You are on page 1of 1

Strikta si Ma'am

Dagli by Micah Jemimah D. Calahat – STE 10 Gold


Tunog ng heels ni ma'am ay umaalingawngaw sa kabuuan ng pasilyo. Elegante siyang naglakad
patungo sa isang silid habang hawak-hawak ang mga papeles sa kaniyang kaliwang kamay, isang
booklet at isang notbuk. May meeting daw kasi at pinatawag kaming mga workers ni ma'am sa
silid.

Nang makapasok sa silid si ma'am ay agad akong naupo dahil baka mapag-initan niya na naman
ako. Strikta kasi si ma'am, lalo na pagdating sa trabaho. Tingin ko'y dahil iyon sa wala siyang
nobyo sa edad na kwarenta.

Gayunpaman, kahit madalas ay nakasigaw ito habang nagtuturo at nagbibigay ng mga


instructions dahil papetiks-petiks lamang kami at minsan ay pumapalpak ang mga inutos sa
amin, at kahit palaging nakataas ang kilay nito’t minsan ay namamalo ng kaniyang pamaypay,
mabait naman siya. Madalas ay pinapa-snack niya kami at kung minsan, binibigyan ng iilang
oras na pahinga para makabawi sa pagod mula sa trabaho.

Matiim akong nakikinig sa bawat salitang binibigkas niya upang hindi ko makalimutan mamaya.
Isang hamak na dise sais anyos lamang ako, habang siya, ilang taon na siya sa larangang ito,
boss pa.

Nang hudyat na ng kaniyang pagtatapos matapos magbigay ng mga panuto, tumunog ang bell
kaya mabilis na nagsitayuan ang mga kasama ko’t nagsisitakbuhan palabas habang ako’y
nanatili sa aking upuan at nakayuko.

Napaangat ako ng tingin nang nagsalita si ma’am sa aking harapan habang nakakunot ang noo.

“Ano pa ang ginagawa mo riyan? Baka maubusan ka ng customer! Ang iyong mga kasama ay
nagsisiunahan na sa pagkandong at paggagatas sa mga kanong guests. Siguruhin mong may
maiuuwi kang limpak na pera, ha? Ayusin mo ang iyong perpormans!”

You might also like