You are on page 1of 3

Ang Lapis ni Maris

Si Maris ay isang batang makalat, hindi siya marunong magligpit ng

kanyang mga kagamitan. Kahit saan siya magpunta ay iniiwan lang niya

ang kanyang mga gamit. Maging sa paaralan hindi na niya namamalayan

na nalalaglag ang kanyang mga gamit. Hinahayaan lang niya ang mga ito na

masipa at matapakan ng kanyang mga kamag-aral. Ang kanyang guro ay

tila nagsasawa na rin sa pagpapa-alala kay Maris.

Isang hapon, madaling-madali si Maris na umuwi galing sa kanilang

paaralan at halos lahat ng kanyang mga gamit ay naiwan na nakalaglag sa

sahig ng kanilang silid-aralan.

”Naku! sumosobra na yang si Maris, kung iwanan tayo, kahit saan na

lang.” wika ni lapis. “Hindi ba niya alam na kahit tayo ay mga kagamitan

lamang ay may pakiramdam din tayo?” malungkot na wika ni pambura.

“Dapat turuan natin ng leksyon ang batang iyan.” sagot ni krayola.

Isa-isa ngang nag alisan ang mga gamit ni Maris. Nang umagang iyon

ay pumasok na ng paaralan si Maris na hindi man lang tinignan ang laman

ng bag bago pumasok. Nagulat si Maris ng wala siyang makitang kahit

anong gamit niya.

“Nasaan na ang mga gamit ko nandito lang ito kagabi.” Wika ni

Maris.

Pag-uwi ng bahay sinabi ni Maris sa kaniyang in ana Nawala ang mga

gamit sa kanyang bagg.


“Sige anak, bibili na lang ulit kita para may magamit ka. Sa susunod

na iwala mo yan hindi na ulit kita ibibili.” wika ng ina.

Kinagabihan muling inaya ni lapis ang mga gamit sa loob ng bag.

Dahil wala na naming gamit si Maris nang pumasok kinausap na siya

ng kanyang guro.

“Maris maging maingat ka na sa iyong mga gamit, hindi mo dapat ito

kinakalat kung saan-saan.” Wika ng guro.

“Opo Ma’am iingatan ko na po ang aking mga gamit.” Umiiyak na

sagot ni Maris.

Lingid sa kaalaman ni Maris, lihim na sinusundan pala siya ni lapis

kaya narinig nito ang usapan nila ng kanyang guro.

Bumalik si lapis sa tahanan nila Maris at kinausap ang mga kapwa

gamit.

“Mukhang nagsisisi na si Maris sakanyang ginagawa tingin ko pwede

natin siya bigyan ng isa pang pagkakataon.” Sabi ni lapis

Sumang-ayon naman ang kapwa niya gamit.

Kaya kinagabihan nagsibalik ang mga gamit sa bag ni Maris.

Kinaumagahan nang buksan ni Maris ang kanyang bag laking tuwa

niya ng makita sa loob ang kanyang mga gamit.

At simula noon lagi na niyang sinisinop ang kanyang mga gamit.


Learning Competencies:

FILIPINO 1

Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang pabula, tugma/tula, at

tekstong pang-impormasyon. F1PN-IIa- 3, F1PN-IIIg-3, F1PN-IVh

Nailalarawan ang damdamin ng isang tauhan sa kuwentong napakinggan

F1PN-IIi-11

You might also like