang minsan sa may punong gilagid.

. . . may kanya-kanyang sistema ng distribusyon. Sinasabi nating kung nagkakaroon


man ng bahagyang-bahagyang pagkakaiba ang mga alopono ng isang ponemang tulad ng /t/ sa
lngles, iyon ay dahil sa impluwensya ng kani-kanilang kaligiran. Subalit ang bahagyang
pagkakaibang ito ay hindi sapat upang makapagpabago sa kahulugan ng salita kapag ang mga
ito ay inilagay sa magkatulad na kaligiran. Kaya nga’t mapatutunayan, gaya ng natalakay na sa
una, na halos lahat ng mga alopono ay nasa distribusyong komplimentaryo; sa ibang salita, bawat
isa ay may kanya-kanyang sistema ng distribusyon.

. . . sa wikang pinag-uusapan. Kailangang isama ito sa katuturan ng ponema sapagkat


lahat ng wika ay may kanyakanyang set ng mga ponema. May wikang higit na maraming ponema;
may wikang higit nu kakaunti. Ang Ingles ay may 47 ponema samantalang ang Pilipino ay may
21 lamang. Kaya nga’t sinasabing hindi ngayo’t ponemiko ang isang tunog sa isang wika ay hindi
nangangahulugang ponemiko na rin ito sa ibang wika. Halimbawa, maraming ponema sa Ingles
na hindi maituturing na ponemiko rin sa Pilipino, tulad ng /č/, /j/, /f/, /v/. /θ/. /ə/, /s/. /z/, /ž/. Gayundin
naman, kahit kakaunti ang mga ponema ng Pilipino, may mga ponema rin ito na wala sa Ingles,
tulad ng pnnemang glottal na pasara /?/ o impit na tunog na matatagpuan sa pusisyong pinal ng
mga salitang tulad ng bata /ba:ta?/, puso /pu:so?/, labi /la:bi?/ atb. (Tinatalakay nang puspusan
ang ponemang ito sa Kabanata VII.)

Isa pa, bawat wika ay may kanya-kanyang sistema sa paggamit ng mga tunog, ponemiko
man o hindi. Sa lngles, ang /k/ sa keep /kip/ ay iba sa /k/ ng cool /kuwl/. Ang /k/ sa keep ay
‘frontopalatal,’ samantalang ang /k/ ng cool ay ‘dorso-velar.’ Iba rin ang /k/ sa kit kaysa /k/ sa skit;
sa una ay aspirado, sa ikalawa ay di-aspirado. Samantala, ang /k/ sa Pilipino ay walang nagiging
pagbabago kahit saan mang pusisyon matagpuan-laging dental-alveolar.

“In accordance with Section 185, Fair Use of Copyrighted Work of Republic Act 8293, the copyrighted works included in this material may be reproduced for educational purposes
only and not for commercial distribution,”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 8 of 12
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

Masasabi ring ang isang ponema ng isang wika ay hindi kailanman makakatulad na
makakatulad ng isang ponema ng ibang wika; na walang isang ponemang unibersal. Ang Ingles
ay may kanyang sarling /t/, halimbawa; ang Pilipino ay mayroon din; gayundin ang Pranses, ang
Aleman, atb.

Ang tinalakay sa itaas na katuturan ng ponema, ayon kay Gleason, ay mapapansing


angkop na angkop sa wikang Ingles. Para sa ating pangangailangan makabubuti pang sabihin
na lamang natin na ang ponema ay ang pinakamaliit na makahulugang tunog ng isang wika.
Halimbawa, sa salitang basâ /basa?/ ay sinasabi nating lima ang ponema-/b, a, s, a, ?/ sapagkat
bawat isa ay makahulugan o ponemiko; na hindi maaaring palitan o alisin ang alinman sa mga
ito sapagkat maiiba o mawawala ang kahulugang wet.

2. Ang Morpema

Tinalakay natin sa itaas sa isang payak at pabuod na pamamaraan kung ano ang ponema.
Ngunit ang pag-alam sa mga ponema ay isang bahagi lamang ng paglalarawan sa wika. Hindi
magiging ganap ang ating paglalarawan sa wika kung palatunugan lamang nito ang ating
aalamin. Kailangan din nating suriin kung papaanong ang mga ponema ay pinagsasama-sama
upang magkaroon ng kahulugan. Gayundin, kailangan din nating alamin kung papaanong
ginagamit sa pakikipag-usap ang mga salita o katagang binubuo ng pinagsama-samang mga
ponema.

