You are on page 1of 25

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA

AT KULTURANG PILIPINO
UNA AT IKALAWANG LINGGO

KWARTER 1

ANG WIKA AY YAMAN NG ISANG TAO

Balikan Natin
Ang wika ay pangunahing behikulo sa komunikasyon ng dalawa o mahigit pang taong
nag-uusap . Ginagamit ang wika upang ipahayag ang pangangailangan ,damdamin at ang iniisip
sa pakikipag-uganayan sa lahat ng pagkakataon.

Kailangang malaman at maunawaan ang kahulugan ng wika upang magamit ito nang tama,
angkop at wasto. Kaya naman upang maunawaan natin ang konseptong may kaugnayan sa wika
muli nating balikan kung ano-ano ang kahulugan at katangian ng wika.

Sa tulong nag concept map, isulat sa loob ng bilog ang mga konseptong alam na tungkol sa
wika batay sa ating napanood , narinig, nabasa at nasaksihan sa ating paligid. Pumili ng
dalawang salita mula sa naisulat at ipaliwanag kung bakit ito may kaugnayan sa wika.

Alam mo
bang Ikinagag
napaka- alak ko..
ganda…

Masarap..
Noong..

WIKA
Matamis..
Sa totoo
lang..

Mahirap.. Nakita..
Isang araw, napaisip ako at naitanong ko sa aking sarili: Paano ko ilalarawan sa ibang tao
ang lasa ng tsokolate?

Maaari kong sabihing matamis ang lasa ng tsokolate.

Tama naman, ngunit matamis din ang lasa ng hinog na mangga. Dahil pareho silang
matamis, paano naiiba ang lasa ng tsokolate at manggang hinog? Mukhang hindi sapat na
sabihing matamis lamang ito.

Maaari ko namang sabihing may pinaghalong tamis at kaunting pait ang lasa ng tsokolate.
Kaya’t upang malaman ko kung magkapareho ng antas ng lasa ng manggang hinog at
tsokolate ay nagdikdik ako ng isang piraso ng ampalaya at inihalo ko ito sa isang hiwa ng
manggang hinog.

Matapos kong tikman ito, nasabi kong hindi pa rin sapat ang paglalarawang ito dahil hindi
lasang tsokolate ang pinaghalong ampalaya at manggang hinog. Kadiri lang ito.

Kaya paano ko na ngayon sasagutin ang tanong? Alam na alam ko ang lasa ng tsokolate!
Alam na alam ko na, ngunit hindi ko tuwirang mailarawan at maipaliwanag.

Ambabaw ’no? Ngunit kung tutuusin, parehong suliranin ang aking haharapin sa mga
tanong tulad ng “Bakit maganda ang isang bagay na nagagandahan ako?” o “Bakit mahal ko
ang taong mahal ko?”

Alam na alam ko ang sagot, ngunit mahirap sagutin.

Pati ang usapin tungkol sa aking ugnayan sa Diyos ay tila hindi ko rin lubos na
maipaliwanag. Ang pagkilala ko sa Kanya ay napakapersonal, napakalalim at
napaka-”akin”. Mahirap ilarawan at ipaliwanag sa iba.

Tulad ng lasa ng tsokolate.Tulad ng lasa ng manggang hinog.Tulad ng kagandahan.Tulad ng


pag-ibig.

Natatandaan ko tuloy ang sinabi sa akin ng aking guro sa Pilosopiya. Aniya, “Matapos nating
masabi ang lahat nang maaari nating sabihin, ang pinakamahalaga ay iyong hindi natin
masabi.”

Kumbaga, basta. Basta alam ko ang lasa ng tsokolate. Basta alam ko ang lasa ng manggang
hinog. Basta nagagandahan ako sa magagandang bagay. Basta mahal ko ang mahal ko.
Basta kilala ko ang Diyos. Basta!

Kung totoo man ito, ano pala ang silbi ng wika, o ang paraan ng pagpapahayag nang
pasalita? Bakit kailangan ko pang alamin, aralin, gamitin at pagyamanin ang isang bagay
kung hindi ko naman kayang ipaliwanag nang buo ang nais kong ipahayag?
Dagdag pa rito, bakit kailangan ko pang pahalagahan at ipagdiwang ang ating pambansang
wika – ang wikang Filipino?

Sa totoo lang, alam na alam ko naman ang sagot dito. Mahirap nga lang ilarawan at
ipaliwanag. Basta! Basta mahalaga ang wikang Filipino.

Pero teka, katamaran din yata ang pagsabi ng “basta”. Kaya kahit hindi masaklaw ng aking
paliwanag ang kahagalahan nito, sasagutin ko pa rin ang tanong na, “Bakit mahalaga ang
wikang Filipino?”

Ayon sa linguwistang si Noam Chomsky, ang wika ang naghihiwalay sa atin sa iba pang
nilalang. Samakatuwid, ang paggamit ng wika ay isang paraan ng pagpapakatao; ng pagiging
tao.

Sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pakikipagtalastasan, ako ay nagiging tao –


nakikibahagi, nakikipagtagisan, nakikipag-ugnayan at nakikiisa sa iba.

Hindi ko layunin bilang tao na kimkimin lahat ng aking nalalaman, nararanasan at


nararamdaman. Hindi ko man masasabi ang kabuuan ng nais kong sabihin, mahalaga pa
ring masabi ko ang maaari kong sabihin.

Napagtatanto ko ring ang wikang aking ginagamit, ang aking sinasabi, ay may sinasabi rin
tungkol sa aking sarili.

