You are on page 1of 1

1. Ano-ano sa palagay ninyo ang layunin sa pagkakasulat ng may-akda?

Sagot: Ang layunin sa pagkakasulat ng akda ay iparating sa ibang tao na kahit maraming alam
o sinasalitang wika ay hindi dapat kalimutan ang kanyang unang natutunang wika.
Ipinahihiwatig din dito na kahit matuto ka ng isang wika ay dapat gamitin mo pa din ang
iyong sariling wika, dapat naaayon ang iyong pagsasalita tulad na lamang kung nasa pilipinas
ka ay dapat wikang pang Filipino ang iyong sasalitain at ang pagsasalita ng isang lenggwahe
ay naaayon din sa iyong kausap.

2. Ipaliwanag ang panlipunang konteksto sa pagkakasulat ng akda.

Sagot: Ang panlipunang konteksto sa pagkakasulat ng akda ay noong si Miss Pathupats ay


natuto ng ibang lenggwahe na nagpaiba sa kanyang pagkatao kaya ang tingin sa kanyan ng
kapwa kapampangan ay ibang lahi siya. Kaya noong siya ay nakapagsalita ng kapampangan
ay panglalait ang kanyang natanggap sa ibang tao, ditto ipinakita ang panlipunang konteksto
dahil makikita na malaki ang epekto ng pagbabago ni Miss Pathupats sa sarili at sa buong
bayan dahil ang kanyang ipinakita ay isang malaking kasinungalingan kaya’t siya ay
pinagtatawanan ng marami.

3. Paano naging kritisismong panlipunan ang akda ni Soto?

Sagot: Naging kritisismong panlipunan ang akda ni Soto dahil sa mga nangyayar sa ating
lipunan, mga nakikita na nag-iiba sa ating paligid. Ang ipinakita sa akda ay dapat ang ating
pinagmulan ay hindi dapat limutin ng isang tao ang kanyang nakaraan dahil ito ang magsisilbi
niyang aral at gabay sa kanyang hinaharap. Kung magtagumpay ka man sa buhay kailangan
mong magpakumbaba at pasalamatan ang mga tao at bagay sa likod ng iyong tagumpay.

You might also like