You are on page 1of 26

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan–Modyul para
sa Sariling Pagkatuto 16
Pagsibol ng Nasyonalismo sa
Iba’t ibang bahagi ng Daigdig:
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa
Soviet Union
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot.
1. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang may katotohanan.
A. Ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo ay isang proseso.
B. Hindi kinakailangang magpursigi ang isang tao para makamit ang damdaming makabayan.
C. Mararamdaman ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo ng hindi inaasahan.
D. Sapat nang batayan ng nasyonalismo ang pagsasabi na “Mahal ko ang aking bansa".
2. Ang bansang itinuturing na pinakamalaki sa daigdig ay ang _____________.
A. China B. France C. Soviet Union o Russia D. United States of America
3. Ang naniniwalang dapat ikalat agad ang komunismo sa pamamagitan ng rebolusyong pandaigdig
A. Friedrich Engels B. Josef Stalin C. Karl Marx D. Leon Trotsky
4. Ipinalaganap ni Vladimir I sa Russia ang Kristiyanismong Griyego (Orthodox) kaya tinawag
siyang ____________.
A. Vladimir The Christian C. Vladimir The Orthodox
B. Vladimir The Saint D. Vladimir The Greek
5. Rebolusyong pinasimulan ng mga Komunistang Soviet.
A. March Revolution B. May Revolution C. October Revolution D. September Revolution

BALIK-ARAL
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat
lamang ang titik ng tamang sagot
1. _______________Pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo.
2. _______________Dahilan ng pananakop na nagpapahayag na tungkulin ng mga
Europeo at ng kanilang mga inapo na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga
katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop.
3. _______________Paniniwalang may karapatang ibinigay ang Diyos sa United States
na magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang America.
4. _______________Isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang
pamahalaan at politika ng makapangyarihang bansa.
5. _______________Tumutukoy sa pagbibigay ng kolonya ng proteksiyon laban sa
paglusob ng ibang bansa.

A. Protectorate D. Manifest Destiny


B. White man’s burden E. Concession
C. Imperyalismo F. Sphere of influence

ARALIN
Pagsibol sa Nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng
Daigdig
Pagpapahalaga sa Nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig
Isang proseso ang paglinang at pag-unlad ng nasyonalismo, hindi maaaring biglaan.
Kailangan itong madama, paghirapan ng mga tao upang mahalin nila ang kanilang bansa. Sa iba,
ang kahulugan nito ay damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa. Sa iba,
kailangang isakripisyo pati ang buhay.
Kakambal ng nasyonalismo ang kawalan ng kasiyahan ng mamamayan. Hangad ng mga tao na
may ipagmalaki sila bilang isang bansa. Habang tumitindi ang kanilang paghahangad, higit nilang
nararamdaman ang pagiging makabayan.
Dumaraan ang lahat ng bansa sa iba’t-ibang pamamaraan kung paano nadama ng mga tao
ang pagiging makabayan. Habang ipinaglalaban nila ang kanilang bansa, may mga pangyayari na
kung minsan ay nagpapasidhi ng kanilang damdamin na humahantong sa digmaan.
Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Soviet
Union

Ang Soviet Union o Russia ang


pinakamalaking bansa sa daigdig. Isa
itong malawak na lupain na sumasakop sa
dalawang lupalop ng Asia at Europe. Halos
doble ang laki nito sa Estados Unidos.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/3
/3a/Vladimir_Svyatoslavovich.jpg

Noong 988, ipinalaganap ni Vladimir I


sa Russia ang Kristiyanismong Griyego
(Orthodox) kaya tinawag siyang
Vladimir the Saint.

https://th.bing.com/th/id/OIP.KbbjxsNCl1HhwAJ_l5X1
yAHaJa?pid=Api&rs=1

Ika-13 siglo, dumating ang mga Tartar o Mongol mula sa Asia at sinakop ang mga
mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon. Nag-iwan ng mga bakas sa pananalita,
pananamit at kaugalian ng Ruso ang nasabing panahon ng pananakop. Naging tagapagligtas
ng Russia si Ivan the Great, tumalo at nakapagbagsak sa mga Tartar sa labanan ng Oka.

Himagsikang Ruso
Isa sa mga himagsikang nakagimbal sa daigdig ang Rebolusyon ng mga Ruso na naganap
noong unang bahagi ng ika- 20 siglo. Bago nagkaroon ng himagsikan, ang Russia ang
pinakamalaking burukrasya sa mundo. Kontrolado ito ng mga maharlika at pulisya.
Magsasakang nakatali sa lupa ang apat sa bawat limang Ruso, walang karapatan at lagging
nakabaon sa utang. Maging ang mga industriya ay nasa ilalim ng pamamahala ng czar.