Sa bahaging ito ay pag-uusapan natin ang ikalawang pinakabatayang yunit sa sistema ng


pananalita-ang morpema. Ang unang pinakabatayang yunit, gaya ng alam na natin, ay ang
ponema.

Ang morpema, gaya ng ponema, ay may kahirapang bigyan ng tiyak na katuturan na


maaangkop sa alinmang wika. Alam nating ang bawat wika ay may sariling sistema sa pagbubuo
ng mga salita. Kaya’t makabubuti marahil na talakayin muna natin kung ano ang morpema at
pagkatapos ay saka tayo magbigay ng depinisyon na magiging makatumran para sa mga guro at
mag-aaral ng Pilipino.

Sinasabing ang morpema ay naiiba sa ponema sapagkat may mga morpema na may
kahulugan kahit nag-iisa; ang ponema ay wala. Sa isang wika, ang ponema ay ang pinakamaliit
na makabuluhang tunog, samantalang ang morpema ay ang pinakamaliit na makahulugang yunit
nito. Ang morpema ay binubuo ng isa o higit pang ponema, kaya’t masasabi natin na may
pagkakataong ang ponema ay morpema rin. Halimbawa, ang boys sa Ingles ay binubuo ng
dalawang morpema {boy}* + {z}. Ang {z}, bagama’t maituturing na isa ring ponema, ay isa pa ring
morpema. Ito ang tinatawag na pamparaming morpema (pluralizer morpheme). Isa pang
halimbawa: sa wikang Ilocano, ang pera mo o kuwarta mo ay cuartam /kwartam/. Ang salitang
cuarta /kwarta/ ay isang morpema, gayundin ang paaring panghalip na {m}. At sapagkat nakakabit
sa salitang-ugat ang /m/ na tulad ng {z} sa boys, ito ang tinatawag na nakalaping morpema (bound
morpheme). Maaari ring tawagin itong di- malayang morpema. Ang morpemang mo ay malayang
morpema. Ngunit mapapansin na ang mga morpemang {z} sa boys at {m} sa cuartam, bagama’t
mga ponema rin, ay iba ang katayuan sa mga ponemang /z/ at /m/ sa mga salitang rose /rowz/
at hiram /hiram/.

Sa linaw ng mga halimbawang nabanggit ay hindi natin masasabing ang morpema ay


salita o kataga sapagkat ang {z} ng boys at {m} ng cuartam ay hindi mga salita o kataga. Isa pa,
may mga pagkakataong ang isang salita ay binubuo ng higit pa sa isang morpema. Ang salitang
/maganda/ ay binubuo ng dalawang morpema -{ma-} + {ganda}. Manapa, masasabi natin sa
bahaging ito na ang morpema ay mauuri sa dalawang klase: salitang-ugat na tulad ng basa
{ba:sa}, lakad {la:kad}, salita {salita?}, abp.,, at panlapi na tulad ng {-um-} sa lumakad, {nag-} sa
nagsalita, atb.

Hindi rin masasabing ang morpema ay isang pantig. Ang bubuyog [bubu:yug/ ay isang
morpema ngunit binubuo ng tatlong pantig. Kung susubuking hatiin o pagputul-putulin ang
salitang bubuyog, makakukuha tayo ng mga putol ng salitang tulad ng /bu/, /bub/, /bubu/, /ubu/,

“In accordance with Section 185, Fair Use of Copyrighted Work of Republic Act 8293, the copyrighted works included in this material may be reproduced for educational purposes
only and not for commercial distribution,”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 9 of 12
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

/bu:yu/, /uyug/, atb. Nakabuo nga tayo ng mga salitang tulad ng /bubu/, /ubu/, /bu:yu/ ngunit ang
mga kahulugan ay walang-wala nang relasyon o kaugnayan sa bubuyog.