Kumbaga,

Ako mismo ang nagwika.

Ako mismo ang iwinika.

Dahil Ako ang aking wika.

Kung ako ang aking wika, masasabi kong ang aking paggamit ng wikang Filipino ay isang
pagpapakita at pagbubunyag ng aking pagka-Pilipino.

Filipino ako kung magsalita, Filipino ako kung kumain ng tsokolate, Filipino ako kung
magandahan sa isang bagay, Filipino ako kung umibig at magmahal, Filipino ako kung
makipag-usap sa Diyos.

Samakatuwid, ang pagdiriwang ng Wikang Filipino ay pagdiriwang ng pagiging Ako.


Ano ang lasa ng tsokolate para sa akin?

Matamis, hindi nga lang kasintamis ng manggang hinog, ngunit kasintamis ito noong nanalo
ako ng Unang Gantimpala sa Spelling Bee noong ako ay nasa ikalimang baitang. May kaunti
ring pait, tulad noong namatay ang aso kong si Denden ilang buwan na ang nakalilipas.

Iyon, para sa akin, ang lasa ng tsokolate. Ikaw? Ano ang lasa ng tsokolate para sa iyo?

Ilapat Natin
Matapos nating matalakay ang mga konseptong pangwika ,subukan natin ang iyong natutuhan
sa araling ito. Panuto: Punan ng angkop na sagot ang patlang sa loob ng bawat kahon.

ANG AKING UNANG WIKA Ay


Tagalog

ANG PANGALAWANG WIKA AY


Ingles

ANG KILALA KONA BILINGGUWAL AY


Ang aking sarili

ANG KILALA KONA MULTILINGGUWAL AY


Ang aking matalik na kaibigang babae dahil may lahi siya Dutch.

ANG MGA DIYALEKTONG GINAGAMIT SA AMING TAHANAN


Tagalog/ Ingles

ANG MGA KATANGIAN NG WIKA NA AKING NATUKLASAN AY


Ang Masistemang Balangkas, Sinasalitang Tunog, Ginagamit sa Komunikasyon, Pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo, Pantao, at Nakaugnay sa Kultura
MAGAGAMIT KO ITO UPANG
Magkaroon ng magandang trabaho, makakausap ng mga taga ibang bansa dahil ang ingles
ay isang multi based national language. Malaking impluwensiya na ang wikang ingles sa
ating bansa dahil sa mga amerikanong sumakop sa atin noon.

\
Suriin Natin
Ang ating kapaligiran ay may malaking gampanin sa mga konseptong ating natutuhan tungkol sa
wika. Sa tulong na mga kasama natin sa ating tahanan. Pumili ng bagay na maaring sumimbolo
sa mga konseptong pangwikang tinalakay sa araling ito. Ipaliwanag din kung bakit ito ang
napiling simbolo.

Konseptong Simbolismo Paliwanag tungkol Kahalagagahn ng


Pangwika sa Konseptong
napiling simbolo Pangwika para sa
iyo
Wika Pagdidikwatro
Unang Wika
Pangalawang Wika
Bilinggwalismo Pagtaas ng
Hinlalaki mo
Multilnggwalismo

Matapang- kailangan mo maging matapang sa ano mang pagsubok na maari mong maharap
habang ikaw ay nasa barko.

Pangiingat- salitang binibigay ng mga mahal natin sa buhay dahil 'di madali ang pagtratrabaho
sa barko, base sa aking na research

Paggawa- paggawa ng mga aberya sa barko

Pagaayos- pagaayos ng kahit ano sa barko yan ang trabaho ng isang ininyero na seaman

Paglilinis- Kailangan natin alamin kung malinis ba ang takbo ng barko bago ito tumakbo.

Paghila- paghilaa ng mga isang pulgadang mga tali, kasama sa trabaho ng isang seaaman.

Makina- Ito ang aayusin namin kapag nagkaaberya o nagkasira ang engine ng barko

Pagkukuskos- Kasama sa pagiging seaman ang pagkukuskos ng mga kalawang ng barko.

Sampa- salitang pangarap ng iba pang naghahangad ng maging seaman. "Balang araw
makakasampa rin ako".

Alon- sasalubong sa pangaraw-araw mong buhay sa barko habang nagtratrabaho ka

Alam niyo bang sa ating panahon ngayon ay hindi na maiiwasan ang pagkalinang ng ating
kaisipan sa ibang lengguwahe gaya na lamang ng wikang ingles. Lalo na't ang wikang ingles
ginagmit na nating second language at ginagamit narin na panturo sa ating paaralan. Ngunit
hindi ito sapat na dahilan para makalimutan natin ang ating wikang kinagisnan. Ang L1 o
language1 ang linggwuahe o wikang kinalakihan. Ito ay sumisimbolo kung saan talaga tayo
lumaki o kung saan tayo nahubog itaguyod ang ating wikaa habang tayo ay lumalaki kaya dapat
hindi natin itong makalimutan at ikahiya dahil para lamang natin ikiginahiya ang ating inang
bayan para sa mgabanyagang hindi naman natin maintindihan ang kanilang mga salita. Sa
kabuuhan ay kailangan natin taas noo ang pag samba sa ating wikang kinagisnan, patuloy natin
gamitin at mahalin ang ating wikang kinagisnan.

Jp: Uyy pre, alam moba sabi ng tito kong seaman na hindi ka raw makakasampa sa barko kapag
wala kang backer o hugot.