Nakahikayat sa mga manggagawa ang pagtatayo ng mga pagawaan upang pumunta sa mga
bayan at lungsod. Dito sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral. Dahil sa paghihigpit ng
pulisya, lumikas ang mga intelektwal na Ruso patungo sa kanlurang Europe at doon nila
nakatagpo ang mga disipulo ni Karl Marx at Friedrich Engels. Nagtatag ang mga ito ng
dalawang partido.
Nagkaroon ng alitan ang
pinakamasugid na tauhan- Josef Stalin at
Leon Trotsky- kung aling alituntunin ang
dapat sundin ng Russia. Si Trotsky ang may
paniniwalang dapat ikalat agad ang
komunismo sa pamamagitan ng rebolusyong
pandaigdig.
Samantala, ayon naman kay Stalin,
hindi ito napapanahon dahil mahina pa ang
Russia. Nagtagumpay si Stalin at napilitang
tumakas si Trotsky. Nanirahan siya sa
Mexico at doon namatay noong 1940.

https://1.bp.blogspot.com/ZP1BrlDTYtE/Wc9puTX6U4I/AAAAAAAACBo
/
whxqXLCZc1shvHlgrpf0h19yVarkB1epACPcBGAYYCw/s320/
Reportahe %2B-%2BRebolusyong%2BOktubre%2Blenin.jpg

Pinasimulan ang October Revolution ng mga komunistang Soviet. Sa unang


pagkakataon, nagkaisa ang mga Ruso, nagapi ang mga czar at nagwakas ang aristokrasya sa
bansa. Napalitan ito ng diktadurya ng Partido Komunista. Noong Unang Digmaang
Pandaigdig, sumanib ang bansa sa Alyado. Noong 1923, naging Soviet Union ang pangalan ng
bansa. Namatay si Lenin at naghari si Stalin.

MGA PAGSASANAY
Panuto: TAMA o MALI. Isulat ang salitang Tama kung ang pahayag ay may katotohanan at Mali
kung walang katotohanan.
1. ______ Kakambal ng nasyonalismo ang kawalang kasiyahan ng mamamayan.
2. ______ Ang nasyonalismo ay maaari lamang ipakita sa pamamagitan ng
pagsasakripisyo ng buhay.
3. ______ Nag-iwan ng bakas ng pananalita, pananamit, at kaugalian sa mga Ruso ang
pananakop ng mga Tartar o Mongol sa Russia.
4. ______ Ang pagpunta sa mga bayan at lungsod ang nagbigay ng pagkakataon sa mga Rusong
magsasaka na makapag-aral.
5. ______ Sa pagsisimula ng October Revolution, hindi nito nagawang magkaisa ang mga
Ruso upang magapi ang mga czar at wakasan ang aristokrasya sa kanilang bansa.

PAGLALAHAT
Panuto: Punan ang graphic organizer ng kaganapan sa pag-unlad ng
nasyonalismo sa Soviet Union sa iba’t ibang panahon.

Taong
988

Ika- 13
Siglo

Ika- 20
Siglo
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Buuin ang pangungusap.

Sa panahon ng pandemya na nararanasan sa buong mundo, maipakikita ko ang aking

pagmamahal sa aking bayan sa pamamagitan ng _______________________

___________________________________________________________________________ .

Susi sa Pagwawasto (Module 16)


Paunang Pagsubok Balik- Aral Mga Pagsasanay
1. A 1.E 1. Tama
2. C 2. B 2. Mali
3. D 3. D 3. Tama
4. B 4. F 4. Tama
5. C 5. A 5. Mali
Susi sa Pagwawasto (Module 17)
Paunang Pagsubok

1. A 2.A 3.A 4.D 5.B

Balik-aral
1. FACT 2. BLUFF 3. BLUFF 4. BLUFF 5. FACT

Pagsasanay 1: Pagsunod-sunurin
3-4-2-1-5

Pagsasanay 2: Ayusin mo!


1. Spain 2. Creole 3. Brazil
4. Simon Bolivar 5. Great Colombia

Susi sa Pagwawasto (Module 18)

Paunang Pagsubok
1. D 2.C 3.B 4.C 5. D

Balik-aral
1. Simon Bolivar 2. Creole 3. Spain/ Espanya
4. Brazil 5. Venezuela

Pagsasanay 1: Modified Fact or Bluff


1. Republika ng Central Africa 2. FACT 3. Cold War
4. FACT 5. Liberia

Pagsasanay 2: Timeline Table


970-931 BCE - Taon ng kung saan nabuhay si Haring Solomon, sa mga

panahong ito naitatag ang bansang Ethiopia


1810 - Itinatag ang bansang Liberia sa tulong ng America at ipinangalan
kay Pangulong James Monroe ng Estados Unidos ang kabisera na Monrovia
1910 - Naging kasapi ng British Commonwealth of Nations ang bansang
South Africa
1945 - Natapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maraming bansa
ang naging malaya nang walang karahasan
• 1975 - Nakamit ng bansang Angola, Mozambique at Guinea Bissau ang
kanilang kasarinlan
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-


BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


8
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan-
Modyul para sa Sariling
Pagkatuto 17
Nasyonalismo sa Latin America
PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ang mga sumusunod na bansa ay kabilang sa dating bansa na tinatawag na Great Colombia
MALIBAN sa ____________.
A. Argentina B. Colombia C. Ecuador D. Venezuela
2. Karamihan ng mga bansa sa Latin America (Central at South America) ay kakikitaan ng
kultura ng mga Europeo hanggang sa kasalukuyan kabilang dito ang pagsasalita ng wikang
Espanyol na nagmula sa Spain. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nagsasalita ng
wikang Espanyol?
A. Bolivia B. Brazil C. Guyana D. Haiti
3. Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol kay Simon Bolivar ng South America?
A. Naging pangulo ng isang bansa
B. Siya ay isang katutubong lumaban sa mga Espanyol
C. Kilala bilang tagapagtaguyod ng demokrasya sa Argentina
D. Matagumpay niyang naitaboy ang hukbong Espanyol sa Andes
4. Ano ang nagsilbing pinaka-layunin ng mga Europe sa pagpunta sa Bagong Daigdig
(America)?
A. Pagpapakalat ng lahi ng mga Europeo
B. Pagpapakalat ng pananampalatayng Kristyanismo
C. Burahin sa mapa ang lahi ng mga katutubo ng Bagong Daigdig
D. Pagkamkam ng mga kayamanan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga minahan at iba pa
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naganap tungkol sa nasyonalismo sa Latin
America?
A. Nagkaroon ng isang serye ng mga kasunduan tungo sa kasarinlan ng mga bansa sa Latin
America
B. Gumamit ang mga rebolusyonaryo ng dahas sa mga katiwalian ng monarkiya laban sa
republika
C. Nakialam ang simbahang katolik sa mga kolonya ng Spain sa Latin America tungo sa
liberalisasyon nito
D. Nakamit ng mga bansa sa Latin America ang kanilang kasarinlan sa pamamagitan ng
bloodless revolution

