You are on page 1of 3

MAGANDANG ARAW, AKO SI AIRA LIWAG AT NARITO AKO UPANG

IPAHAYAG ANG METODOLOHIYA NG AMING PAG- AARAL.

METODOLOHIYA
NAKAPALOOB DITO ANG MGA DISENYO NG PAG AARAL, INSTRUMENTO NG PAG
AARAL, PAGPILI NG RESPONDENTE, PARAAN NG TRATO SA MGA DATOS AT
PARAAN NG PAGKUHA NG DATOS.

DISENYO NG PAG AARAL


Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng Descriptive Statistics.
Maraming uri ng Deskriptibo na pananaliksik, ngunit napili ng mga
mananaliksik na gamitin ang Survey Research Design, na gumagamit ng
talatanungan o survey questionnaires para makalikom ng mga datos na
magdedetermina sa lebel ng kasanayan sa wastong paggamit ng wika.
Naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa
paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula
sa maraming respondente. Limitado lamang ang bilang ng mga
tagasagot sa mga talatanungan, ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi
lamang nakadepende sa dami ng sumagot sa mga talatanungan. Kung
kaya lubos na nauunawaan ng mga mananaliksik na nababagay ito sa
pag-aaral kung saan maari-ring magsagawa ng pakikipanayam at
obserbasyon upang makadagdag sa pagkalap ng mga datos at
impormasyon. Ang mga datos na makakalap ay maaaring makatulong
sa pagpapatunay na mahalaga ang wastong paggamit ng wika sa
kolehiyo

INSTRUMENTO NG PAG AARAL

Ayon sa artikulong QuestionPro Survey Software (2021), ang


mga open-ended questionnaire ay mga tanong sa survey na nagbibigay-
daan sa mga respondent na sumagot sa bukas na istilo ng text, na
nagpapahintulot sa kanila na ipahayag ang kanilang buong karanasan,
pakiramdam, at pag-unawa. Nangangahulugan ito na ang sagot sa tanong
na ito ay hindi limitado sa ilang mga opsyon. Binibigyang-daan ka ng
open-ended questionnaire na tingnan ang mga sagot ng respondent
upang matuto nang higit pa tungkol sa isyung kinakaharap. Ang mga
sagot sa mga tanong na ito ay maaaring gamitin upang makakuha ng
mas malalim at mapaglarawang kaalaman sa isang paksa.

PAGPILI NG RESPONDENTE
Ang mga mananaliksik ay pumili ng respondente mula sa kolehiyo sa
anumang kuroso o programa ang kanilang kinukuha, at gagamit ng
bilang ng sampol ayon sa Slovin's Formula na stratified sampling, nag
resulta ng sampol ng respondent na may bilang na 112 na kalahok.
gusto namin matuklasan kung sa paggamit ng wastong wika ay may
kaunti silang kaalaman pagdating sa pakikipagtalastasan dahil bilang isa
silang General ang kanilang pinag aaralan at aming obserbahan
pagdating sa ating wika kung sila ay bihasa pagdating sa pakikipag
talastasan

PARAAN NG PAGKUHA NG DATOS


Uumpisahan namin sa pag-gawa ng mga tanong na ilalagay
namin sa sarbey, ikalawa, pag-gawa ng liham na ipapakita
namin sa aming mga repondents upang sa gayon ay
maunawaan nila kung ano ba ang aming ipapasagot sakanila at
ang aming topic, ikatlo, habang silay sumasagot sa aming
interview/survey. Aming pinagmamasdan ang mga kanilang
reaksyon sa pag sagot sa aming binigay na talatanungan/survey
form. At huli, pagtapos nila sagutan ang sarbey, ang mga
mananaliksik ay gagawa ng interpretasyong berbal bilang
tritment.

PARAAN NG TRATO SA MGA DATOS


Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula
sa mga respondente na tumugon sa talatanungan ay
ipagsasama o itatally at bibigyan ng berbal na
interpretasyon. Ang mga datos na ito ay magsisilbing
kasagutan sa mga katanungang inilahad ng pag-aaral.
Ang mga resulta ay ikukumpara ayon sa pagkakaiba ng
mga kasagutan. Ang mga datos ay iaanalisang mabuti at
magiging gabay sa resultang ninanais ng mga
mananaliksik. Mula sa mga sarbey at pakikipagpanayam
ang mga makakalap na datos ito ay sasalain at pipiliin ang
mga makakatulong o benepisyunal sa pag-aaral.

You might also like