You are on page 1of 1

Pasyal

Dagli by Micah Jemimah D. Calahat – STE 10 Gold

Inaayos ko ang aking kuko na galing pa nagpa-manicure sa salon ni Miss Jen habang sakay sa
Mercedes-Benz namin.

Maingay na nagtatawanan ang mga kasama ko sa loob ng kotse habang ang iba naman ay tulog
dahil kaninang madaling araw pa kaming bumabyahe. Ang iba naman ay nakatingin lamang sa
labas ng bintana.

Hapon na. Papunta kami sa isang tourist spot sa isang city. Maraming tao roon na mas
ikinatuwa ng mga matatanda sa amin, lalo na ang mga lalaki, dahil nasisigurong magiging
masaya raw kami roon.

Nang makarating sa aming destinasyon ilang minuto ang nakalipas, nauunang bumaba sina Tiyo
Tomas habang sumunod naman ako.

Nakasuot ako ng spaghetti strap na tank top at short shorts habang naka-stilettos. Branded ang
mga iyon. Naka-make up at makapal na pulang lipstick pa.

Nang makababa ang lahat ay napapansin kong napagtitinginan kami ng mga tao. Siguro ay hindi
sanay makakita ng iisang grupong puno ng mayayaman?

Lumingon ako sa aking likod at nakitang kinakausap nina Tiyo Tomas ang mga bata,
pinapaalalahanan na huwag masyadong lumayo. Panay tango lang naman ang sagot ng mga ito
habang nakayuko at hawak-ang sariling kamay.

Lumingon ako kay Tiyo Tomas at sumenyas na pumasok na kami sa loob dahil talagang excited
na ako! Maraming nagkakasiyahan sa loob!

Ngunit bago kami pumasok ay tinawag ko muna ang lahat ng aming mga kasama at
pinagsabihan.

“Maghiwa-hiwalay kayo. Ang iba, doon sa mataong lugar, ang iba doon sa liblib. Siguruhin
niyong makuha ang mga wallet o mga carry bag, paniguradong may laman ang mga iyon.”

You might also like