BALIK-ARAL
FACT or BLUFF
Panuto: Isulat ang salitang FACT sa patlang kung ang pahayag ba tama at BLUFF kung ito ay
mali. Isulat ang sagot sa patlang.
______________1. Ang Soviet Union o Russia ang pinakamalaking bansa sa daigdig.
Isa itong malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop ng Asia at
Europe.
______________2. Ang relihiyong Romanong Katoliko ay ipinalaganap ni Vladimir The First sa
lupain ng Soviet Union
______________3. Naging tagapagligtas ng Russia si Ivan the Great, tumalo at sa mga Tartar o
Mongol na sumakop sa kanila sa loob ng 300 na taon.
______________4. Pinasimulan ang December Revolution ng mga komunistang Soviet. Sa
unang pagkakataon, nagkaisa ang mga Ruso, nagapi ang mga czar at nagwakas ang
aristokrasya sa bansa.
______________5. Taong 1923, naging Soviet Union ang pangalan ng bansang Russia
kasama ang 14 na republika.
ARALIN
NASYONALISMO SA LATIN AMERICA
Ang bawat isa sa 20 bansa sa Latin America ay
pinamayanihan ng makabansang damdamin. May ilang mga
tao ang nagkakamaling tawaging bansa ang Latin
America. Hindi ito nakapagtataka. Maraming mga Latin
Americans ang nagsasalita ng Espanyol at Katoliko
Romano ang pananampalataya.
Pagkatapos makamit ng Estados Unidos ang kanilang
kalayaan sa Great Britain, nag-alsa ang mga lalawigan
sa Latin America laban sa Spain. Nagkabuklod-buklod
sila sa kanilang pagkamuhi sa awtokrasyang Espanyol,
katiwalian sa pamahalaan, walang kalayaang magpahayag
ng mga batas na naghihigpit sa pangangalakal

https://en.wikipedia.org/wiki/
Geography_of_South_America

Pagkakaiba ng Lahi Bilang Salik ng Nasyonalismo

Halos lahing Europeo ang populasyon ng mga bansa sa


Latin America tulad ng Argentina, Uruguay, Costa Rica at Chile.
Ang populasyon ng iba Ecuador, Peru, Bolivia at Paraguay ay
http://callais.net/gallery/
halos American Indians. Sa Dominican Republic, itinuturing ang
creole.jpg
ibang lahi na mababang uri. Ang populasyon ng Brazil ay lahing
Aprikano, Indian at mga nanggaling sa Portugal, France, Spain, Germany at Italy. Maraming
Europeo ang naninrahan sa ibang bansang Latin America ngunit sa Brazil lamangnagkaroon ng
pag-asawahan ng iba’t ibang nasyonalidad.
Hindi tulad ng 13 kolonya sa Estados Unidos, nag-alsa ang mga kolonya ng mga Espanyol sa
iba’t ibang panahon at sa ilalim ng iba’t ibang pinuno. Nais ng mga bagong republika na
mabigyang -halaga ang kanilang naiambag gayundin ang kanilang mga bayani. Sa Latin
America gumamit ang mga rebolusyonaryo ng dahas sa mga katiwalian ng monarkiya laban sa
republika. Nagbigay-diin ito sa mga pagkakaiba ng mga Latin Amerikanong bansa. Maraming
himagsikan ang nagpasiklab sa kanilang pambansang pagkamuhi.

Ang mga Creole

Tinatawag na Creole ang mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo. Minamaliit
ang mga bansang Latin America na creole ang populasyon, tulad ng Argentina na may populasyong
Indian at iba’t-ibang lahi. Sa magkahalong populasyon, kasama ang mga mestizo (Espanyol at
Indian), zambo (Indian at ibang lahi) at mulatto (puti at ibang lahi). Ang pagkakaiba sa wika ang
nagbigay ng kakaibang katangian sa mga bansang Latin America. Halos lahat ng Latin Amerikano ay
nagsasalita ng Espanyol. Ngunit ang mga taga-Brazil ay nagsasalita ng Portuges. Ang mga taga-Haiti
ay nagsasalita ng Pranses at maraming Indian ang nagsasalita ng kanilang katutubong wika.