Mat: Uyy talaga ba? (*sarcastic voice)

Jp: Oo, so paano ka pre magiging okay kalang ba?

Mat: Oo naman no pre hindi hadlang yan basta lagi kalang magtiwala sa sarili mo lahat ng
bagay malalagpasan mo.

Jp: Yakang yaka moyan pre *insert laugh*

Mat: Edi wow, sama mo sarili mo parehas tayo kukunin e, Yakang yaka kamo natin 'to *(they
Dap)*

Jp: Edi wow karin *both laugh*

END CONVERSATION

1. Ang wika ay masistemang balangkas

2. Ang wika ay sinasalitang tunog

3. Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog

4. Ang wika ay komunikasyon

5. Ang wika ay pantao

6. Ang wika ay kaugnay ng kultura


7. Ang wika ay ginagamit

8. Ang wika ay natatangi

9. Ang wika ay dinamiko

10. Ang wika ay malikhain

Ang pagkakaiba ng unang wika sa pangalawang wika ay dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1) Ang unang wika ay ang katutubong wika ng isang tao habang ang pangalawang wika ay
isang wika na natutunan ng isang tao upang makipag-usap sa katutubong nagsasalita ng wikang
iyon.

2)Ang unang wika ay nagmumula ito sa kanya bilang isang mana / pamana / karapatan ng
pagkapanganay. Sa kabilang panig, ang pangalawang wika ay laging itinatakda ng tao.

3)Ang unang wika ay napakabilis ng proseso habang ang proseso ng pag-aaral ng pangalawang
wika ay maaaring mag-iba mula sa wika sa wika at mula sa tao hanggang sa tao.

Ang homogeneous na wika ay itinuturing na isang pormal na mga salita na may pamantayan
dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika, ito ay
gumagamit ng bokabularyo na mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan. Ito
rin ay sianasabing pagkakatulad ng mga salita, na naayon sa paraan ng pagbabaybay at
intonasyon sa pagbigkas kaya nagkakaroon ng ibang kahulugan o ibig sabihin. Ang naman ay
heterogeneous na wika naman ay itinuturing na di-pormal na mga salitang karaniwan at
palasak sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasan ay nabubuo sa mga kalye o
tinatawag na pabalbal na uri ng salita. Ang uri ng wikang ito ay may iba't ibang barayti at
baryasyon na sumasaklaw sa pagkakaiba-iba nito batay sa ginagalawan ng nagsasalita. Ito rin
ay mga salitang ginagamit sa iba't ibang pamamaraan ngunit nanatiling iisa ang kahulugan.

Ang Bilingguwalismo ay isang sistema kung saan ang isang grupo ng tao ay gumagamit ng
dalawang uri ng wika sa isang tiyak na panahon at lugar depende sa pangangailangan nito. Ang
Multilingguwalismo naman ay ang paggamit ng mahigit sa dalawang wika ayon sa
pangangailangan ng isang tao o lupon ng mga tao sa isang lipunan.
Ang wikang pambansa ay isang wika na natatanging kinakatawan ang pambansang pagkilanlan
ng ating lahi at bansa. Ginagamit ang Pambansang Wika sa politikal at legal nadiskurso at
tinatalaga ng pamahalaan ng ating bansa.

Ang wikang opisyal ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa


saligang batas ng isang bansa, estado at iba pa. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa
leshislatibong mga sangay ng bansa, Ang isang wikang opisyal na kinikilala ng isang bansa ay
tinuturosa mga paaralan, at ginagamit sa mga opisyal na komunikasyon.

Ang wikang panturo ay ang wikang opisyal na ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang
wikang ginagamit sa pagtuturo at pag- aaral sa mga paaralanat ang wika sa pagsulat ng mga
aklat at kagamitan sa pagtuturo sa paaralan.

Ang tao sa tulong ng wika ay nakabubuo ng mga paraan upang maiangkop ang sarili sa
kanyang kapaligiran. Mahalaga sa kanya ang wika bilang di- pangkaraniwang bahagi ng
kultura. Sa pamamagitan ng wika, nakagagawa rin siya ng mga pamantayang magiging gabay
sa pakikitungo sa kapwa o sa isa’t isa sa institusyon o lipunan. Dahil sa wika naipahayag ang
kaugalian, kaisipan at damdamin ng bawat pangkat ng tao. Bagaman may mga makabago nang
kasangkapang ginagamit sa pakikipaagtalastasan tulad ng social media, cellphone, play station,
at iba pa, wika parin ang ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng kanyang diwa.
1Ang napansin ko lamang ay magkaiba ng diyalekto o lengguwahe ang dalawang nasabing
nasa talahayan.

2Ang barayti ng wika ay nakaaapekto sa pagbabagong bihis ng mga awiting bayan dahil sa
pamamagitan nito ay nalalaman natin o nagkakaroon tayo ng ideya tungkol sa pagkatao o lugar
ng pinanggalingan ng taong umaawit ng naturang awiting bayan. Halimbawa na lamang kung
mala-Kris Aquino ang pagkanta. Marahil ay siya ay nagpapatawa o sadyang ang kaniyang
katayuan o estado sa lipunan ay mayaman. Iyan ay maituturing sosyolek. Samantalang kung ang
mga Waray naman ay kumanta ng mga Tagalog na awiting bayan, mapapansin ang matigas na
pagbigkas nila ng ilang mga salita. Ito ay dahil na rin sa kaibahan ng pagbigkas ng mga
salitang Waray sa Tagalog. Iyan ay diyalek.

