You are on page 1of 3

FILIPINO 10- DE-KOLOR

Pagsasanay 1
3. Binigyang pansin ng persona ang kaniyang kulay sa bawat yugto ng kaniyang buhay sapagkat
ito ang dahilan kung bakit siya naaapi ng ibang mga tao. Kinumpara niya ang kaniyang kulay sa
kaniyang katoto upang ilarawan ang kaniyang mga karanasan at nararamdaman sa bawat yugto
ng kaniyang buhay.

4. Ako ay naaawa at nalulungkot sapagkat ang daming mga tao ang nangiinsulto at nangaapi
dahil sa kulay ng balat ng kanilang kapwa ngunit hindi nila napapansin na ang kanilang kulay ay
nag-iiba depende sa panahon ngunit ang mga itim ay iisa lamang ang kulay mula sa kanilang
pagkasilang hanggang sa kanilang pagtanda. Ang kanilang kulay ay iisa, totoo, at hindi
nagbabago.

5. Ang tula ay may iisang matibay na layunin. Hindi nalalayo ang mga salita nito sa pamagat at
paksa nito. Kada linya ay nagwawakas sa salitang nagsasaad ng kulay. Kada linya ay may iisang
layunin. Para sakin, ang tulang ito ay maganda at mabisang paraan upang magsahalintulad ng
mga bagay o konsepto.

6. Sa palagay ko, ang kahulugan ng salitang “de-kolor” ay ang kulay na hindi nabibilang. Maaari
ko ito maihantulad sa paglalaba. Kapag naglalaba ang isang tao, hinihiwalay nito ang mga de-
kolor na damit sa mga puting damit. Ganun ang nangyayari sa atin. May mga taong iniisip na
ang mga tao na “de-kolor” ay hindi nababagay sa lipunan. Hindi gusto ng mga puti na makasama
sila dahil sa tingin nila ang mga”de-kolor” ay mabababa at maduduming tao. Masakit man isipin
ngunit maraming tao ang ganun ang pananaw sa mga mamamayan ng Africa at iba’t-ibang parte
ng mundo.
7. Ang tono ng tula ay seryoso at may matatag na layunin. Tila pinagtatanggol ng persona ang
kaniyang sarili sa mga taong nanghuhusga. Ipinapahiwatig ng persona na ang kaniyang kulay ay
hindi naiiba. Siya ay nananatiling totoo sa kaniyang sarili, hindi nagiiba ang kaniyang kulay.
Gustong ipahiwatig ng persona na hindi dapat sila tawaging “de-kolor” sapagkat nananatiling
iisa ang kanilang kulay simula pagkabata. Ang mga puti ay nagiiba ang kulay depende sa
panahon kaya bakit nga naman silang tatawaging “de-kolor” kung iisa lang ang kulay nila at
hindi paiba-iba.
8.

Dahil sa kulay ng balat ng tao, nagkakaroon ng harang o pagkakalayo ang mga tao dahil lamang
sa kanilang kulay. Nawawala ang koneksyon at nagkakaroon ng “division” ang bawat isa.
Dahil sa pagkakalayo ng mga tao sa isa’t-isa, lalong lumaganap ang diskriminasyon.

You might also like