Ang pagkilala sa mga morpema ng isang wika ay madali kung alam ng nagsusuri ang
wika; may kahirapan kung banyagang-banyaga sa kanya ang wikang kanyang sinusuri.
Halimbawa, madaling makikilala ng isang Tagalog ang mga morpema ng wikang Tagalog, ngunit
siya’y mahihirapan sa pag-alam sa mga morpema ng isang wikang bagung-bago sa kanyang
pandinig.

Ang isang karaniwang paraan ng pag-alam ng mga morpema ng isang wika ay ang
pagkuha ng sapat na daming mga aalita na nagkakatulad sa ginagampanang bahagi sa
pananalita. Ang mga salitang malaki, malinaw, at malungkot ay pare-parehong mga pang-uri.
Sapagkat ang {ma-} ay natatagpuan sa pusisyong inisyal ng bawat salita, masasabi natin kaagad
na ito’y isang morpema, gayundin ang mga sumusunod na salitang-ugat: lahi, linaw at lungkot.
Ang ganitong paraan ng pag-alam sa mga morpema ay waring madali para sa mga Tagalog
sapagkat wikang Tagalog ang pinag-uusapan. Ngunit para sa isang di-Tagalog, ito'y hindi
kasindali ng ating akala. Ang isang walang kaalam-alam sa wikang Tagalog, isang Kastila,
halimbawa, ay maaaring magpalagay na {mal} at hindi {ma} ang morpemang panlapi sapagkat,
gaya ng mapapansin natin, ang tatlong halimbawang salita ay nagsimula Iamang magkaroon ng
pagkakaiba pagkatapos ng l. Ang dahilan kung bakit hihinalain ng isang Kastila na isang
morpema ang *{mal} ay sapagkat may kahulugan ito sa kanyang unang wika. Ipalalagay din niya
samakatwid na ang mga salitang-ugat sa mga halimbam sa itaas ay *aki, *inaw, at *ungkot.
Mangyayari ito sapagkat wala sa kanyang bokabularyo ang mga salitang Iaki, Iinaw, at lungkot.
Isa pang halimbawa: sa mga salitang sitaw. sibuyas, sili, sigarilyas, at sitsaro ay malamang na
hinalain ng isang walang kaalam-alam sa Tagalog na ang /si/ ay isang morpemang panlapi at
ang mga salitang nilalapian ay *taw, buyas, Ii, gadilyas, at tsaro.

Nangyayari rin na ang isang morpema na ating ihiniwalay ay maaari pang hatiin sa
dalawang ponema. Halimbawa: pinagtapunan, pinagtaguan, pinaglutuan, pinagtalian. Kung
ihiniwalay natin ang {pinag-) bilang isang morpema, hindi na kaya maaaring himayin pa ito, tulad
ng {p-ag} at {-in-}? Gayundin, nangyayari na ang ihinihiwalay ng isang nagsusuri bilang isang
morpema, sa katotohanan, ay bahagi lamang ng kabuuan ng morpema. Hindi kaya bahagi
lamang ng buong morpemang { pag-...-an) ang { p-ag}?
Bawat morpema ng isang wika ay may kanya-kanyang distribusyon. Ang morpemang
{a:so}, halimbawa, ay matatagpuan sa balangkas ng Tumatahol ang ______ , ngunit hindi hindi
sa Umaawit ______ Maria. Ang si ay matatagpuan sa ikalawang pangungusap ngunit hindi sa
una. Gayundin, ang morpema o panlaping {-um-} ay matatagpuan sa pusisyong inisyal at sa
pusisyong midyal ngunit hindi kailanman sa pusisyong pinal. Halimbawa: umawit, tumahol; ngunit
*awitum, taholum.

Mapapansin na, tulad ng ponema, ang isang di-malayang morpema ay nagkakaroon ng


kaunting pagbabago sa bigkas ayon sa distribusyon o dahil sa impluwensya ng kinakakabitang
salitang-ugat. Ang morpemang {s} sa Ingles, halimbawa, ay nagkakaroon ng tatlong iba’t ibang
anyo ayon sa kinalalapiang salita: sa boys /boyz/, ito ay {-z}; sa cats [kaets], ito ay {s}; at sa roses
/rowziz/, ito ay /-iz/. Kung ating susuriin ang iba pang salita sa Ingles na katatagpunn ng
morpemang {s}, mauumwaan natin na ang anyong {-iz} ay matatagpuan lamang sa mga salitang
nagtatapos sa ponemang /s, z, š, ž, č, at j/ ang anyong {-s} ay mga nagtatapos sa /p, t, k, t, at θ/,
at ang {z} ay sa lahat ng iba pang katinig at sa lahat ng mga patinig. Maaari pa ring idagdag sa
mga alomorp ng {-s} ang {-in} sa salitang oxen, bagama’t masasabing ito’y natatanging alomorp
ng {-s}.

