You are on page 1of 3

Pagsusuri sa “Loob”

1.) Bakit kaya “Loob” ang pamagat ng awit?


Pinamagatang "Loob" ang awitin dahil sa napakaraming ibig-sabihin nito. Ito ay
sumisimbolo sa wikang Filipino na napakalawak ngunit kung ito ay iyong pag-aaralan ay
malalaman mo ang kahulugan. Ang salitang "Loob" ay maaaring ikonekta sa iba pang
mga salita at makabubuo ito ng maganda o di-magandang kaisipan. Gayunpaman, bawat
salita ay tumutukoy sa ating pagkatao, kaugalian o nararamdaman. Kaya naman
kailangan nating mga Pinoy na itatak sa ating mga puso at isipan ang mga katagang ito
upang ang wikang Filipino ay magtuloy-tuloy at hindi makalimutan ng mga Pinoy.

2.) Balikan natin ang unang dalawang linya ng awitin, paano inilarawan ng composer
ang wika?
Ang unang dalawang linya ng awitin ay “Wika nati’y simpleng simple/Pero ubod ng
lalim”. Ang nais ipabatid ng composer dito ay simple man ang ating wika, hindi ito
madaling maintindihan lalo na kung hindi ito pag-aaralang mabuti. Ang akala nating mga
Pinoy ay napakadali lamang ng wikang Filipino dahil sa ito ang ating ginagamit sa araw-
araw na komunikasyon. Ngunit lingid sa ating kaalaman na mayroon pa rin tayong mga
salita na hindi alam ang kahulugan. Ito ang nagiging problema lalo na sa bagong
henerasyon. Dahil sa pagpili nating alamin ang ibang wika ay nakalilimutan na natin ang
sariling atin. Kung nais nating pagyamin ang ating wika, dapat natin itong mahalin at
gamitin.

3.) Ano-ano ang mga liriko sa awit ang pumukaw sa inyong pansin? Ipaliwanag.
Ang ilan sa mga liriko na labis na pumukaw sa aking pansin ay 'wika nati'y simpleng-
simple pero ubod ng lalim' sapagkat sa aming palagay, lingid sa kaalaman ng karamihan
na ang ating wika ay isa lamang simpleng lenggwahe na ubod ng simple na hindi na
dapat pang pag-aralan pa. Lingid sa kanilang kaalaman na ang ating wika ay isa sa may
pinakamayaman na lenggawahe, bawat salita ay may ubod ng lalim na kahulugan. Isa
pang pumukaw sa akin kaisipan ay ang lirikong 'Ang magnanakaw ay nanloloob' sa
aming palagay, sa liriko na ito pinababatid na, unti-unti nang napapasok ng mga dayuhan
ang ating wika. Sapagkat sa paglipas ng panahon, nawawala ang ating pagkakakilanlan at
yaman ng ating wika, upang maka sunod lamang sa wika ng mga dayuhan. At ang
kahulu-hulihang nakapukaw ng aming pansin ay ang lirikong 'Wika ang tuloy-tuloy sa
loob ng puso at utak ng Pinoy, kaya dapat pag-aralan, kung nais nating magtuloy'
pinapahiwatig ng liriko na ito na hindi dapat natin kalimutan ang ating sariling wika,
bagkus dapat natin itong mas lalong pagyamanin kung nais nating hindi mawala ng
tuluyan ang ating pagkakakilanlan.

4.) Sa inyong sariling pananaw, ano ang mensahen nais iparating ng awit?
Ang mensahe ng awitin ay tungkol ito sa ating wika, ang wika natin ay napaka simple
lamang ngunit kung ito’y iyong tututukan at susuriin mo itong mabuti minsa’y
mapapatanong ka kung ano ang nais sabihin nito dahil mas alam natin ang ibang termino
ng isang salita kaysa sa pinaka nararapat niyang salita kaya dapat natin itong suriin upang
lubos na maintindihan. Ipinaparating lang sa atin na kailangan pa rin natin pag aralan ang
wika kahit tayo’y nasa kolehiyo na dahil nga ang wika ay tuloy tuloy at hindi ito natapos.
Marapat lamang na pag aralan natin ang wika tulad ng mga terminong nabainggit upang
paguamanin natin ang ating wika at lubusang natin itong makilala dahil tayo at Pinoy at
marapat lamang na mas alam natin ito kaysa sa ibang banyaga.
Akala nating mga pilipino napakadali ng wika natin sapagkat atin ito ngunit tayo ay
nagkakamali. Minsan kailangan pa natin itong mas pag aralan sapagkat tayo ay
nagkakamali sa paggamit at kung ano ang mga kahulugan nila. Oo mahirap intindihin ang
ating wika para sa mga dayuhan ngunit naisip ko na bakit tayong mga Pilipino, kahit
anong hirap bigkasin at intindihin ang wika at kultura ng mga dayuhan ay pinag-aaralan
parin natin ang mga ito at ipinagmamalaki pa kapag nagiging gamay na natin ang
kanilang mga wika, ngunit bakit ang sarili nating wika ay parang ikinakahiya pa natin ito.
Hindi ko makakalimutan ang isang linya sa kanyang liriko na an “Wika ang tulay na
tuloy-tuloy/ Sa loob ng puso at utak ng Pinoy. Ibig sabihin lamang nito na kahit anuman
ang gawin nating pagtangkilik sa ibang wika hindi parin natin maitatanggi na ang ating
wika na kinalakhan ay hindi mapapalitan at hindi matutumbasan ng kahit anuman dahil
habang buhay na itong nakatatak sa ating mga isipan at puso. Ito ang sumisimbolo sa
ating pinagmulan at bilang pagiging isang Pilipino kung kaya’t dapat nating tandaan na
palaging unahin ang ating wika pagyamin at paunlarin at huwag itong ipagpalit sa ibang
mga dayuhang wika.

Pangkat 5
Reynalyn V. Sitchon
Mary Jean Rose Lerit
Krizel De Guzman
Francheskalane Valencia
Donalyn Escobedo

You might also like