You are on page 1of 4

BEED 2-B

MODYUL I BATAYANG KAALAMAN SA PAGTUTURO NG PANITIKAN

Aralin 1 Ang Panitikan


Gawin:

1. Isulat ang iyong sariling pagpapakahulugan sa panitikan.

Ang panitikan ay pasalin-dila o pasulat ng mga kaisipan, damdamin,


karanasan at diwa ng isang tao. Naglalaman ito ng mga salitang pinagsama-
sama. Halimbawa nito ay ang mga epiko, bugtong, tula, maikling kwento at
maraming pang-iba.

2. Sa kasalukuyan, bakit kailangang maunawaan at mapahalagahan ng mga


kabataan ang ating panitikan?

Kailangan maunawaan at mapahalagaan ng mga kabataan ang ating


panitikan sapagkat ito rin ang isang paraan upang mapaunlad at mapanatili ang
kultura ng ating bansa at upang maliwanagan ang bawat kaisipan ng bawat tao
sa mga bagay-bagay na pinaghirapan ng ating mga ninuno. Ang mga kabataan
ay maaaring makagawa rin ng isang panitikan na napapanahon.

3. Bigayan-katwiran ang layunin ng pag-aaral ng panitikan ayon sa itinatakda ng


CHED.

Ang layunin ng CHED sa pag-aaral ng panitikan ay napakahalaga sapagkat


kailangan ng bawat indibidwal na malinawan at mahasa ang kanilang kaisipan
sa panitikan. Dahil ang panunulat ay maaari rin maging isang sandata upang
maprotektahan at mapahalagaan ang ating kultura lalong-lalo na ang ating
bansa.
BEED 2-B

Aralin 2 Ang Mga Akdang Pampanitikan

Gawin:

Sa iyong palagay, alin sa mga akda ang tunay na nakaimpluwensya sa ating


panitikan? Ipakita sa pamamagitan ng dayagram.
BEED 2-B

Aralin 3 Ang Mga Kasangkapang Pampanitikan  na Nagbibigay-anyo sa Akda

Gawin:

Ipaliwanag sa iyong sariling pananaw ang mga sumusunod:

1. Kasangkapang panretorika
Tumutukoy sa sining ng kaakit-akit na pagsusulat at pananalita ng
mananaysay o mananalumpati. Napakahalaga nito sa pang araw-araw dahil ito
ang isang pamamaraan upang magkaroon ng komunikasyon at interaksyon na
siyang daan upang mag kaintindihan ang bawat indibidwal

2. Kasangkapang pansukat
Tumutukoy sa pamamaraan ng pagsusulat at pananalita kung saan ang
bawat pangungusap o salita ay may saktong bilang at taludtod, katulad na
lamang paggawa ng tula, kanta at iba pa.

3. Kasangkapang metaporikal
Ito ay isa sa pamamamaraan ng mananalita o manunulat upang mahasa
at mapalawak ang kaisipan ng mga tagapakinig o tagabasa. Gumagamit ang
manunulat o mananalita ng salita at inihahambing ito sa ibang bagay katulad
nalang ng salitang “Pagong” ang pagong ay kilalang mabagal maglakad at ito ay
may matigas na talukap. Kung gagamitin ito sa pangungusap “Si Ben parang
pagong kung kumilos” ibig sabihan mabagal o matagal kumilos si Ben.
BEED 2-B

Aralin 4 Mga Dulog sa Pagsusuring Pampanitikan

Gawin:

1. Sa iyong palagay, ano na ang antas ng feminismo sa ating bansa? Magbigay ng


mga tiyak na halimbawa.
Ang antas ng feminismo sa Pilipinas ay patuloy pa rin umuunlad dahil
marami na rin ang naipatupad na mga batas katulad ng Republic Act 9710 na
nangangalaga sa mga kababaihan sa ating bansa. Gayunpaman, marami pa ang
dapat gawin upang mabawasan ang diskriminasyon sa ating bansa at mabigyan
ng pantay na karapatan ang mga kababaihan sapagkat marami parin ang mga
kababaihan hindi nabibigyan ng pantay na karapatan at pang-aabuso.
2. Magbigay ng halimbawa ng romantisismong tradisyunal at romantisismong
rebolusyunaryo.
Romantisismong Tradisyunal - Ang sinulat ni Dr. Jose Rizal na Noli Me
Tangere at El Filibusterismo. Sa kanyang sinulat, minulat niya ang kaisipan ng
kanyang kapwa Pilipino sa kaharasan ng mga kastila at dahil din sa mga salita
at sulat na kanyang sinulat o inihayag ay nabigyan kalayaan ang ating bansa
Pilipinas. Ang tauhan na si Chrisostomo Ibarra ay gusto maghiganti o maipakita
ang pagmamahal niya sa kanyang kapwa.
Romantisismong Rebolusyunaryo – Aloha ni Deogracias A. Del Rosario
kung saan ang dalawang taong tauhan pinagpilitan ang kanilang pagmamahalan
upang sa pansariling kaguso kahit na pinagbabawal ito ng kanilang magulang
dahil magkaiba sila ng pinagmulan ng lahi.

You might also like