Ang tatlong anyong {-iz}, {-s}, at {-z} ay tinatawag na mga alomorp ng morpemang {-s}.
Ang {pang-}, {pam-}, at {pan-} sa Pilipino ay isa pa ring halimbawa ng mga alomorp ng isang
morpema. Pansinin na ang alomorp na {pang-} ay matatagpuan lamang sa unahan ng mga
salitang nagsisimula sa mga ponemang patinig at sa mga ponemang katinig na /k, g, h, ?, w, y/;
ang {pam-} ay sa /p at b/ at ang {pan-} ay sa /t, d, s, l, r/. Ang may at mayroon man, kung ating
suriin, ay maituturing na mga alomorp lamang ng isang morpema. Tingnan ang halimbawang
tanong-sagot na, May lapis ka ba? Meron (Mayroon); ngunit, *Mayroong lapis ka ba? *May. Isa
pang halimbawa ay ang mga paaring morpema sa Ilocanong (-k) ~ {ko} at {-m} ~ {mo}: cuartak
“In accordance with Section 185, Fair Use of Copyrighted Work of Republic Act 8293, the copyrighted works included in this material may be reproduced for educational purposes
only and not for commercial distribution,”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 10 of 12
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

/kwartak/~ Iapis ko /la: pis ko/; cuartam /kwartam/~ lapis mo /la:pis mu/. Pansining ang {-k} at {-
m} ay ginagamit kapag ang salitang-ugat ay nagtatapos sa patinig, at ang {ku} at {mu} kapag
nagtatapos sa katinig.

Sa bahaging ito ay makapagbibigay na tayo marahil ng isang arbitraryong depinisyon na


tulad ng sumusunod, halimbawa: Ang morpema ay ang pinakamaliit na makahulugang yunit sa
balangkas ng isang wika. Sa ‘pinakamaliit na makahulugang yunit,’ ang ibig nating sabihin ay
isang yunit na hindi na maaaring hatiin pa nang hindi masisira ang kahulugan.

Mga Notasyong Ating Ginagamit

Makabubuting sa bahaging ito ay lagumin natin ang mga notasyon o simbolong ating
ginagamit sa aklat na ito:

[ ] - transkripsyong ponetiko; na ang lahat ng tunog, maging ponemiko o hindi ay isinasama


sa notasyon. Masasabing ang mga tunog na inirereprisinta ng mga simbolo sa loob
ng braket ay mga ‘hilaw’ pa; na wala pang katiyakan kung makahulugan o hindi. Sa
halimbawang kit [khit] kahit alam na alam nating ang /k, i, t/ ay mga ponemiko o
makahulugan, braket pa rin ang ginagamit natin upang ihudyat na may isang simbolo
sa transkripsyon na kumakatawan sa isang tunog na (di-ponemiko- ang [h].

/ / - transkripsyong ponemiko; na ang lahat ng tunog na nakukulong ng mga ito ay


ponemiko o makahulugan. Ang dalawang pahilis na guhit na ito ay tinatawag sa Ingles
na ‘virgules’. Masasabing ang mga tunog na inirereprisinta ng mga simbolo sa loob ng
dalawang guhit na pahilis ay mga ‘luto' na; na lahat ay makahulugan o ponemiko 'lung'.
{ } - notasyong morpemiko;na ang nakakulong ng mga ito ay morpema o alomorp.
Halimbawa: {pang~} {nam-}. {pag-}. Ang gitling sa hulihan ng morpema o alomorp ay
naghuhudyat na ito’y unlapi. Kung ang isang panlaping morpema naman ay isang
gitlapi, ito’y nilalagyan ng gitling sa magkabila. Halimbawa: {-in-}; kung hulapi, ay
nilalagyan ng gitling sa unahan {-an-}. At kung ang morpema ay putol, ito'y
inirereprisinta nang ganito: {pag-...-an} pagtaguan.

