You are on page 1of 2

ANULING ILAYA WATER

SYSTEM
Anuling, Mendez Cavite

KASUNDUAN SA PAGKAKABIT NG TUBIG


(Water Service Contract)

Ang kasunduang ito ay isinagawa ngayong ika__ng ______20__ sa pagitan ng pamunuan ng patubig
at ni____________________________
Ako ay sususod sa patakaran at alituntunin ng Anuling Ilaya Water System katulad ng mga
sumusunod ng mga kailangan.
a) Barangay Clearance
b) Tax declaration o titulo ng lupa (xerox copy)
c) Authorization letter kung hindi nakapangalan sa aplikante abg lote at bahay

1. Ang metro ng tubig na ikakabit ay magiging pag-aari ng consumer at ito ay dapat ingata.
Sakaling ito ay masisira o mawala ay kailangan itong palitan sa pamamagitan ng pagbili
ng panibagong metro sa opisina ng Water System. Kung hindi ito mapapapalitan ay
pansamantalang puputulin ang daloy ng tubig hanggang hindi ito napapalitan.

2. Ang pamunuan ng patubig ay may karapatang magputol ng daloy ng tubig kahit walang
abiso, sakaling hindi makabayad ang consumer ng buwanang konsumo ayon sa itinakda
matapos mapadalhan ng disconnection notice. Ito ay ikakabit muli sa sandaling
mabayaran ang pagkakautang aa tubig.

3. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggalaw ng metro ng tubig, pagkakabit ng linya ng tubig


sa loob ng bahay na hindi dumadaan sa metro, paglalagay ng magnet o ano pa mag paraan
ng pandaraya (water theft) sapagkat ito ay may kaukulang parusa ayon sa P.D. No.168
Sec 32 Protection of Water & Facilities of water system.

4. Ang paglalagay ng koneksyon papunta sa kapitbahay ay mahigpit na ipinagbabawal,


gayundin ang paglalagay ng water pump o booster pump.

5. Pumapayag din ang consumer na pumasok ang mga tauhan ng patubig kung ito ay
magbibigay bg water bill o magagawa ng nasirang linya.

6. Kung sakaling ang metro ay tumigil o ma-stucked up, ang kasalukuyang konsumo ay
iaaverage sa huling tatlong buwang konsumo habang hindi pa napapalitan ang metro.

7. Ang buwanang konsumo ng tubig ay isinasagawa tuwing ika 10 ng buwan. Matapos


matanggap ang buwanang konsumo o water bill ang consumer ay bibigyan ng 15 araw
para ito ay inyong mabayaran. Kapag lumagpas sa itinakdang petsa o due date, ang
consumer ay makakatangap ng disconnection notice na kapag hindi mabayaran sa
itinakdang araw, mapipilitang putulin ng pamunuan ang daloy ng inyong tubig kahit
walang paalam sa may bahay.

8. Hindi pwedeng idahilan ng consumer na ang hindi pagbabayad ay dahilan sa walang


natatanggap na water bill. Bukas po ang ating opisina para sa record ng buwanang
konsumo sakaling hindi matanggap ang water bill.

9. Ang mga saguting pagkukumpuni ng pamunuan ay simula lamang sa linya ng tubig


hangang sa metro. Mula metro papasok sa loob ng bahay ay sagot na ng consumer o may
ari ng bahay.

10. Obligasyon ng consumer na bayaran ang lahat na nakonsumong tubig sakaling biglang
lumaki o tumaas ang bill na ang dahilan ay kapabayaan ng may ari, lalo na kung naiiwang
bukas ang gripo o may iba pang natagas sa loob ng bahay.

MARAMING SALAMAT PO.

____________________________________ ____________________
Konsesyonaryo Petsa

You might also like