You are on page 1of 2

KATITIKAN NG PULONG

ASSESSMENT MEETING RE: SOCIO-ECONOMIC SURVEY/ COMMUNITY PROFILING OF RESIDENTS OF


PARADISE HEIGHTS HOUSING-PROJECT – SMOKEY MOUNTAIN DEVELOPMENT AND RECLAMATION
PROJECT BALUT, TONDO MANILA.
APRIL 5, 2017.
9:00 – 2:00 PM
NHA-SMDRP CONFERENCE ROOM

I. Mga Dumalo:

> Tingnan ang kalakip na attendance sheet.

II.Mahahalagang Puntos:

> Ang pulong ay pinangunahan ni G. Antonio Pineda Jr., Senior Community Relations Officer ng SMDRP
sa ganap na ika 9:00ng umaga at ang panalangin ay pinamunuan ni Bb. Venelyn Calupaz, Interviewer ng
Socio-Economic Survey/ Community Profiling sa SMDRP. Inihayag naman ni G. Pineda Jr. ang agenda ng
pulong :

> Kasalukuyang kalagayan ng isinasagawang Socio-Economic Survey/ Community Profiling sa Paradise


Heights Housing Project.

> Paraan ng pagbabayad ng National Housing Authority sa mga Tagapakinayam (Interviewers).

> Pangungumusta ni Gng. Ma. Fe Pesebre, Division Manager A, IDD- RDSD sa mga interviewers
patungkol sa kanilang karanasan sa pag iinterview.

> Inumungkahi ni Gng. Pesebre na maaari silang irekomenda sa mga susunod na proyekto ng NHA kung
nakitaan sila ng pagiging masinop sa kanilang gawa.

> Pagtalakay tungkol sa kalagayan ng mga datos na nakalap ng mga tagapakinayam sa mga naninirahan
sa LRB’s ng SMDRP na sa kabuuang 968 yunit ay mayroon nang natapos ma- edit na 140 (for encoding).

> Iminungkahi rin ni Gng. Pesebre na kailangang kumpletuhin at palawigin pa ang anumang nakalagay sa
survey sheet lalo sa ang mga gastusin .

>Inatasan sina Bherlene Laurente, Ma. Isabel Parada at Venelyn Calupas na tulungan ang kanilang
kapwa tagapakinayam sa page eedit sa kanilang mga gawa .
> Pagpapaliwanag ni Bb. Leonora Penamora, Senior Financial Analyst B patungkol sa kanilang sweldo .

> Ang napag kasunduang sweldo noon nang isang tagapakinayam ay Php 350 kada araw ay naging Php
500 kada araw na at kasalukuyang pinoproseso sa Main Office ng NHA at possible ng itong makuha bago
magtapos ang buwan ng Abril.
> Ipinaliwanag din na kapag natapos na ang kanilang trabaho ay saka palang nila makukuha ang kanilang
sweldo.
> Nagkaroon din ng paglilinaw tungkol sa dagdag sweldo sa ipinasok na araw ng isang tagapakinayam.
Ayon kay Bb. Penamora na wala ng karagdagang bayad sa kadahilanang ang mga datos sa interview
sheet ay kinakailangang lagyan.
III. Natapos ang pagpupulong sa ganap na 2:00 ng hapon.

Inihanda nina:

FEYLENE B. SISON ANTONIO A. PINEDA JR.


Community Relations Officer Sr .Community Relations Officer

Pinatunayan ni:

FRANCISCO B. DEVARAS JR.


Community Relations Specialist

You might also like