3 Ang masasabo ko lamang ay gamitin ito ng madalas sa paaralan para marinig nang iba mong
kaklase at maparinig din nila sa iba para maging kilala ang awiting bahay kubo. O kaya dapat
ipublisya sa bawat librong Filipino ang panbansang wikang bahay kubo para habang
nagbabasa ang mga kabataan o matatanda hinding hindi na nila ito makalilimutan.

4 Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga


mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba't ibang aspeto sa ibang bansa.

Dapat nating bigyang halaga ang ating sariling wika, lalo na sa paggamit nito sa iba't ibang
sektor ng lipunan gaya nalang ng ating ekonomiya. Mas magiging mabilis at maayos ang pag-
aangat ng estado ng lipunan dito sa bansa kung iisa lamang ang wika at lahat ay magkakaroon
ng pagkakaintindihan sa lahat ng kanilang gagawin. Hindi magiging mahirap ang pag-aangat
ng estado ng ekonomiya kung gagamitin natin ang wikang Filipino kagaya ng ginawa ng ibang
bansa na ginamit lamang ang sarili nila upang maging isang maunlad na bansa.

Ang wika ang maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipag komunikasyon sa


ating kapwa. Ang wika, pasalita man o pasulat ay magiging sandata natin sa ating pakikihamok
sa mga hamon ng buhay. Ang wika ay binubuo ng mga titik at simbulo na kapag pinagsama-
sama ag maipapahayag natin ang mga nararamdaman natin sa ating pamilya, kaibigan o kung
sino pa man na kakilala natin,

Sana lamang ay tandaan natin ito, taga Pilipinas tayo, tayo ay mga pilipino! Kung hindi natin
gagamitin, pagyayamanin ag pahahalagahan ang sarili nating wika, sino pa ang
magpapahalaga dito? Huwag naman din sana natin hahaang mawalan ng saysay ang
pagpupursigi ng dati nating pangulo na si Manuel Quezon na ating Pambansang wika ang
Filipino.
5 Bilang isang kabataan maipapakita ko ito sa pamamagitan ng;

1.Gagamitin ko ito sa wastong pakikipag talastasan o pakikipag usap sa kapwa ko Filipino.

2.Hihikayatin ko ang mga kapwa ko kabataan na mahalin ating sariling wika.

3.Ipapakita ko sa buong Pilipinas na dapat mas bigyan ng atensyon ang sariling wika.

4.Mamahalin ko ito ng buong puso sapagkagkat ipinagmamalaki ko ang pagiging isang Pilipino
Ko.

5.Ipapamahagi ko ang kaalaman kung paano mag salita ang isang tunay na Pilipino.

* Ang sariling wika ay mahalaga sapagkat ito ang nag bibigay daan sa pakikipagkapwa upang
magkaintindihan ang bawat isa.Ito rin ang nagbubuklod saatin at nagsasabi kung anong kultura
meron tayo.

Sosyolek

Diyalekto

Sosyolek

Register

Heteregenous

Compyuter- ito ay isang bahagi sa compyuter, ginagamit ito para maigalaw mo ang cursor na
nasa screen.

Compyuter- ito isang mapangangib sa iyong compyuter at ganun narin sa kalusugan nating mga
tao. Pagnapasok ng virus ang compyuter ganun rin ang mangyayare sakanila ang side effects ng
Virus sa tao pwede rin mahalintulad sa compyuter sakaling napasok ito.
Para sakin ang mensaheng nais ipabatid ng larawan ay mga katutubong magsasaka, at mga
bayaning nagbigay karangalan sa ating bansa.

Ang wikang pambansa ay patuloy na umiiral at pinapahalagahan sa kasalukuyan; isang patunay


dito ay ang pagiging bahagi nito sa kurikulum ng Sangay ng Edukasyon. Ang una hanggang
ikatlong baitang ay sinasanay sa wikang pambansa upang magamit sa pagpapaunlad ng sariling
kaalaman. Ang Sipnayan o Mathematics, MAPEH, at Science sa baitang isa hanggang tatlo na
dati ay nasa wikang ingles ay inilimbag na sa sariling wika. Ang hakbang na ito ng sangay ng
edukasyon ay patunay na ang wika ay patuloy na pinapangalagaan.Kasabay ng pag-unlad, may
mga modernong kagamitan tulad ng kompyuter at mga sulatin sa social media na nakalimbag sa
wikang banyaga; ito ay hindi dahilan na ang Wikang Filipino ay ipinagwawalang bahala
bagkus ito ay wikang mas nauunawaan ng buong mundo. Ang pagdaragdag ng wika ayon sa
kahalagahan ng gamit nito ay tinatawag na pag-unlad ngunit kung ang isang wika ay binago at
ginamit sa walang kabuluhan saka lamang masasabi na ang wika ay ipinagwalang bahala at
pinabayaan. Patuloy na ang Wikang Filipino ay pinauunlad at iniingatan, ang pagdiriwang nito
tuwing buwan ng Agosto ay patunay na marami pa din mga Pilipino ang nagmamahal at
nagbibigay pagpapahalaga sa wikang yumakap sa lahing Pilipino.

Bilang isang kabataan, makakatulong ako sa pagpapaunlad nito sa pamamagitan ng paggamit


nito sa ating araw-araw na pamumuhay tuwing nakikihalubilo sa ibang tao; pagtuturo ng ating
wika sa ibang mga dayuhan; at patuloy na pagpapalawak ng bokabularyo natin sa wikang
Filipino.

