You are on page 1of 1

PHOTO ESSAY

Pinta

Ang pagpipinta ay gawain ng marami subalit para sa akin , ang pagpipinta ay isang uri ng
pakikipagkomunikasyon. Minsan kase ang tao ay nahihirapang ipaliwanag ang kanilang mga saloobin at
mga opinyon kaya gumagamit sila ng ibang midyum upang maiparating ito sa iba. Isa na doon ang
pagpipinta , hindi man naipapaliwanag sa mga salita , naipapakita naman sa mga linya , kulay at hugis.
Nakapagpaliwanag ang tao nang hindi ibinubuka ang bibig sa pamamagitan nito. "You don't need to
explain your art" ika nga. " You don't need to sales talk. Let your painting for itself". Lahat tayo ay may
sariling rason sa pagpipinta , karaniwang ginagawa ng karamihan bilang stress reliever at yung iba
naman ay ginagawa ito dahil dito sila magaling at masaya. Marami ring rason kung bakit hindi nagpipinta
ang tao , sabi ng iba ay hindi daw nila ito forte kaya ayaw nilang gawin. Samantalang yung iba naman ay
kulang sa materyales , walang maisip na piyesa , walang oras , wala sa mood at walang sapat na espasyo.
Some says artists have a very complex mind and life. Lonely path nga daw sabi ni Maestro Fher Ymas.
Lahat ng tao ay ipinanganak na artist , the problem is to remain artist sabi nga ni Picasso.

You might also like