Mga Sagabal sa Nasyonalismo

Maraming naging sagabal sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Latin America. Naging pansarili


ito kaya maraming mahihirap at mangmang ang hindi nakikilahok sa mga makabayang pag-
aalsa noong nagsimula ang ika-19 na siglo. Pinaghati-hati ng mga haring Espanyol sa kanilang
mga paborito ang malalaking lupain at nagsisilbi lamang sa mga estado ng mga maharlikang
Espanyol. Marami ang nakabaon sa utang kaya sila’y nanatiling nakatali sa lupa at sa
pagkakaalipin.
Nakilalang peones ang mga taong ito. Ito ang uri ng piyudalismong umunlad sa Latin America
at nakasagabal sa kanilang nasyonalismo. Sa mga bansang Latin Amerikano, napabayaan ang
nasyonalismo sapagkat matagal na panahon bago nagkaroon ng panggitnang uri ng lipunan.
Itinuturing na mababang uri ng gawain ang pangangalakal o iba pang gawain. Higit na
mahalaga sa kanila ang pag-aari ng lupa, kaya marami sa kanila ang mahihirap. Pumunta ang
mga Espanyol sa Bagong Daigdig hindi upang magtayo ng tahanan o magparami ng pamilya
kundi upang magkamit ng kayamanan. Maraming mga Indian ang pinilit na maghanap
ng ginto sa mga minahan ng Mexico at Peru. Ang katutubong tao sa Peru, Ecuador
at Bolivia ang tumira sa bundok upang malayo sa pamamahala ng banyaga.

Si Bolivar- ang Tagapagpalaya

Isang creole na nagngangalang Simon Bolivar ang nagnais na palayain


ang Timog Amerika laban sa mga mananakop. Siya ay si Simon Bolivar.
Ang pagnanais na ito ay pagpapatuloy lamang sa mga nasimulan
ni Francisco de Miranda, isang Venezuelan. Ang huli ay nag-alsa laban sa
mga Espanyol noong 1811 ngunit hindi siya nagtagumpay na matamo
ang kalayaan ng Venezuela mula sa Spain.
Noong 1816, namatay na may sama ng loob si Miranda sa isang
bartolina ng mga Espanyol. Matapos nito’y pinamunuan ni Bolivar
ang kilusan para sa kalayaan sa hilagang bahagi ng Timog Amerika.
Noong 1819, pagkatapos na mapalaya ang Venezuela, ginulat niya
ang mga Espanyol nang magdaan sa Andes ang kaniyang hukbo. Ang
tagumpay niya ay humantong sa pagtatatag ng Great Colombia (ang buong hilagang pampang
ng South America). Tinawag siyang tagapagpalaya o liberator at pagkatapos, naging pangulo.
Limang taon ang nakalipas, tinalo ng kaniyang heneral, si Antonio Jose de Sucre, ang mga
Espanyol sa labanan ng Ayacucho sa Peruvian Andes. Kung si Bolivar ang naging bayani sa
South America, si Jose de San Martin (1778-1850) naman ang sumunod sa pagtataboy sa mga
Espanyol sa Argentina. Katulad din ni Bolivar, namuno si San Martin sa kaniyang grupo sa
Andes. Tumulong ito sa liberasyon ng Chile, gayundin sa Peru. Mayroon din siyang heneral na
tulad ni Bernard o’Higgins, isang Chileno.Naging malungkot ang mga huling taon ng buhay ni
Bolivar. Maraming tao ang naghinala na nais niyang maging diktador. Binalak naman ng iba na
patayin siya. Nasira ang kanyang pangarap na magtayo ng isang nagkakaisang South
America nang mahati ito sa tatlong republika- ang Venezuela, Colombia at
Ecuador.(https://www.britannica.com/biography/ Simon-Bolivar/Bolivia#/media/1/72067/85095)

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1. Pagsunod-sunurin

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga kaganapan sa Latin America hinggil sa pag-


usbong ng nasyonalismo. Lagyan ng bilang mula 1 hanggang 5, 1 kung ito ay unang naganap at
5 kung ito ay panghuli.
_________ Pinamunuan ni Simon Bolivar ang kilusan para sa kalayaan sa hilagang bahagi ng
Timog Amerika.
_________ Naging isang bansa ang Colombia, Ecuador at Venezuel sa pamumuno ni Simon
Bolivar.
_________ Nag-alsa laban sa mga Espanyol si Francisco de Miranda, isang Venezuelan
ngunit hindi siya nagtagumpay na matamo ang kalayaan ng Venezuela.
_________ Nakamit ng Estados Unidos ang kanilang kalayaan sa Great Britain dahil sa
pangyayaring ito nag-alsa naman ang mga lalawigan sa Latin America laban sa Spain.
_________. Nahati ang Great Colombia sa tatlong republika kabilang ang Colombia, Ecuador at
Venezuela.
Pagsasanay 2: Ayusin mo!

Panuto: Iayos ang magugulong titik sa loob ng kahon upang makabuo ng sagot sa mga
katanungan sa kanan.
1. Europeong bansa na sumakop sa Venezuela at iba PINAS
pang mga bansa sa South America
Sagot:_______________________________
2. Katawagan sa mga mamamayan ng Latin America na ELRECO
may lahing Europeo
Sagot:_______________________________
3. Natatanging bansa sa South Amerika na nagsasalita RZALIB
ng Portugues
Sagot:_______________________________
4. Itinuturing na tagapaglaya o “liberator” ng mga bansa IOMNS
sa South Amerika
Sagot:_______________________________ RVLBIOA

5. Ang bansang Colombia, Ecuador at Venezuela ay naging isang ARGET


bansa na tinawag na ____________ AOIOLMCB
Sagot:_______________________________

PAGLALAHAT
Pagsasanay B: Venn Diagram
Panuto: Kumpletuhin ang Venn Diagram, pumuli ng sagot sa parihabang kahon sa
ibaba. Sa pagakakatulad ng dalawang bayani ay sariling sagot at pag-unawa ang
isusulat.