Layunin: Pagkakamustahan / Nangangamusta

Paliwanag: Para alamin o malaman kung ano ang kalagayan ng isa't-isa o nung kanyang
kaibigan. Upang masigurado na mabuti ang kaniyang kaibigan.

Layunin: Pagbibigay ng babala o paaala sa isang indibidwal para sa sariling kapakanan.

Paliwanag: Ang pahayag ay nagbibigay paalala sa mga estudyante na 'wag pababayaan ang
kanilang pag-aaral.
Layunin:Pagtatanong ng isang tao sa bagay na hindi niya alam

Paliwanag: Para malaman niya kung paano siya makakalabas ng bahay sa kadahililanang
kailangan ito dahil sa Pandemic.

Layunin: Pagsalungat sa isang bagay.

Paliwanag: Maaring hindi siya sangayon sa sabihang ito dahil maaring naranasan niya nang
mawalan ng first love.

Layunin: Magbigay ng impormasyon

Paliwanag: Ang pahayag ay nagbibigay babala o update para sa mamamayang Pilipinno.

Mabigay ng kung anong isinasaad na layunin at ipaliwanag, nagamit ang wika dito dahil
isinasagot ko kung ano at paano ang pagkakahabi ng nasabing pangugusap O ginaamitan ko ito
ng matinding pagaanalismo para mabigay ko kung ano ang isinasaad na layunin para ito'y
maipaliwanag ko.

Tuwing tayo ay nakikipag usap o nakikipag komunikasyon at kapag mayroong nakipag


kasalamuha satin na tao.

Mahalaga ang wika dahil ito ang nagsisilbing susi ng pagkakaintindihan at pagkakakilanlan ng
mga tao. Dahil kapag wala tayong wika hindi tayo magkakaintindihan at magkakaisa bagamat
hindi natin nauunawaan ang ibig na iparating ng bawat isa. At dahil diyan malaki ang
posibilidad na magsisilbi itong sanhi ng di pagkakaunawaan at hahantong sa away o di kaya'y
gyera; Kung walang wika na sumisimbolo ay walang mangyayaring pagkakaisa.
Kung mayroong iisang wika ang isang lugar ay maggiging maganda ang takbo nito. sabi nga
nila, wika ang mapa ng pagkakaisa. Kung magkakaintindihan ang lahat ng tao gamit ang iisang
wika ay tiyak na walang kaguluhan o argumento, magkakaunawaan ang lahat. Ito'y nagiging
daan rin sa mabuting relasyon ng mga tao sa lipunang kanilang ginagalawan

Oo, dahil ito ang nagsisilbi haligi ng ating inang bayan ang dating bayani katulad ni Dr.Jose
Rizal siya ay isang mapaghalaga sa wikang kanyang sinilangan pinarating niya sa buong mundo
na ang wikang pilipino ay kayang pagtibayin ng sangguniang bayan magkaisa lamang at
magkaisa, ginamit niya rin ang kanyang talento sa pagsulat (Noli me Tangere at El
Filibusterismo) laban sa mga Banyangang Espanol na naghahasik ng kasamaan noong unang
panahon, sa pag- sulat ni Rizal dito nahatulan siya ng kamatayan. Kaya totoong
makapangyarihan ng wika sa anu mang aspeto o inilalarawan nito.

Para saakin ang wika ay nagsisimbolo ng kapayapaan ng ating bansa

Nagbibigay tatag sa samahan ng mamamayang Pilipino

Ang wika ay isang mahalagang bagay sapagkat dahil dito ay nagkakaunawaan ang mga tao.
Kung walang wika, walang pagkakaunawaan na maaaring maging daan sa kaguluhan.

Ang wika ay hindi lamang ang mga binibigkas nating salita kundi maaari rin nating tawaging
wika ang mga simbolo o pagsenyas na ginagamit ng mga may kapansanan tulad ng pipi, bingi,
at iba pa.
Ang unang parisukat makikita na ang ginamit dito ay Ginagamit, ito ay isang katangian ng wika
ay ang pagiging gamitin. Ito ay kasangakapan sa komunikasyon. At Masistemang Balangkas, na
nganga hulugan na nakaayos satiyak na balangkas. Nakabatay din sa balarila or grammar at
ponema, morpema, hanggang sintaks.

Ang ika -lawang parisukat makikita na ang ginagamit dito ay Binibigkas na tunog, ang wika ay
binubuo ng mga tunog. Pinagsama-samaang tunog upang makalikha ng mga salita.

Ang ika-tlong parisukat makikita na ang ginamit dito ay Masistemang Balangkas, na nganga
hulugan na nakaayos satiyak na balangkas. Nakabatay din sa balarila or grammar at ponema,
morpema, hanggang sintaks.

Ang ika- apat na parisukat makikita na ang ginamit dito ay Ginagamit, ito ay isang katangian ng
wika ay ang pagiging gamitin. Ito ay kasangakapan sa komunikasyon. At Masistemang
Balangkas, na nganga hulugan na nakaayos satiyak na balangkas. Nakabatay din sa balarila or
grammar at ponema, morpema, hanggang sintaks.

Ang Mass Media o pangmadlang kominkasyon ay iba't ibang midyum ng teknolohiya na nililikha
para sa mga tiyak na tagatanggap ng mensahe. Pangunahing layunin nito ang paghahtid ng
mensahe o impormasyon sa ppinakamaraming tao, gamit ang teknolohiya bilang daluyan o
channel ng impormasyon.