“ " - Ang mga halimbawang salita ay kinukulong ng panipi o kung minsan naman ay
isinusulat nang pahilig o italisado; naghuhudyat din ito ng tinatanggap na baybay ng
halimbawang salita. Halimbawa: "cuartam" sa Ilokano sa halip na *kuwartam sapagkat
ang una ang tinatanggap o ginagamit sa kanilang ortograpiya.

' ' - salin ng kahulugan sa ibang wika. “Gloss" ang tawag dito sa Ingles. Halimbawa: bata
/ba:ta?/ ‘child’.

* - nangangahulugang ang halimbawang ibinigay ay mali o hindi tinatanggap ng


katutubong tagapagsalita ng wika. Halimbawa: *Umaawit Maria si.

: - kumakatawan sa haba (length) na ibinibigay sa patinig na sinusundan nito. Halimbawa:


/pu:su?/.

/?/ - kumakatawan sa glotal na pasara o impit na tunog na ponemiko sa wikang Pilipino at


iba pang wika sa kapuluan. Halimbawa: /ba:ga?/ ‘lung', /idu?/ (Hiligaynon) 'dog.’

“In accordance with Section 185, Fair Use of Copyrighted Work of Republic Act 8293, the copyrighted works included in this material may be reproduced for educational purposes
only and not for commercial distribution,”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 11 of 12
Republic of the Philippines
NUEVA VIZCAYA STATE UNIVERSITY
Bayombong, Nueva Vizcaya
INSTRUCTIONAL MODULE
IM No.: SECFIL102-1STSEM-2020-2021

VI. LEARNING ACTIVITIES

a. PAGNILAYAN AT PAG-USAPAN

1. Ano ang pagkakatulad at kaibhan ng ng kuwerdas ng gitara at kuwerdas pantinig?

2. Ano ang alopono at ano-ano ang mga katangian nito?

3. Paano nagkakatulad at nagkakaiba ang morpema at ponema?

4. Gaano kahalaga ang pagsasalita para sa isang guro? Bakit?

VII. ASSIGNMENT

a. Manaliksik at alamin ang mga sumusunod:

1. Noam Chomsky
2. Frank R. Blake
3. Leonard Bloomfiled
4. Cicilio Lopez

VIII. EVALUATION

a. TAMA o MALI: Basahin at unawain ang mga pahayag at isulat ang sagot sa patlang;
kung ito ay tama, isulat ang TAMA
kung ito ay mali, isulat ang MALI

_______________ 1. Ang ponemang d at r, o at u, e at i ay magkakaibang ponema subalit may mga


pagkakataon na ito ay iisa at malayang nagpapalitan.
_______________ 2. Ang ponemang ng ay nagbabago ang ponema dahil sa epekto ng mga nasa paligid
nitong ponema o morpema.
_______________ 3. Ang pagsasalita ay pangalawang tungkulin lamang ng paghinga.
_______________ 4. Ang ponemang p mg Filipino ay hindi katulad ng Ingles na aspirado.
_______________ 5. Ang alopono ay kakayahan ng ponema na magkaroon ng maraming kahulugan.

b. PAGPAPALIWANAG: Ipaliwanag nang maigi ang:

Ano ang halaga ng mga sumusunod sa lingwistikang Filipino.

a. Kuwerdas Pantinig
b. Ponemika at Ponetika
c. Ponema at Morpema

IX. REFERENCES

Tumangan, Alcomtiser, Retorika sa Kolehiyo.


1997. Grandwater Publications. Makati City, Phil

Santiago, Alfonso O., Panimulang Lingguwistika, Binagong Edisyon


Manila. Rex Book Store. 2004

https://pdfslide.tips/education/panimulang-linggwistika-ang-pagsasalita.html

www.youtube.com/watch?v=ArYKvu9DykE

www.ask.com/question/lingguwistika

http:gabaywika.blogspot.com/08/lingguwistik
“In accordance with Section 185, Fair Use of Copyrighted Work of Republic Act 8293, the copyrighted works included in this material may be reproduced for educational purposes
only and not for commercial distribution,”
NVSU-FR-ICD-05-00 (081220) Page 12 of 12

You might also like