Pagkakatulad
(isang sagot)
Jose Rizal Simon
Bolivar

Mga Pagpipilian:
• Isang Venezuelan
• Isang Pilipino
• Gumamit ng pluma at panulat sa pagmulat ng kamalaya ng kanyang bansa
• Gumamit ng armas upang makamit ang kalayaan
• Itinuturing na bayani ng Venezuela
• Kinikilala bilang isa sa pinaka tanyag na bayani ng Pilipinas
• Tinawag na tagapaglaya o liberator.
• Kilala sa kanyang alyas na Dimas-alang at Laong Laan
• Naging isa sa inspirasyon ng KKK.
• Naging pangulo ng kanyang bansa.
PAGPAPAHALAGA
Slogan
Panuto: Sa loob ng kahon lumikha ng isang slogan na nagpapakita ng
kahalagahan ng nasyonalismo sa isang bansa.

SUSI SA PAGWAWASTO

Paunang Pagsubok

1. A 2.A 3.A 4.D 5.B

Balik-aral
1. FACT 2. BLUFF 3. BLUFF 4. BLUFF 5. FACT

Pagsasanay A: Pagsunod-sunurin
3-4-2-1-5

Pagsasanay B: Ayusin mo!


1. Spain 2. Creole 3. Brazil
4. Simon Bolivar 5. Great Colombia
(Module 17)
WEEKLY HOME LEARNING PLAN Grade 8
Week 10-12 Quarter 3
Learning Area: ARALING PANLIPUNAN 8 ( Kasaysayan ng Daigdig )
Topic: Module 17: NASYONALISMO SA LATIN AMERICA
Module 18:NASYONALISMO SA AFRICA

Day and Learning Time Mode of


Learning Tasks
Time Competency Allotment Delivery
8:30 – 9:30 Home Guidance Program (HGP)
9:30 – 10:00 RECESS
ALAMIN Ipasa o
• Panimula (ii) ipadala ang
5 min.
Wednesd • Pamantayan sa pagkatuto output sa
Naipapahayag ang • Mga Nilalaman (Paksa/Aralin) facebook
ay 10:00
pagpapahalaga PAUNANG PAGSUBOK Messenger o
– 12:00 10 min.
• Panimulang Pagtataya 1-5 (page 1) Group Chat
na gawa at
(Module sa pag-usbong ng BALIK- ARAL binigay ng
10 min.
3) Nasyonalismo sa • FACT OR BLUFF(1-5) Guro o mga
• Tukuyin Mo! iba pang
ARALIN paraan ng
Europa at iba’t Basahin ang mga paksa: pagpasa ng
inirekomenda
ibang bahagi ng * Nasyonalismo sa Latin America
ng paaralan o
*Pagkakaiba ng Lahi bilang salik ng 25 min.
anumang
daigdig. Nasyonalismo napili ng guro
*Mga Sagabal sa Nasyonalismo para sa Klase.
*Si Bolivar- ang Tagapagpalaya (Modular
*Ang Nasyonalismo sa Africa Digitized)
12:00 –1:00
MGA PAGSASANAY Magulang mismo
ang magbigay
* Pagsasanay 1. Pagsunod- sunurin
ng output ng
1:00 – 3:00 *Pagsasanay 2. Ayusin Mo! anak sa Guro
*Modified Fact/ Bluff 10 min.
sa paaralan o di
*Timeline Table kaya ay sa
barangay
LUNCH distribution
area.
PAGLALAHAT (Modular
*Pagsasanay B. Venn Diagram Printed)
20 min.
*Venn Diagram

PAGPAPAHALAGA
10 min.
*Slogan
*Panata Ko

PANAPOS NA PAGSUSULIT 20 min.


• Pagtatasa (1-5)
• Gawaing Pangkatuto 10 min.

Prepared by:
GRACE P. ORBITA
LORYLENE B. PEDROSO
MYRNA D. CHATTO
MIRLEN D. MIGALBIO
SHEENA PEARL B. TINDOY
Grade 8- A.P Teachers
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-


BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph


8
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan- Modyul
para sa Sariling Pagkatuto 18

Nasyonalismo sa Africa
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano anyong lupa na naghihiwalay sa Black at Caucasoid Africa?


A. Atacama B. Gobi C. Patagonia D. Sahara
2. Alin sa mga sumusunod na lahi sa Africa ang binuo ng mga mangangalakal na Arab, mga
Asyano at mga Europeo?
A. Lahing bantu B. Lahing itim C. Lahing puti D. Lahing pygmy
3.Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga dahilan sa pagsakop ng Great Britain sa Egypt?
A. Mga pyramide na matatagpuan sa lupain ng Egypt
B. Dahil sa Suez Canal na nagpatipid ng 4,000 milyang paglalakbaypatungong India
C. Ang Egypt ang mahalagang pinanggagalingan ng phosphate na gamit bilang pataba ng lupa
D. Sa Egypt nagmumula ang mga ivory o garing na galing sa elepante, at goma na napipiga
mula sa katas ng puno ng goma
4. Bago magsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang bansa sa Africa-Ethiopia,Liberia
at _____________.
A. Central African Republic B. Egypt C. South Africa D. Zaire
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI tungkol sa nasyonalismo sa Africa?
A. Naging kasapi ng British Commonwealth of Nations ang South Africa noong 1910
B. Ang bansang Angola, Mozambique at Guinea Bissau ay naging malayang bansa noong 1975
C. Ang bansa tulad ng Congo (Zaire) at Algeria ay kinailangan pang may dumanak na dugo
bago nakamtan ang kasarinlan
D. Karamihan ng mga bansa sa Aprika ay nagtamo ng kanilang kalayaan pagkatapos ng
Unang Digmaang Pandaigdig

