You are on page 1of 2

SM Daet

Sa araw na ito, ito ang araw na una akong makakapunta sa SM Daet na kung saan ay
makikita ko na ang loob nito at kung ano nga ba ang makikita rito. Halos lahat na ata ng
aking ma kaklase ay nakapunta na rito at ako lang ang hindi sapagkat hindi naman ako
nahilig magpupunta kahit saan at wala anaman akong perang pamasahe. Subalit ngayon ay
mapupuntahan ko na ang SM Daet , kasama ng aking mga pinsan. Niyaya nila ako na
magpunta rito dahil gusto nila na gumala at sulitin ang bakasyon.

Bago ako pumunta ay namili muna ko ng aking susuotin na damit at hindi ko alam
kung anong susuotin ko. Sumankay muna ako ng habal-habal papunta sa Sentro ng Basud at
sumakay ako ng Jeep hanggang sa terminal ng Camambugan. Pagkatapos ay sumakay ako ng
tricycle papuntang SM Daet. Bumaba ako sa may harap ng SM at ako ay namangha dahil
hindi ko inaasahan na subrang laki pala nito. Di kalaunan ay dumating na rin ang aking mga
piansan galing sa Labo. Sabay-sabay kaming pumasaok athindi ko inaasahan na subrang
lamig pala rito, ang akala ko kasi ay walang aircon dito at subrang init. Sa unang palapag ay
may makikita kang mga tindahan ng ibat-ibang paninda saan ka man tumingin at maraming
mga damit na magaganda ang tinitinda. May mga nakita rin akong nagtitinda ng Aquaflask
na akala ko ay sa onlie lng makakabili, pagkatapos ay umakyat na kami sa pangalawang
palapag. Doon makikita ang ibat ibang stall ng mga service at naandoon din ang mga
puweding pagkuhaan ng mga litrato. Ang nagustohan ko sa panglawang palapag ay ang mga
tindahan ng mga gadget, hindi nyo naitatanong na mahiling talaga ako sa mga gadget at sa
bahaging iyon ay namangha akong subra sa mga magagandang gadget na aking nakikita.
Hindi ko pa silang kayang bilihin kaya hanggang tingin lng muna ako sangayon, pagkatapos
ay pumunta ana kami sa panagalawang palapag ng SM. Doon ay makikita ang mga palaruan
ng mga bata at ng mga piling bata, makikita rin doon ang mga kainan na parang mga langaw
sa ingay ang lugar at madaming tao ang kumakain dito. Makikita mo rin dito ang sinehan na
sabi raw nila ay napakalaki ng screen pero hindi naman ako naniniwala dahil hindi pa ako
nakakapasok sa loob at makikita rin ang dito ang tanawin sa labas na kita ang bungad ng SM
saka terminal sa harap nito.

Ilang oras din kami naglilibot sa loob at kami ay parang pagod na kakalakad, kaya
naisipan na naming bumaba at umuwi na. hindi naman kami bumili dahil parang sibuyas ang
presyo, untimong damit ay parang isang libo na ang presyo at ang mga pagkain ay sakto lng
naman may mahal at meron din mura. Maganda naman ang loob ng SM marami kang
makikitang mga mgagandang bagay sa loob pero hindi ko mairirikomenda na bumili ka rito
dahil masakit sa bulsa ang mga presyo. Subalit kong ang hanap mo lang naman ay
maggagala at gusto magmuni-muni ay puwede mo itong puntahan dahil malilibang ka sa
iyong ibat ibang makikita.

You might also like