Professional Documents
Culture Documents
Document 2
Document 2
Rasyonal ng proyekto
Hindi maitatanggi na maraming nakakakalat na basura sa loob ng paaralan at marami na
ring mga estudyante ang nakakalimot na magtapon sa tamang basurahan. Naisip ng mga
magaaral ang proyektong ito sa pagnanais na makapagbigay ng kalisan sa paaralan at sa kanilang
tahanan. Naisip ng mga mag-aaral ang proyektong ito upang malapagbigay ng mga gamit panulat
kapalit ng bote at plastic bottle.
Layunin ng proyekto
Tiyak na layunin: Ang tiyak na layunin ng proyektong ito ay ang mapalitan ang mga bote at
plastic bottle na hindi na nagagamit ng mga gamit panulat gaya ng lapis, ballpen at papel.
Pangkalahatang layunin: Ang pangkalahatang layunin ng proyektong ito ay ang kalinisan sa
paaralan at sa kanilang mga tahanan. Sa halip na itapon ang mga boteng hindi na
napapakinabangan ay maaari itong mapalitan ng lapis, ballpen at papel.
Estratehiya
Unang hakbang: Ipabatid ang proyekto sa mga magaaral ng Grade 10 ng junior high school.
Pangalawang hakbang: Magtutulongtulong ang mga proponent ng proyekto na makapag-ipon o
magaambagan para sa paunang pondo.
Pangatlong hakbang: Pagbili ng gamit pamalit sa mga bote at plastic botlle.
Pang-apat na hakbang : Implementasyon ng proyekto
Implementasyon at iskedyul
Gawain Inaasahang output Iskedyul
Pagpapabatid ng proyekto sa Makapagbigay ng December 02,2022.
mga magaaral ng Grade 10 accomplishment report
Paga-ambagan ng proponent Makapagbigay ng December 02,2022.
ng proyekto accomplishment report
Badyet
Papel 3 pads 90 pesos
Ballpen 30 piraso 128 pesos
Lapis 30 piraso 150 pesos
Trading mechanics
Kada limang (5) plastic bottle at limang (5) bote ay may kapalit itong isang Ballpen o Lapis.
Sa bawat limang plastic bottle ay may kapalit itong 2 piraso ng papel.