You are on page 1of 6

ARALIN 9

Pagpapayaman at Pag-oorganisa ng Datos: Character Sketch

LAYAG-DIWA
Gawain1: Pagsusuri sa “Botong: Mamamayan ng Angono, Pintor ng Bayan”
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang paksa ng character sketch? Sino siya?
 Ang paksa ng character sketch ay tungkol kay Carlos Modesto “Botong” V. Fransico
na tinaguriang Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1973.  Isa siya sa
bumubuo ng triumvirato ng modernismo na nagpabago sa larangan ng sining sa
Pilipinas noong namamayani ang impluwensiya ni Amorsolo. Kasama rin si Botong sa
mga nagtatag ng Thirteen Moderns noong 1938 at nagpaunlad at nagtaguyod ng
mga likhang miyural.

2. Ano-ano ang detalyeng ibinigay para mailarawan ang paksa?


Ang mga detalyeng ibinigay para mailarawan ang paksa ang sumusunod:
 Kayumangging kaligtan ang kulay ni Botong— na kung tawagin ng mga Filipino’y
maitim ang kulay ng balat.
 May likas na talino si Botong sa pagguhit.
 Bata pa’y pangarap na niyang maging pintor.
 Maaga siyang naulila sa ama kaya inaruga siya ng kaniyang Tiya Pistang, ate ng
kaniyang ina.
 Bagaman hindi nakaririwasa, hindi naman naghihikahos ang pamilyang pinagmulan
ni Botong.
 Ang lahat ng nasa kaniyang kapaligiran ay paksa para sa kaniyang pangarap.
 Hindi natapos ni Botong ang kaniyang kurso na Fine Arts.
 Laging tumutuklas sa mga bagay na bago sa kaniyang mata.
 Mahalaga kay Botong ang pananaliksik.

3. Ano ang pinakanatatanging detalye para sa iyo?


 Para sa akin, ang pinakanatatanging detalye na inilarawan sa paksa ay ang likas na
talino ni Botong sa pagguhit. Hindi lahat ay may ganitong talento. Naniniwala ako na
ang sining ay isang uri ng malikhaing pagpapahayag, isang paraan ng pagpapayaman
sa karanasan ng tao. Lubos akong napapahanga ako sa mga taong may ganitong
klase ng talento buhat ng kanilang imahinasyon at pagkamalikhain na talagang
makikita sa kanilang mga likhain.

4. Paano kaya nakuha ang mga detalye? Ano-ano kaya ang paraan ng pananaliksik para
matipon ang mga detalyeng ginamit sa character sketch?
 Nakuha ang mga detalye sa pamamagitan ng pagsaliksik tungkol sa paksa, paghanay
ng mga naobserbang datos, at pagkatapos, pinatingkad ang isang mas malalim o di-
lantad na katangian nito. Makikita na binigyang halaga dito ang pagkakaroon ng
sapat at mapagkakatiwalaan o mapapatunayang datos at mabisang pagkakaayos ng
mga ito.
 May tatlong paraan sa pagpaparami ng datos sa konteksto ng personal na sanaysay
tulad ng character sketch:
1) Paglilista
- Sa estratehiyang ito, inililista ang anomang salita o parilala na may
kaugnayan sa paksa. Hindi kailangang bigyang-paliwanag o bigyang-
katuwiran sa isip ang bawat impormasyong isusulat sa listahan.
2) Pagmamapa
- Ang pagmamapa ay tulad din ng paglilista. Ang kaibahan lamang, mas
naipapakita sa estratehiyang ito ang koneksyon ng mga detalye o aytem
sa listahan sa isa’t isa.
3) Malayang Pagsulat
- Ang malayang pagsusulat ay tuloy-tuloy na paglilista ng mga detalye sa
anyong patalata. Mahalaga sa estratehiyang ito ang mahigpit na
pagsunod sa wastong proseso.
 Makikita na ang ginamit na paraan sa pagtipon ng mga detalye sa character sketch
ay malayang pagsulat, sapagkat inilista ang mga detalye sa anyong patalata.

5. Paano isinaayos ang mga detalye?


 Isinaayos ang mga detalye sa paraang orasan sapagkat ito ay may tiyak na galaw.
Ang mga detalye ay nagsimula sa pinakaunang naganap na sinundan ng iba pang
detalye o pangyayaring lumitaw o naganap ayon sa daloy ng panahon. Makikita na
nagsimula ang character sketch mula sa pagkabata ni Botong hanggang sa siya ay
pumanaw, na dinagdagan ng iba pang mga detalye.

