You are on page 1of 2

SETYEMBRE 16, 2020

ARALIN 3: PARABULA AT ANG MGA


HALIMBAWA NITO
Ang ikatlong araw na may makabuluhang mga kuwento at kaalaman tungkol
sa isang ginintuang panitikan- ang parabula. Ang parabula ay hango sa salitang
Griyegong ‘parabole’ na ibig sabihin ay pagtatabihin ang dalwang bagay upang
pagtularin. Isang akdang pampanitikan na mas napopokus ang mga aral na
kailangan nating isabuhay sa araw-araw, mas makikita ang mga parabula sa
Bibliya na pinangangaral noon ni Hesukristo habang nabubuhay pa siya sa
sanlibutan. Ginagamitan ito ng mga tayutay na pagtutulad at metapora sa
konteksto, naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang asal mula sa
isang maikling kuwento, ito ay may anyong patula o prosa.
Ang parabula ay apat na uri ng elemento, tauhan, tagpuan, aral at ang
pinakaimportanteng bahagi sa isang kuwento, ang banghay. Ang tauhan ay mga
karakter mula sa banal na kasulatan o Bibliya, ang tagpuan ay hindi gaanong
makikita o nababanggit mismo, ang aral naman ay ang mga magagandang ugali o
asal na napulot mula sa pagbabasa at kinakailangan nating maisabuhay. Mga
pagkakasunod-sunod na pangyayari sa isang istorya ay tinatawag na banghay,
nahahati ito sa tatlo, simula, gitna at wakas.
Dahil ang ating talakayin ay tungkol sa parabula na may ginintuang aral,
tinalakay natin ang halimbawa ng mga ito. Isa na rito ang pag-aayuno ng mga
Muslim o Ramadan tuwing sasapit ang ika-siyam na buwan ng kaledaryong Islam,
isinasabuhay nila ang mga turo ng Qur’an at nagiging displinado ang kanilang mga
sarili. Hindi sila maaring uminom, kumain, magsalita o gumawa ng masama sa
kapwa nila mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Nagtatapos ito sa
ika-29 o 30 na araw ng Ramadan, sa mga araw na nakapaloob rito, ginagawa nila
ang Kanduli (pagbabahagi ng pagkain sa ibang Muslim), Saul (maagang kumakain\
3-4 ng umaga) at Pembuka (boluntaryong paghahanda ng pagkain).
“Ang Tusong Katiwala” ay isang pangaral ng ating Panginoon Hesukristo na
nailathala sa Bibliya, tinatalakay dito ang katiwalang walang ginawa kundi
gumawa ng masama sa kanyang amo at kapwa niya katiwala. Dahil sa katusuhan at
panlilinlang sa amo niya ay hindi na siya kayang tanggapin nito at hindi na siya
pinagkatiwalaan pa. Sinabi ni Hesus na wag nating sayangin ang tiwalang
ibinibigay ng kapwa natin kahit sa maliit na bagay man o malaki. Maging tapat
tayo sa Panginoong ating Diyos, wag tayong maging sakim sa pera dahil sa huli, di
rin natin madadala ang mga material na bagay kapag tayo ay mawala sa ating
mundong kinalalagyan.

You might also like