BALIK-ARAL
TUKUYIN MO!
Panuto: Tukuyin ang tamang sagot sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang
______________1. Itinuturing na tagapaglaya o “liberator” ng mga bansa sa South Amerika.
______________2. Katawagan sa mga mamamayan ng Latin America na may lahing Europeo
______________3. Europeong bansa na sumakop sa Venezuela at iba pang mga bansa sa South
America.
______________4. Ang pagkakaiba sa wika ang nagbigay ng kakaibang katangian sa mga bansang
Latin America. Halos lahat ng Latin Amerikano ay nagsasalita ng Espanyol maliban sa
__________ nagsasalita ng Portuges.
______________5. Naghati ang Great Colombia sa tatlong bansa kabilang dito ang Colombia,
Ecuador at __________.

ARALIN

NASYONALISMO SA AFRICA

Ang Sahara ang naghihiwalay sa Black at Caucasoid Africa.


Ang mga kayumangging Bushman ng Kalahari at ang mga
Pygmy ang sinasabing unang tao sa Africa. Naitaboy sila ng
mga higit na maunlad na mga lahing Itim sa
kanluran at mga Bantu sa silangan. Hindi naglaon,
nakipamuhay sila sa mga Bushman at Pygmy.
http://www.map-of-africa.co.uk/large-political-africa-map.htm
Binuo ang mga lahing Puti ng mga mangangalakal na Arab, mga Asyano at
mga Europeo. Lumikha ang pakikisalamuha ng kulturang masalimuot. Samantalang
ang Puting minorya (dalawang bahagdan ng populasyon) ay nagtatamasa sa kayamanan ng
Africa, ang nakararaming lahing Itim (98 bahagdan ng populasyon) ay naghihirap.
Magtatapos na ang ika-18 siglo ay wala pang gaanong nalalaman tungkol sa Aprika na dati'y
tinatawag na madilim na kontinente. Bago pa lamang nagsimula ang panahon ng pananakop ay
nakuha na ng France ang Algeria. Matapos ang taong 1874, ang France at Italy ay sabay na
naghangad sa katabing lupain ng Tunis. Nagmadali ang Italya at marami ang lumipat ng tirahan
sa Tunis, kaya't sa katapusan higit ng malakas ang France kaysa sa bago pa lamang
nagkakaisang Italya, at ang Tunis ay napasama sa Imperyo ng France.Upang maghilom ang
sugat ng pagkatalo ay kinuha naman ng Italy ang paligid ng Tripoli. Pinag-awayan rin ng France
at Germany ang Morocco at muntik nang humantong sa isang digmaan. Ang kolonyang ito ay
hindi lubhang mayaman sa mga mina. Ang Algeria lamang ang mahalagang pinanggagalingan
ng phosphate na gamit bilang pataba ng lupa. Marami rin sa mga Pranses ang naninirahan sa
mga lupaing ito at ang mga katutubo ay natuto ng mga kaugalian ng mga taga-Europa kaya
naging magandang pamilihan ito ng mga produktong galing sa France.
Samantala, ang Great Britain ay may
mahalagang dahilan sa pagnanais nitong masakop
ang Egypt. May malawak na taniman ng bulak dito
at kilala ang bulak sa Ehipto sa mahaba at
malasedang sutla nito. Pangalawa ay ang Suez
Canal, na nagpatipid ng 4,000 milyang paglalakbay
patungong India. Nagsimulang masakop ito nang ang
hari ng Egypt ay nangailangan ng malaking halaga
upang mapabuti ang pagkakayari ng Suez Canal.
Ngunit ang malaking bahagi ng salaping ito ay
ginamit lamang ng hari sa sariling kapritso. Upang
makabayad sa mga hiniram na salapi ay napilitang
ipagbili ng Egypt ang karapatan sa Suez Canal sa
Great Britain. Noong 1882 ay nagkaroon ng
kaguluhan laban sa mga Ingles at Pranses.

