You are on page 1of 2

“Larawan”

Saya at lungkot iilan lamang sa mga emosyong dulot ng isang makulay na bagay

na gawa sa papel na maihahalintulad sa alaala na hindi lumilipas, nagiiwan ng marka

hindi lang puso maging sa isipan ng bawat indibidwal. Isang makulay na papel maaring

parisukat, parihaba o ano mang naisin na hugis. May napakagandang replika, isang

replika na makasaysayan.

Hindi mapigilan ang paglaganap ng teknolohiya sa ating panahon, kasabay nito

ay ang mga kakaibang mga termino na tila naglalaro sa mga kabaatan halimbawa na

lamang ang salitang selfie na sa madaling salita ay ang pagkuha ng larawan maaring

sa sarili o pangkaramihan. Ito ay kalimitang makikita sa mga social media na kung saan

maaring magbigay ng komento.

Ang mga nakakatuwang larawang ito ay makikita din sa mga kanya kanyang

tahanan na nakasabit sa ding ding o naka display. Sa madaling salita ito ay isang

napakagandang palamuti na nagbibigay ng isang galak sa puso ng taong mga

makakakita ng mga larawang ito.

Simbolo ng nakaraan ang bawat mga larawan na nasasaksihan ng ating mga

mata, bagaman makabago ang paraang ito hindi maitatanggi na ito ay may malaking

ambag sa pagkatao ng bawat indibiduwal. Itinuturing kayamanan ng ilan ang larawan

sapagkat ito ang paraan upang maalala ang isang masayang pangyayari sa buhay ng

isang tao.
Nakakatulong ito upang maibsan ang lungkot o lumbay ng mga taong malayo sa

mga mahal nila sa buhay. Gaya na lamang ng mga magulang na nasa ibang bansa na

nagtratrabaho para sa ikakabuhay ng pamilya.

You might also like