You are on page 1of 1

Ponema – pinag-aaralan ang wastong pagbigkas ng mga tunog.

Ponolohiya – makaagham nap ag-aaral sa mga tunog.


Morpolohiya ay ang makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng pinakamaliit
nay unit ng isang salita o morpema.
Ortograpiya ay ang masusi at maingat na pag-aaral sa pagbaybay ng mga salita.
Sintaks ay tumutukoy sa estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning nagsisilbing patunay sa
pagsasabi ng kawastuhan ng isang pangungusap.
Semantiks ay pag-aaral ng lingguiwistikang kahulugan ng mga morpema, salita, parirala at pangungusap.
Instrumental ang gamit ng wika kung ginagamit ito ng tao upang maisakatuparan ang nais na mangyari,
gayundin ay matugunan ang pangangailangan ng isang tao.
Regulatori ang gamit ng wika kung ginagamit ito ng tao upang kontrolin o magbigay gabay sa kilos o asal
ng ibang tao.
Representasyunal ang gamit ng wika kun ito ay ginagamit ng tao sa pagbabahagi ng impormasyon-mga
pangyayari, makapagpahayag ng detalye, makapagdala at makatanggap g mensahe sa iba.
Interaksyonal ang gamit ng wika kung ginagamit ito ng tao sa pagpapanatili at pagpapatatag ng
relasyong sosyal sa kapwa.
Personal naman ang gamit ng wika kung ginagamit ito ng tao sa pagpapahayag ng sariling personalidad
batay sa sariling kaparaanan, damdamin, pananaw o opinion.
Heuristiko ang gamit ng wika kung ito ay ginagamit sa paghahanap o paghini ng impormasyon upang
makapagtawo ng ibat ibang kaalaman sa mundo.
Imahinatibo ang gamit ng wika kung ginagamit ng tao ang wika sa pagpapalawak ng kanyang
imahinasyon.

Kakayahang Sosyolingguwistika ay tumutukoy sa pagtukoy sa kung sino, paano, kailan, saan at bakit
nangyari ang sitwasyong komunikatibo.

Kinesics. Nagmula sa Griyegong salita na kinesis na nangangahulugang “pagkilos”. Hindi lamang


pagtukoy ng kilos ang gagawin kundi mag obserba, mag Analisa at magbigay kahulugan sa kanyang
kinikilos.

Paralanguage o Vocalics. Tumutukoy ito sa katangian ng boses na ginagamit para bigyang-kahulugan


ang berbal na komunikasyon ayon sa inaasahang kahulugan at nararamdaman.

Chronemics o Oras – tinatawag din iton temporal communication. Nakapaloob dito ang gamit at
ebalwasyon ng oras ng interaksyon kasama ang lokasyon. Dito nasusukat ang paraan ng isang tao na
gamitin ang kanyang oras at nabuong mensahe dahil sa organisasyon at gamit nito.

Haptics. Tumutukoy ito sa pisikal na kontak gamit ang bahagi ng katawan.

Proxemics. Tumutukoy ito sa espasyo o distansya sa komunikasyon.

Iconics. (Simbolo). Nakapaloob dito ang paggamit ng simbolo o icons na nagpapahiwatig ng mensahe.

Objectics (Pananamit at iba pang artifacts). Tumutukoy ito sa paraan ng pananamit at paggamit ng iba’t
ibang artifacts bilang kodang di-berbal.

Artifacts na tinutukoy ang mga palamuti o dekorasyong dinidisplay tulad ng alahas, ayos ng buhok,
sombrero, salamin, tattoo at iba pa.

You might also like