6. Ano ang kakintalang dinebelop sa sanaysay tungkol sa paksa?


 Sa paksang ito, pinakita na si Bontong ay hindi lamang simpleng pintor na lumilikha
ng magagandang paintings, kundi pinakita niya rin ang pagpapahalaga sa diwa bilang
isang Pilipino. Una, para sa isang alagad ng sining, ang kapaligiran ang kaniyang
inspirasyon. Binuhay niya ang magagandang kapaligiran ng ating bayan upang
maging pruweba at paalala sa susunod na henerasyon. Pangalawa, sa mga tradisyon
at kultura, ipinakita niya ang sama-sama at aktibong pagtutulungan at pagkilos ng
mga taga-Angono, upang ang mga pagdiriwang na ito ay mairaos at magpatuloy
hanggang sa ngayon. Tulad na lamang sa BAYANIHAN, isa sa kaniyang tanyag na
painting, hinahamon tayo na muling bumangon, sama-samang kumilos upang
umahon sa pagkakalugmok. Muling harapin ang kinabukasan nang matatag,
optimistiko at may paninindigang magtatagumpay sa patnubay ng Poong Maykapal.
Pangatlo, iniwan sa atin ni Botong ang tiwala at pagmamahal sa ating pagka-Filipino.
Sa kabuuan, binahagi niya sa atin ang pagiging makabayan at pagkakarooon ng
malasakit sa kalikasan gamit ang ganiyang mga likha.

7. Bakit kaya napili ang paksang ito? May kabuluhan ba ang paksa sa lipunang Pilipino?
 Sa aking palagay, napili ang paksang ito upang mamulat ang mga Pilipino sa buhay ni
Botong Francisco at ang mahahalaga niyang ambag sa pagpapaunlad ng sining at
panitikang Pilipino. Alam natin na mahalagang pumili ng paksa na makabuluhan sa
lipunan. Matutunghayan sa character sketch na ito ang mahahalagang mensahe at
aral na mapupulot sa kwento ni Botong Francisco. Isa na rito ang pagpapahalaga sa
ating kalikasan, kultura at tradisyon. Bukod dito, higit na dumami ang samahan ng
mga pintor lalo na sa Angono, na lumilinang at sumisinop sa pinagsimulan ni Botong
na pagbibigay ng sariling tatak sa ating pagkabansa. Ang kaniyang kwento ay hindi
kaduda-dudang nagbigay inspirasyon sa marami, hindi lamang sa mga kapwa-pintor
kundi sa mga mamamayan ng Pilipinas.

8. Bukod sa paglalarawan kay Botong, ano-ano pa ang naipapaliwanag at napatutunayan


ng character sketch na ito?
 Bukod sa paglalarawan kay Botong, napatunayan ng character sketch na ito ang
kakanyahan o kahalagahan ng pagiging makabayan nating mga Pilipino. Pinakita ni
Botong ang kaniyang pagmamahal sa bayan gamit ang kaniyang mga pinta—pinili
niyang maging myural at kuwadro ang kanbas ng kasaysayan ng Pilipinas. Nais niya
ring maisabuhay ang ating mga kultura at tradisyon, kung kaya’t pinili niyang isama o
gawin ang mga ito bilang subject sa kaniyang paintings. Kasabay nito,
ipinipahihiwatig din na kapag malakas ang ugaling makabayan ng mga tao, maaaring
mabigyan ng inspirasyon ang iba para gawin ang parehas sa bansa. Kung maitatanim
ang pagiging makabayan sa karaniwang mamamayang Pilipino, kaya natin gumawa
ng maraming mabuting bagay para sa bansa.  Sa huli, ang responsibilidad ay nasa
atin dahil ang pagbabago ng bansa ay nagsisimula sa ating pagkatao. Maipapakita
natin Maipapakita natin ang pagkamakabayan kung ipapakita rin natin ang
pagmamahal sa sariling atin.

9. Paano naging makabuluhan ang character sketch na ito sa lipunang Pilipino?


 Masasabi kong naging makabuluhan ang character sketch na ito sa lipunang Pilipino
sapagkat naimumulat nito ang mga Pilipino tungkol sa pagpapahalaga sa ating bansa
at sa ating pagka-Pilipino. Binigyang-diin ang pagpapanatili ng ating tradisyon,
kultura maging ang kapaligiran o kalikasan gamit mga likha na myural o paintings ni
Botong. Marami ang nabigyan at patuloy na nabibigyang inspirasyon sa kaniyang
kwento at ang kaniyang mahahalagang ambag sa sining at panitikang Pilipino.

LAMBAT-LIKHA
Gawain 2: Sumulat ng isang simpleng tula tungkol sa sarili.

Bagong Reyalidad
Matatagpuan…
Kulay asul na face mask, kasalukuyang pangangailangan
Nakayuping face shield na hindi nagagamit
Ethyl Alcohol na nasa kalahatian ang laman
Nakatuping panyo na mala-rosas ang amoy
Makulay na pitaka, naglalaman ng dalawang tig-500 piso
Lumang I.D. noong junior hayskul
At bagong I.D. ngayong senior hayskul
Itim na payong, pinagtagpi ang butas gamit ang sinulid
Mamahaling lip gloss mula sa ibang bansa,
Pinapakintab ang aking mga labi, kulay rosas ang tinta
Mga hamon sa bagong reyalidad,
Ano ang patutunguhan?
Aking ikinukubli ang mga bawat panaghoy
Sa aking sarili, patuloy pa rin ang daloy.
Lalaban nang may pag-asa
At ngayo’y tatahak, lalandasin ang bagong simula.

You might also like