You are on page 1of 2

REPLEKTIBONG SANAYSAY

Heneral Luna

Ang heneral luna ay isang pelikulang naglalahad sa tunay na kwento ni Heneral Antonio Luna ipinapakita
dito kung paano sya mamuno sa ilalim ng “FIRST PHILIPPINE REPUBLIC” noong panahon ng gyera ng
Amerikano at Pilipino.

Matapos kong mapanuod ang pelikulang pinamagatang "Heneral Luna" , unti-unting nahuhubog ang
aking puso't isispan na pahalagahan ang ating tinatamasang kalayaan sa kasalukuyan sapagkat
pinaghirapan ito ng ating mga ninuno kabilang na si Heneral Antonio Luna.

Negosyo o Kalayaan? Bayan o Sarili?

Ito marahil ang tatatak sa isip ng mga nakapanood na ng pelikulang "Heneral Luna" sapagkat ipinakita
rito kung pinaglaban ng mga bayani ang bayan laban sa mga mananakop. Ngnit ngayon ay makikitang
mas lamang sa timbangan ng mga ilustrado ang negosyo, binabalewala ang natamong tagumpay laban
sa Espanyol at tuluyang sumuko sa mga mananakop na Amerikano. Walang katapusang palusot nila’y
“dahil sila ay mas malakas at mas makapangyarihan.” Ang sakit talaga ng mga Filipino ay mapanlamang
sa kapwa Filipino. Panahon pa lamang ng mga Kastila, ganoon na, hanggang ngayon evident. Kapwa na
nga, kaiinggitan pa. Kapwa na nga, swapang pa. Isa sa pinakatalamak ang gantong kaganapan ay sa ibang
bansa. OFW ang manlalaglag sa kapwa OFW. Parang hindi kaano-ano. Matapos ang mga pinagsamahan,
tila backstabber pag umunlad ng kaunti. Hindi makikisama sa gawaing pang-sibiko hangga’t hindi
makikinabang ang negosyo.

Kalayaan ay dapat pahalagahan.

Upang mapahalagahan natin ito ay kailangan lang nating ipakita ang ating pagiging makabansa. Ang mga
sumusunod ay iilan lamang sa mga napakaraming paraan upang maipakita natin ang ating
pagkamakabayan. Una, ang pagpapakita ng respeto sa ating watawat, at sa ating pambansang awit.
Pangalawa, ang simpleng pagsunod sa batas trapiko. Bakit ba maituturing na paraan ito? Sa
pamamagitan nito ay naipapakita natin ang ating paggalang sa kinauukulan at pagmamahal sa bayan.
Panghuli at ang pinakamabisang paraan sa lahat, bilang isang Pilipino, nararapat lamang na makialam
tayo sa pamamalakad sa ating pamahalaan. Kung may alam tayong nangyayaring hindi tama, gawa'n ng
paraan upang maitama. Sa pamamagitan ng mga ito maipapakita natin ang ating pagkamakabayan.

Ang pagkamatay ni Hen. Luna ay hindi pananagutan ng isang tao kundi ng lahat ng Filipino na ang iniisip
ay ang sarili lamang. Sa kamay natin dumaloy ang dugo ni Heneral Antonio Luna. Ang ikauunlad ng ating
bayan ay hindi makakamit sa reporma sa pamahalaan o sa pag-piit ng mga baluktot na lider, kundi sa
pagbabago ng ating ugaling mapanlamang. Mga IPOKRITO tayo dahil idinidiin lamang natin ang iba at
hindi aminin ang sariling pagkukulang. Kahit ang Simbahan itinuturo ang pagtatakwil ng sarili, dahil ito
ang daan sa ating mabuting pagbabago. Ang pag babago ay nasa atin, wala sa iba.

You might also like