Merong tatlong uri ng Mass Media ito ang Broadcast media, Print media, at New Age Media.
Institusyong panlipunan na ang tungkulin ay maging tagapagbantay, tagamasid, taga-ulat ng
mga pangyayari sa lipunan, maging tinig ng mamamayan at tagapaghatid ng mensahe sa
kinauukulan.

Ang pangunahing wika ng mass media sa Pilipinas ay ang wikang Filipino. Ginagamit ito dahil
ito ay nasa batas, at wikang Filipino ang wikang pambansa. Itinuturo ito bilang wika sa lahat ng
paaralan sa bansa, upang matuto at magkaintindihan ang bawat Pilipino. Isa ring paraan ito ng
pagsulong sa pag-aaral nito. Kadalasan ingles din ang ginagamit sa mga telebisyon, radyo, at
mga pahayagan dahil ang wikang Ingles ay pinag-aaralan din sa mga paaralan. Dahil sa
paggamit ng wikang Filipino, mas nahihikayat ang mga tao na matuto gamit ang wikang ito
upang lumawak ang kanilang kaalaman, maging bahagi ng mga diskusyon sa mga isyu ng
bayan, at maging malay sa mga nangyayari sa bansa. Ngunit, naayon din na malaman na sa
mga probinsya na may ibang wika, iba ang programa nila sa telebisyon, pahayagan at radyo.
Kadalasan, bago ang pambansang balita, may maiksing programa sa telebisyon na nagpapakita
ng mga nangyayari sa lokal na lugar, gamit ang wika ng kanilang rehiyon. Halimbawa, may
sariling programa sa telebisyon sa Rehiyon ng Ilocos na sakop lamang ang mga probinsya dito,
at iniuulat sa Wikang Ilocano-Filipino. May mga pahayagan din sa rehiyon na ito na nasusulat
sa Ilocano na iba pa ang pamamahagi sa mga Tagalog-Filipino.

Sa panahon ngayon, ang mga kabataan ay kalimitang “updated” sa mga kulturang popular o
kilala din sa tawag na Pop Culture. Malakas ang impluwensiya ng kulturang popular sa mga tao
ngayon lalo na sa mga kabataan. Nakakatulong ang “mass media sa pagpapaunlad ng ating
wika sa pamamagitan ng kulturang popular at sa pakikisangkot nito sa globalisasyon. Katulad
ng mga pelikula at mga programa sa telebisyon, tinatangkilik na rin ng mga dayuhan ang ating
kakayahang gumawa ng mga palabas at programa na nakaaaliw at nakapagbibigay ng mga
importanteng impormasyon na nakakatulong sa pang araw araw na buhay. Bilang isang
midyum, and “mass media” ay tamang tugon para maiparating sa iba’t ibang klase ng tao ang
mga bagay dapat nilang malaman at matutunan.
Ang internet o network ay isang sistema na ginagamit nang buong mundo upang mapagkonekta
ang mga kompyuter o grupo ng mga kompyuter na dumadaan sa iba’t-ibang klase ng
telekomunikasyon katulad ng linya o kable ng telepono, satellites, at ibang komunikasyon na
hindi gumagamit ng kable(wireless) na kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay
mapaparating at mababasa ng publiko.

Ang una ay Mas Maikli, pangalawa ay Impormal at Personal, ang pangatlo ay Dinamiko o
Pagbago-bago.

Simple lang kadahilanang sa ating nababasa at nakikita sa social media kaya't tayo mga tao ay
nahihikayat sa pagbabago sa wika. Ang impluwensiya kasi ng social media ngayon ay mabigat
at katakot takot para sa ibang kabataan dahil lahat ng nakikita mo dito ay iba iba mapa-
opinyon ng isang tao, kalokohan atbp.

Iyo pa bang ginagamit ang nakagisnang wika at kulturang Pilipino? O tuluyan mo na itong
sinira, winasak, at binalewala. Ang wika ay sumasalamin sa kulturang ating kinagisnan. Sa
pamamagitan ng ng wika nakikilala ang kulturang ng isang bansa. Ngunit ng panahon,
nagkaroon din ng pagbabago sa wikang kinagisnan na maaaring magdulot ng paglimot sa
kulturang iningatan ng ating mga ninuno. Malaking tulong ang wika sa atin upang makipag-
ugnayan sa ibang tao at para mapadali ang pag-uusap. Kung wala ang wika, paano kaya tayo
magkakaintindihan, makakaunawaan sa ano mang bagay.

Sa pag-usbong ng makabagong henerasyon ay marami naring pagbabago sa Pamumuhay


ng mga Pilipino. Naging madali sa atin ang makasagap ng impormasyon sa pamamagitan ng
mga social networking sites, text message, mass media, news paper, at marami pang iba.
Halimbawa na lamang ang pagkaroon ng impormasyon ukol sa mga nangyayaring kaharasan,
kalamidad, at iba pang nangyayari sa ating bansa. Dahilan nga sa laganap na ang iba’t ibang
uri ng media mabilis tayong magkaroon ng komunikasyon sa ibang tao sa loob at labas ng
bansa. Dahil sa teknolohiya maraming mga salita na hindi nararapat na mabou sapagkat ito’y
hindi angkop sa lengwaheng nakasanayan. Dahil sa kagustohan ng mga Pilipino na mapadali
ang komunikasyon sa ibang tao kaya pinaikli nila ang mga salita. Ang pagnanais na makisabay
sa ano ang uso kaya nagdudulot ito upang mabuo ang mga salitang pabebe, jejemon, bekimon,
at iba pang mga salitang binuo ng teknolohiya. Mabilis itong kumalat o matutunan ng iba dahil
ito ay uso sapagkat laganap ang iba’t ibang uri ng media sa bansa. Ang mga salitang ito ay
hindi pormal.at nagkaroon din ng hindi pagkaunawaan sa pagitan ng taong hindi gumagamit ng
modernong wika.

