You are on page 1of 1

Ang Kumbensiyon sa Tejeros

John Raevin A. Alido

Tagapagsalaysay: Marso 22, 1897 nagpulong ang dalawang maghihimagsik ng himagsikang Pilipino. Ang
Magdiwang na pinamumunuan ni Supremo Andres Bonifacio at Magdalo na
pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo. Ito ay ginanap sa Casa Hacienda ng
Tejeros sa Bayan ng San Franciso de Malabon na ngayon ay General Trias sa
lalawigan ng Cavite. Bumoto ang mga Kapunero ng magiging presidente ng
himagsikan. Nahalal dito sina Emilio Aguinaldo , Andres Bonifacio at Mariano Trias.
Nakakuha ng 146 na boto mula sa kabuuang 256 na bumoto si Aguinaldo, 81 na boto
ang nakuha ni Bonifacio at 29 kay Trias. Nanalo si Mariano Trias bilang Bise
Presidente. Bakit nga ba ito nangyari?

Severino De Las Alas: Anong gobyerno ang ipapatupad sa Pilipinas? Republika ba o Monarkiya?

Andres Bonifacio: Republika ang dapat maging uri ng gobyerno sa Pilipinas.

Miyembro ng Gabinete: (Palakpakan)

Jacinto Lumbreras: Ininunumina ko si Andres Bonifacio

Daniel Tirona: Ininunumina ko sa Mariano Trias at Emilio Aguinaldo

Tagapagsalaysay: Makatapos ang ilang oras…

Heneral Artemio Ricarte: Ikinagagalak kong ianunusyo na ang nanalo bilang Presidente ay si Emilio
Aguinaldo sa boto na 146.

Severino De Las Alas: Bakit hindi na lng natin gawing Bise Presidente si Andres Bonifacio tutal siya
naman ang pangalawa sa pinakamaraming boto.

Daniel Tirona: Dapat magkaron muli ng hiwalay na botohan para dito.

Tagapagsalaysay: Kaya sinunod na nila na botohan sa naturang posisyon kung saan nahalal sina Mariano
Trias, Andres Bonifacio at Mariano Alvarez.

Heneral Artemio Ricarte: Narito na ang resulta ng ating halalan. Panalo si Mariano Trias bilang Bise
Presidente. Ako si Artemio Ricarte ang ating Kapitan Heneral, si Emiliano
De De Dios bilang Ministro de Giyera at Andres Bonifacio blang Ministro de
Interior.

Daniel Tirona: Hindi karapat dapat si Bonifacio sa kanyang posisyong Ministro de Interior dahil walang
mataas na pinag aralan ito sa sa batas. Kaya minumungkahi ko si Jose del
Rosario para sa posisyong ito.

Tagapagsalaysay: Dahil dito nagalit si Bonifacio, bumunot nag baril at tinutukan si Tirona na agad
nagtago.

Bonifacio: Walang saysay ang halalan na naganap dito.

Tagapagsalaysay: At dali-daling umalis si Bonifacio papalayo sa Casa Hacienda. Abril 24, 1897 nasulat si
Bonifacio ng sulat para sabihin kay Emilio Jacinto na nadaya siya sa Tejeros Convention.

You might also like