Napilitang magpadala ng hukbo ang dalawang bansa


upang mapangalagaan ang kanilang mga
mamamayan. Nang magkaroon ng katahimikan, ang https://www.britannica.com/topic/Suez-Canal/The-
economy#/media/1/571673/198587
mga tagapayong Ingles ay nagmungkahi na ipaubaya ang kanilang pamahalaan sa kanilang
pinagkakautangan.
Hindi napilit ng Great Britain ang mga katutubo na gamitin ang wikang Ingles. Hindi rin
nila napalitan sapagkat ang bansang Egypt ay may makasaysayang tradisyon at
kabihasnang ipinagmamalaki. Ngunit naging matagumpay na rin ang Inglatera sa pagsakop
sa Egypt. Ang kanal o daang tubig sa Suez ang nagpaikli ng daan patungong India at
tinaguriang "pag-asa ng Imperyo ng Britanya".
Ang gitnang grupo ng Afrika ay hindi gaanong kilala ng mga taga-Europa. Marami sa mga
ilog doon ay malalakas ang agos at lubhang mapanganib at ang mga gubat ay madilim at
maraming hayop na naglipana. Nagkaroon lamang ng kaalaman dito nang marating sa Gitnang
Afrika ang isang misyoneryong Ingles na si David Livingstone. Noong 1854, ginalugad ni
Livingstone ang Ilog Zambesi at siya ang unang puti na nakamasid sa magandang talon ng
Victoria, na ipinangalan niya sa Reyna ng Inglatera. Nakita rin niya ang lawa ng Nyasa at
Tanganyika. Dito na siya inabot ng pagkamatay dahil sa sakit na karaniwan sa pook na tropikal.
Marami sa mga mangangalakal ang nakabatid sa kayamanang makukuha sa Congo na
maaaring magamit ng mga kalakal na nagmumula sa mga gubat gaya ng ivory o garing na galing
sa elepante, at goma na napipiga mula sa katas ng puno ng goma. Sa karurukan ng
pananakop, ang pagkakalat ng relihiyon, ang pambansang ambisyon, at mga
pangkabuhayang pangangailangan ang nagbunsod sa mga taga-Europa upang pag-agawan ang
Gitnang Afrika. Sa loob lamang ng tatlumpung taon, ang mga pook na dati'y hindi kilala ng tao
ay naangkin na lahat ng mga kanluraning bansa. Ang pinakamalaking bahagi ng Congo
Basin ay nakuha ng Belgium sa pamumuno ng pinakatusong mangangalakal sa Europa, si
Haring Leopoldo, hari ng Belgium noong 1885. Ang ibang bahagi ay pinaghatian ng France,
Britanya, Germany, Portugal at Italy.

Ang kontinente ay pinaghati-hatian at


binalangkas ang ekonomiya sang-ayon sa sarili
nilang kapakanan. Sila ay nagtayo ng mga daang
bakal at industriya upang mapangalagaan ang
kanilang kapangyarihan. Ang pagkakaiba-iba ng
mga kultura ng mananakop ang siyang naging
dahilan ng magkakaibang pag-unlad. Bago
nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang
bansa sa Africa- Ethiopia, Liberia at Republika ng
South Africa. Sinasabing nagsimula ang una sa
pamamahala ni Haring Solomon (970-931 BCE) at
ng Reyna ng Sheba. Itinatag ang ikalawa noong
1810 sa tulong ng America at ipinangalan kay
Pangulong James Monroe ng Estados Unidos ang
kabisera na Monrovia. Naging kasapi ng British
Commonwealth Nations ang ikatlo noong 1910.

http://www.empathosnationenterprises.com/Consulate/EN-Library/
Black- Studies/afindep.html

Lumaganap ang nasyonalismo pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Maraming bansa ang naging malaya nang walang karahasan. May mga bansang dumanak ng
dugo bago nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at Algeria. Ang Rhodesia at Nyasaland
ang naging Zimbabwe at Malawi. Lumaya ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau noong
1975. Sa kasalukuyan, maraming proyekto ang isinasagawa upang umunlad ang mga bansa
gaya ng mga patubig, paaralan, pagawaan, reporma sa lupa, transportasyon at
komunikasyon, subalit marami pa ring suliraning nakahadlang sa lubusang pag-unlad ng
kontinente. Ang apartheid o diskriminasyon ng mga Aprikano ay isa sa mga ito. Kailangan din
ang puhunan at mga inprastraktura para sa kaunlarang pang-ekonomiya.
Halos lahat ng bansa sa Afrika ay nagtamo ng kanilang kalayaan pagkatapos
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit maraming mga bansa ang hindi pa lubusang handa
sa naturang kalayaan.
Ilan sa mga maraming suliranin ng mga bansang Aprika ay ang sumusunod:
1. Kakulangan ng kaalaman ukol sa pagsasarili;
2. Kakulangan ng mga sinanay na tao ukol sa pamamahala ng bansa;
3. Kahirapan ng maraming tao na nabubuhay sa kahirapan at marami ang namamatay sa sakit
at gutom;
4. Mataas ang antas ng kamangmangan kayat maraming tao ang hindi marunong sumulat at
bumasa; at
5. Pagiging matapat sa tribo kayat laganap pa rin ang alitan sa pagitan ng iba’t ibang tribo at sa
pagitan ng mga tribo at ng pamahalaan.
Ang mga suliraning ito ay unti-unting nalulutas sa pagtulong na ginagawa ng mayayamang
bansa sa Europe at ng UN o Samahan ng Bansang Magkakaanib. Darating ang pagkakataon na
ang mga bansang ito ay makikilala sa mukha ng daigdig bilang mga malalakas at mauunlad na
bansa.
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1. MODIFIED FACT or BLUFF
Panuto: Suriin ang bawat kung ito ba ay fact or bluff, kapag tama ang pahayag isulat ang
salitang FACT at kapag may mali sa pahayag ISULAT ANG SALITA NA NAGPAMLI SA PAHAYAG.

____________1.Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang bansa sa Africa- Ethiopia,
Liberia at Republika ng Cental Africa.
____________2. Ang mga kayumangging Bushman ng Kalahari at ang mga Pygmy ang sinasabing
unang tao sa Africa.
____________3. Lumaganap ang nasyonalismo sa kontinente ng Africa pagkaraan ng
Cold War. Maraming bansa ang naging malaya nang walang karahasan.
____________4. Naging kasapi ng British Commonwealth of Nations ang South Africa noong 1910.
____________5. May mga bansang dumanak ng dugo bago nakamtan ang kalayaan tulad ng
Congo (Zaire) at Liberia.