Sa pagbabago ng panahon nagbabago rin ang mga Pilipino. Dahil sa tecnolohiya unti-
unting sinisira ang wika at kulturang Pilipino. kasi nakakalimutan na ng mga kabataan ngayon
ang pag galang sa mga nakakatanda gaya ng mga salitang ito “po at opo”dahil mas inuuna nila
ang pag hawak sa kanilang mga gadget. Kaya dapat natin itong mahalin,pahalagahan, at
pagyabungin dahil ito ay sariling atin.

Tinatanong ko lang naman kung paano gawin, binigay nalang sa akin agad yung File dahil
tinatamad siya mag-explain.

WAG PO KAYO TATAWID, NAKAKAMATAY.

Pag nag-huhugas ka isabay mo na lahat. 'Wag mong itatabi yung kaldero at kawali.

Kung gusto mo pala ng matinong kausap ba't ako yung kinakausap mo.

Ang Probinsyan:May kinalaman sa totoong buhay ang mga ipinalalabas nila. Napapanahon ang
kanilang mga isyu na tinatalakay. Marami kang matututunan dito at magiging bukas ang iyong
mga mata sa nangyayari sa ating bayan lalo na pagdating sa katiwalian at isyu sa droga.
Nagbibigay rin ito sa atin ng pag-asa na gaano man karami ang tiwali sa gobyerno, may mga
tao pa ring nananatiling tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin at handang ipaglaban ang
tama kahit pa ikalagay nila ito sa kapahamakan.
Na ang wikang nakagisnan natin ay patuloy ng magbabago/matatabunan dahil sa impluwensiya
ng social media, habang tumatagal ang

Na ang wikang nakagisnan natin ay patuloy ng magbabago/matatabunan dahil sa impluwensiya


ng social media, habang tumatagal patuloy na umuunlad at nagbabago ang mundo, nagbabago
rin ang paggamit ng wika sa iba't ibang sitwasyon dahil sa social media.

Ang konseptong aking natutunan ay magiging gabay sa mas malalim na pag-usisa sa nilalaman
ng social media at sa impormasyon na ibinibigay nito. Mahalaga na patuloy na suriin at
tangkilikin sa magandang paraan ang tagapaglahad ng mga impormasyon.

Ang nakikita ko lang ngayon ay; ang iba ginagamit nila ito sa mabuti at yung iba naman ay para
sa kalokohan. Alam naman natin na hindi magbabago ang mga pilipino sa ano man ang
kanilang nakasanayan, yan rin ang isang toxic mentality ng mga pilipino kayaa hayaan nalang
natin sila. Gaya nga ng sabi ko ang iba ay ginagamit sa mabuti ang social media at mass media
sa pamamagitan sa pagbebenta o tinatawag na online selling, nagagawa lang naman nila ito
dahil sa kahirapan ng buhay dahil sa Pandemyang pumasok sa ating bansa. Isa ring bagay ang
nakakatulong sa aming mga estudyante ang mapabilis ang aming gawain dahil sa social media
marami rin tayong matatanggap na aral kahit papaano.

ilang isa sa mga kabataan; Sa paanong paraanong paraan mo maipapakita ang iyong
pagpapahalaga at pagmamalaki sa ating sariling wika?

Bilang isang kabataan maipapakita ko ito sa pamamagitan ng;

1.Gagamitin ko ito sa wastong pakikipag talastasan o pakikipag usap sa kapwa ko Filipino.

2.Hihikayatin ko ang mga kapwa ko kabataan na mahalin ating sariling wika.


3.Ipapakita ko sa buong Pilipinas na dapat mas bigyan ng atensyon ang sariling wika.

4.Mamahalin ko ito ng buong puso sapagkagkat ipinagmamalaki ko ang pagiging isang Pilipino
Ko.

5.Ipapamahagi ko ang kaalaman kung paano mag salita ang isang tunay na Pilipino.

* Ang sariling wika ay mahalaga sapagkat ito ang nag bibigay daan sa pakikipagkapwa upang
magkaintindihan ang bawat isa.Ito rin ang nagbubuklod saatin at nagsasabi kung anong kultura
meron tayo.
Pumitas kami ng mga bulaklak kahapon. Gumamit tayo ng wastong pag-gamit ng "Ng" na
sumasagot sa; ano ang iyong pinitas.

Tumatakbo kami nang makita namain si Jason.Ginamitan ito ng pagtukoy sa pang-abay na


pamaraan at pag-abay na paggaano.

Namumuhay nang marangya si Bruno dahil ang kanyang mga magulang ay nagttarabaho sa
ibang bansa. Ginamitan ito ng pagtukoy sa pang-abay na pamaraan at pag-abay na paggaano.

Hanggat maari, may uunahin kong umintindi at magparaya. Ginamitan ito ng pangatnig upang
magkaroon ng makabuluhan na kahulugan ang pangungusap.

