You are on page 1of 3

MGA MUNGKAHING PAMAMARAAN UPANG MALUTAS ANG

UNEMPLOYMENT

Narito ang ilan sa mga posibleng solusyon na maaaring makapagpababa sa kawalan ng


trabaho na sa tingin ng mga ekonomista ay angkop na angkop ba normal para sa isang
umuunlad na ekonomiya.

Wala sa mga hakbanging ito ang bago, ngunit may mga bansang hindi pa gumagamit sa
ilan sa mga ito. May ilang mga kumplikadong aspeto sa alin mang mga solusyong ito, kung
kaya't ang karamihan dito ay nangangailangan sa isang organisasyon gaya ng pamahalaan
upang magpatupad at mangasiwa sa mga planong ito. Ang ilan sa mga panukalang ito ay
maaaring hindi gusto ng ilang sektor, gaya halimbawa ng mga nagtatrabaho.

Kredito sa buwis (Tax credit)


 Ang kredito sa buwis ay isang halaga ng pera na maaaring ibawas ng taxpayer
(indibidwal man o negosyo) mula sa mga buwis na dapat niyang bayaran sa
gobyerno. Ang halaga ng isang tax credit ay depende sa uring kredito, at may ilang
uring mga kredito sa buwis na ibinibigay sa mga indibidwal o mga negosyo sa mga
tukoy na lokasiyon, klasipikasyon, o industriya. Ang tax credit ay kilalang bahagi ng
ano mang programa ukol sa pagtugon sa unemployment dahil ang mga negosyo ay
nangangailangan ng kongkretong dahilan upang umupa o kumuha ng mga
manggagawa sa panahon ng krisis sa ekonomiya. Maaaring magkaloob ang
gobyerno ng tax credit sa mga kompanya ukol sa pagha-hire ng mga empleyado sa
panahon ng unemployment. Ito ay magsisilbing insentibo, lalo na sa mga kompanya
na nagbabalak magpalawak at kumuha ng maraming empleyado.
Pagpondo sa bawas na pashod (Funding reduced pay)
 Ang Germany, halimbawa, ay may patakarang pampamahalaan na nagbibigay ng
mga kredito sa buwis sa mga kompanya na pinaiikli ang oras ng trabaho ng mga
empleyado sa halip na tangalin sila sa trabaho.Ito ay nagbibigay sa mga negosyo na
magnanais na magdagdag ng mga manggagawa ng kakayahang pondohan ang isang
bahagi ng kanilang gastusin sa pamamagitan ng pagputol sa mga oras ng mga
kasalukuyang manggagawa, at may nagsisilbing tulong pinansiyal pa (kredito sa
buwis) mula sa gobyerno.Sinasabing ang hakbang na ito ay mabisa sa pagbawas ng
unemployment sa Germany. Gamit ang parehong sistema, sinasabing ang isang
kompanya sa United States na may 100 tao ay maaaring magdagdag ng 10 pa kung
ipaiiral ng pederal na pamahalaan ang pamamaraang ito.

Pagsagip sa malillit na negosyo


 Paulit-ulit na sinasabi ng mga ekspertong ekonomista at ng mga organisasyon tulad
ng Small Business Administration na ang maliliit na negosyo ang noon pa man ay
siyang pangunahing makina ng paglikha ng trabaho sa mga bansa. Gaya na lamang
sa United States, ang mga kompanya na may bilang ng manggagawa na mas mababa
sa 500 ang lumilikha ng halos kalahati ng mga pribado at hindi sakahang GDP
(private non-farm GDP). Ang malalaking kompanya ay may madaling access sa
capital market kahit na bagsak ang ekonomiya. Kaya ng mga ito na samantalahin
ang mga low-interest rate upang makapagtipon ng kapital.Sa kabilang dako, ang
mga bangko ay nag-aatubiling pondohan ang maliliit na operasyon na may kaunti (o
walang) perang hawak (cash), walang tiyak na mga prospect, at may maliit lamang
na bilang ng mga kostumer. Ang pamahalaan kung ganoon ang dapat bumalikat sa
ilan sa mga panganib (risk) ng pagpapautang sa maliliit na negosyo at sumuporta sa
small business bank aid. Kapag walang sektor ng maliliit na negosyo na sapat na
napopondohan, ang kawalan ng trabaho ay malamang na hindi masolusyunan.

Pagtatrabaho para sa pamahalaan


 Ang pagbibigay sa mga tao ng trabaho sa gobyerno, kahit na pansamantala lamang,
ay makatutulong sa ekonomiya ng isang bansa sa panahon ng depresyon. Ang
ganitong hakbangin ay upang matulungan na rin ang mga mamamayan sa panahon
ng krisis sa ekonomiya. Pinatutunayan ng kasaysayang ito ay mabisa. Sa United
States, ang Works Progress Administration (WPA) ay nilikha noong 1935 para sa
adhikaing ito. Nakapagdagdag ito ng halos 8 milyong mga trabaho sa ekonomiya ng
bansa. Sa unang tatlong taon ng WA, gumastos ang bansa ng $ 7 billion, isang
napakalaking halaga lalo na noon. Gayon man, ang mga trabahong nilikha nito ay
naging dahilan para maiwasan ng gobyerno ang magastos na unemployment support
sa mga tao at nagbigay pa sa mga mamamayan ng mahahalagang kasanayan sa
trabaho na sa maraming paraan ay magiging kapaki-pakinabang kapag nakabawi na
ang ekonomiya.

Pag-a-underwrite sa mga eksport


 Para muling mapasigla ang ekonomiya nang sa ganoon ay magkaroon uli ng demand
sa mga manggagawa, ang isang ekonomiya ay hindi dapat consumer-based kung
hindi dapat nakasalalay sa ibang aspeto gaya ng sa pag-eeksport.Subalit kabilang sa
balakid sa pagpapasigla sa ekonomiya sa exporting ay ang halaga ng pisikal na
pagpapadala ng kalakal sa ibang bansa.Para sa mga produktong may mababang
margin profit, ang gastos sa panghimpapawid, pandagat, o panlupang transportasyon
ay mahalagang salik sa pagtatakda ng presyo para sa mga ito at kung ang mga ito as
magiging competitive sa pandaigdigang merkado. 'Maaaring desisyunan ng
pamahalaan na i-underwrite ang gastos ng pagpapadala, lalo na para sa negosyong
maliliit, o sa malalaking negosyo na napipilitang magtanggal o magbawas ng
maraming manggagawa. Maaari ding pag-aralan ang direktang pagbabayad ng
pamahalaan para sa gastos sa pagpapadala ng ilang piling kompanya.
Mga trabaho sa konstruksiyon
 Kapag nagkakaroon ng depresyon. kabilang sa pangkaraniwang napipinsala ay ang
industriya ng konstruksiyon. Yaong mga manggagawa sa konstruksiyon na walang
trabaho ay hindi makalipat sa mga lugar kung saan mayroon pa rins ilang mga
trabaho sa sektor na ito dahil nga wala silang pera. Ito ay lumilikha ng malaking
bilang ng mga walang trabahong manggagawa sa ilang lugar ng bansa kung saan
ang unemployment rate ay lalong lumulubha.

You might also like