You are on page 1of 2

MINUTES OF THE MEETING

PAGLILIPAT NG ADMIN ACCOUNTS NG MAYNILAD AT MERALCO MULA SA


PANGALAN NG NHA SA HOMEOWNERS ASSOCIATIONS NG BAWAT GUSALI NG
NHA – SMDRP LOW RISE BUILDINGS 1,2,11,12,13,14,27,29,30.
Oktubre 27, 2017, 10:00 ng umaga.

I. Attendance : Tingnan ang kalakip na attendance sheet

II. Mahahalagang Puntos :

 Ang pagpupulong ay pinasimulan sa pamamagitan ng panalangin na


pinamunuan ni G. Jay Gadon, Bise-Presidente ng Building 2.

 Pinamunuan ni Gng. Gloria Jimenez, Presidente ng Building 13 ang agenda


ng pagpupulong na kung saan ay tatalakayin ang tungkol sa paglilipat ng
Admin Accounts ng maynilad mula sa pangalan ng NHA sa Homeowners
Associations at ipinakilala ang bawat kinatawan ng HOA Officers at iba pang
dumalo sa pulong.

 Bilang pagbabalik tanaw, inihayag ni Gng. Elena Barolo, Secretary ng


Building 13, ang kasalukuyang kalagayan ng mga metro ng Low Rise Building
1,2,11,12,13,14,27,29 at 30 na nahahati sa tatlong gusali bawat mother
meter.

 Bilang panimula, ipinagbigay-alam ni Engr. Andrew Tinao, Senior Engineeer


SMDRP ang estado ng paglilipat ng metro at ang naisagawang water meter
calibration na base sa nakaraaang pagsusuri sa MAYNILAD, ay hindi ito
pumasa at napagka-alamang hindi accurate ang mga nasabing metro.
 Bilang kinatawan ng MAYNILAD, inihayag ni Mr. Valentino S. Del Rosario,
Head, Tondo Business Area ang mga sumusunod:

 Kasalukuyang estado ng proseso ng paglilipat ng metro


 Kasalukuyang utang/hindi nabayarang konsumo ng tubig sa bawat
gusali
 Mga tuntunin sa pagbabayad
 Lifeline rate o 10cu.m./P115 na kung saan ay mas mababa sa
minimum residential rate ng Maynilad.
 Proseso ng paglilipat ng metro

 Muli rin nilinaw ang pondo na ipapahiram ni Congressman Manny Lopez mula
sa Local Housing Fund na may halagang P603,000.00 at may interest rate na
6% per annum.

 Isa rin sa binigyang linaw ni Mr. Del Rosario ang mga sumusunod:

 Requirements na kinakailangang ipasa


 Mga natitirang utang ng mga gusali
 Promissory Note na kung saan ang mga mayroong malalaking utang
o hindi nabayarang konsumo ng tubig ay bibigyan ng pagkakataong
makapagbayad sa pamamagitan ng Promissory Note upang hindi
tuluyang maiwan ang gusali na mayroon pang natitirang bayarin.
 Ayon sa mga kinatawan ng HOA Officers, nais nila na kung maaari ay i-adjust
ang minimum rate na 10 cu.m. ang konsumo ng bawat pamilya dahil ayon sa
kanila ay hindi raw ito sapat.
 Binigyang linaw ni Mr. Del Rosario na sa kasalukuyan ay hindi ito maaari
sapagkat nasa batas ng Regulatory Commission at kinakailangan itong
aprubahan pa ng Congress bago ito maipasa/maipatupad.
 Iminungkahi ni Mr….. ng PCUP ang tungkol sa by-pass ng tubig na kung
maaari ay hindi na dumaan sa mga metro upang maka menus sa kuryente at
diretso na sa elevated water tank
 Ngunit, ipinagbigay-alam ni Mr. Del Rosario na hindi ito maaari sapakat hindi
nya masisiguro ang pressure ng tubig lalo na sa peak hours at posibleng
maging sanhi nang kawalan ng tubig sa ilang palapag ng gusali
 Binigyang linaw rin ang mga utang o natitirang bayarin ng mga gusali na
kinakailangan mapagkasunduan sa pamamagitan ng Promissory Note.

III. Mga Napagkasunduan:

 Sa lunes, Oktubre 30, 2017 ay gagawin ang pagsusuri ng MAYNILAD hinggil


sa Integrity Test o Leak test
 Nilinaw rin ng PCUP ang 7-araw na tatakbuhin ng proseso gaya ng mga
pagsusuri ng MAYNILAD upang matuloy ang paglilipat ng metro ng bawat
gusali
 Muling ipinaalala ni Engr. Tinao sa mga HOA Officers ang mga bills o resibo
na hindi naipapadala sa NHA-SMDRP upang maitala ang mga bayarin.
 Sa pangwakas na mensahe ni Chariman Hernane ng Brgy. 128, ay hinikayat
nya ang mga HOA Officers na ang suliranin na ito ay isa lamang sa maliit na
pagsubok na haharapin ng mga HOA Officers at ito ay mabibigyan ng
solusyon.

You might also like