Isang magaling manggagamot ang ating kailangan hindi albularyo. Ginamitan ito ng
Pangngalan (Noun) - bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, pook o
lugar, hayop, pangyayari, damdamin, kaisipan o ideya.

Magagamit ko ang aking kakayahan sa papamagitan ng kusang/kilos loob dahil yun ay


kakayahan mong gawin at maipakita sa aking nakakasalamuha. Mamapaunlad ito sa GAWA ng
aking kilos. Bilang isang kabataan din magagamit ko ito sa pag sali sa mga paligsahan sa
pagtula at mga paligsahan na gumagamit ng sarili nating wika ngunit ang pinaka mahalaga ay
IPAGMALAKI ITO at mas pagyabungin ang kaalaman sa mga salitang may mga malalalim na
kahulugan.
Gawain2

Tubig

Masarap

Kaayusan

Narra

Lambat

Gawain4

Gawain5

Laro

Sayaw

Ganda

Aral

Lasa

Gawain1

Tinatanong

Dinadalaw

Binalita

Sulatin

Pag-bigkas
Isang Maikling Kwento ng Aking Buhay

" when pain is shared it reduce to half, when happiness is shared it is doubled."

May mga bahagi sa ating buhay na kaysarap ibahagi, mga kaganapan na pumupukaw sa ating
mga problema sa buhay, kahit isang saglit lang na kasiyahan ang nakamtan, habang buhay
naman na nagbibigay nitong ngiti sa ating mga labi…

Ngunit may mga bahagi din naman sa ating buhay na pilit nating iwinawaglit sa ating isipan,
mga kaganapan na nagdulot ng habang buhay na pagdaramdam, sakit at luha.. may
pagkakataon ayaw natin maungkat ang mga bagay na ito sa ating buhay, ngunit kung minsan
kailangan natin ibahagi, upang ang aral na dulot na ito ay kapulutan ng iba, maging
inspirasyon sa mga taong patuloy na nakakaranas ng buhay na pinagdaanan natin.

Maliit pa lang ako alam ko na salat kami sa kahirapan, 3 kaming magkakapatid at ako ay pang-
ngalawa.. isang housewife ang aking ina at ang ama ko ay ‘di na nagpa-kita ,di permanente,
kayat madalas pag walang padala ang aking pangalawang ama, pasan-pasan naming dalawa ng
aking kapatid na panganay ang responsibilidad

Isang matapang na ina ang aking nakagisnan, di mababakas sa kanyang mukha ang pagod na
kanyang nararamdaman, walang hinaing, walang reklamo, puro pagmamahal ang ipinapadama
sa amin..di sumusuko, di nagpapadaig sa mga pasakit ng kahirapan.

Wala akong maipagmamayabang na alin mang material na bagay, isa lang ang labis labis kong
ipinagmamalaki sa aking buhay, ang aking huwarang ina.
Isa lamang akong pangkaraniwang at simleng taong lumaki na may takot sa diyos,pinalaki ako
ng aking mga magulang ng may mabuting puso at kalooban.Ako yong tipong tao na kahit saan
anggulo akong tingnan ay hindi mawawala ang pagkamahiyain ko,Pag may problema ako at
may pagsubok sa buhay ay dinadamdam ko nalang.Ako yong taong masayahin,makulit pero may
tinatagong kalungkutan.Hindi ko din maitatangi na iyakin ako at magaling akong magkunwari
na hindi na nasasaktan pero sa kalooblooban ko ay gusto ko nang umiyak pero hindi ako
umiiyak na may nakakakita sa akin .Pag umiiyak ako gusto ko sa gabi para walang nakakarinig
at ako lang mag-isa.Dahil gusto kong mag-isa pag nalulungkot ako o umiiyak ako.

Ako yong taong masasabi mo na hindi binyayaan ng talento sa buhay, hindi marunong
sumayaw,kumanta ,at iba pang talento. Pero hindi ko sinasabi na hindi ako mapalad ,dahil
pinanganak akong na kuntento ako sa itsura ko,proud ako sa ugali ko,masaya ako sa boung
pagkatao ko, dahil pinanganak akong totoo.Minsan tahimik, minsan makulit, parang walang
excitement sa buhay ko.Pero sa kabila ng lahat ako ay punong puno ng pangarap sa buhay,at
hindi ako nawawalan ng pag-asa sa buhay.

Kaya ito gumawa ako ng Tula para sa aking konklusyon ng aking “Isang Maikling Kwento ng
Aking Buhay”.
Ang nakikita ko ay Isang mabuting babae na nagbibigay ng pagkain sa mga nangangailanagan

Ang kaugnayan nito sa sakasalukuyang dinaranas natin ngayon ay ang mga taong
nangangailangan ng makakain sa gitna ng pademya, mga taong hikaos sa pagkain, pera,
pangsuporta sa pamilya atbp. Maraming nag-hirap dahil sa pagpapatigil ng lahat
pampasaherong dyip, trisikel, mga tindahan kaya nararanasan ng ibang mga tao ito.

Siguro, ang magagawa ko lamang ay magbigay ng relief goods para lalong lala nasa mga
nangangailangan ganun sa 'di nangangailangan, at maging sa mga palaboy sa labas. Sa
panahon kasi ngayon 'di na pantay pantay ang antas nangpagbibigay tulong sa mga
mamamayang Pilipino, sabi narin sa balita. Bibigyan ko narin nang mga matutuluyan ang ibang
walang matutuluyan. Simple lamang ang aking nagawa subalit marami namang makikinabang
na nangangailangan..

You might also like