Pagsasanay 2: TIMELINE TABLE


Panuto: Kumpletuhin ang “timeline table” ng nasyonalismo sa Africa gamitin ang
mga pagpipilian sa ibabang kahon.

Taon Kaganapan
970-931 BCE

1810

1910

1945

1975

MGA PAGPIPILIAN
• Nakamit ng bansang Angola, Mozambique at Guinea Bissau ang
kanilang kasarinlan
• Taon ng kung saan nabuhay si Haring Solomon, sa mga panahong ito
naitatag ang bansang Ethiopia
• Itinatag ang bansang Liberia sa tulong ng America at ipinangalan kay
Pangulong James Monroe ng Estados Unidos ang kabisera na Monrovia
• Naging kasapi ng British Commonwealth of Nations ang bansang South
Africa
• Natapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maraming bansa ang
naging malaya nang walang karahasan
PAGLALAHAT
Venn Diagram
Panuto: Sa pamamagitan ng sariling pangungusap o pahayag kumpletuhin ang
Venn Diagram sa ibaba tungkol sa nasyonalismo sa Africa at Latin America.

Pagkakatulad Nasyonalismo sa
Nasyonalismo
sa Africa Latin America
(1 sagot) (3 sagot)
(3 sagot)

PAGPAPAHALAGA

PANATA KO!

Panuto: Sa loob ng isang kahon sumulat ng isang panata o “pledge” kung paano mo
maipapamalas ang nasyonalismong Pilipino upang mapanatili at
maprotektahan ang kalayaan ng bansa at bawat isa.

____________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Naging malayang bansa ang Mozambique at Zimbabwe sa kamay ng mga


Europeo. Saang kontinente matatagpuan ang mga bansang ito?
A. Africa B. Asia C. Europe D. South America
2. Anong bansa ang itinatag noong 1810 sa tulong ng America at ipinangalan kay
Pangulong James Monroe ng Estados Unidos ang kabisera nito?
A. Algeria B. Liberia C. Morocco D. South Africa
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa pag-unlad ng
nasyonalismo sa Afica ang HINDI KABILANG?
A. Ang Rhodesia at Nyasaland ang naging Zimbabwe at Malawi
B. Lumaya ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau noong 1945
C. Nakamtan ng bansang Liberia ang kasarinlan nito sa tulong ng Estados
Unidos
D. Bago nagsimula ang 1914, tatlo lamang ang malayang bansa sa Africa-
Ethiopia, Liberia at Republika ng South Africa
4. Ilan sa mga isyung kinaharap ng mga bansa sa Africa ang apartheid. Alin sa
mga sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa apharteid?
A. Ito ay isang sistema ng pag-iiba o diskriminasyon ng mga lahi at
pananaig ng mga lahing puti sa matataas na lipunan
B. Ito ay isang sistema na kung saan ang pinagpangkat-pangkat ang
lipunang Hindu batay sa kanilang uri
C. Ito ay isang sistema na kung saan may kapangyarihang poltikal pa rin
ang mga Europeong bansa sa mga dating kolonya nito sa Africa
D. Ito ay isang doktrina o paniniwalang pang-ekonomiya, hindi pinapayagan
ng prinsipyong ito ang pakikiaalam ng pamahalaan ng estado, bayan o
bansa sa mga pangyayaring may kaugnayan sa ekonomiya
5. Alin sa mga sumusunod na analohiya ang MALI?
A. Angola: Italy B. Algeria: France C. Egypt: Great Britain
D. Liberia: United States
SUSI SA PAGWAWASTO (Module 18)

Paunang Pagsubok

1. D 2.C 3.B 4.C 5. D

Balik-aral
1. Simon Bolivar 2. Creole 3. Spain/ Espanya
4. Brazil 5. Venezuela

Pagsasanay 1: Modified Fact or Bluff


1. Republika ng Central Africa 2. FACT 3. Cold War
4. FACT 5. Liberia

Pagsasanay 2: Timeline Table


• 970-931 BCE - Taon ng kung saan nabuhay si Haring Solomon, sa mga

panahong ito naitatag ang bansang Ethiopia


• 1810 - Itinatag ang bansang Liberia sa tulong ng America at ipinangalan
kay Pangulong James Monroe ng Estados Unidos ang kabisera na Monrovia
• 1910 - Naging kasapi ng British Commonwealth of Nations ang bansang
South Africa
• 1945 - Natapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maraming bansa
ang naging malaya nang walang karahasan
• 1975 - Nakamit ng bansang Angola, Mozambique at Guinea Bissau ang
kanilang kasarinlan
Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR
AGUSAN DEL SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

LEARNER'S ACTIVITY SHEET/ GAWAING PAGKATUTO

Gawain A.
Panuto: Punan ang Data Retrieval Chart ng mga impormasyong hinihingi. Isulat ang mga
kasagutan samalinis na papel.
BANSA PINUNO/ TAGAPAGTAGUYOD NG PAMAMARAAN SA
NASYONALISMO PAGTAGUYOD NG
NASYONALISMO

Gawain B: Pumili ng isang bayani sa Pilipinas at talakayin ang kanyang naging ambag at
pamamaraan na nagtaguyod sa kalayaan ng ating bansa. Isulat ito sa isang malinis na papel.(20
puntos)

You might also like