You are on page 1of 1

Mc Aldrin A.

Gaspar
STEM 12 – St. Elizabeth

Replektibong Sanaysay:
“SUNOG SA NAVOTAS CITY”

“Lima ang natalang patay sa sunog sa Navotas City”. Ito ang balitang naitala sa DZ
DOBOL B T.V, ni Benjie Liwanag, ang reporter sa balitang iyon. Isang naglalagablab na
malaking apoy na sumakop sa buong Barangay Bagumbayan North, Navotas City. Ipinapakita
dito ang pagkakaroon ng Panganib sa sunog sa kahit saang lugar dito sa Pilipinas.
Ayon sa balitang aking nasaksihan at napakinggan, gabi nang mangyari ang sunog sa
Barangay Bagumbayan, sinasabing ang dahilan ng sunog ay ang napabayaang bentilador
(electric fan) ng isa sa mga bahay sa Barangay Bagumbayan North, dahil gawa sa light material
ang mga kabahayan, mabilis na gumapang ang sunog at nahirapan ang ating mga bumbero sa
pag-apula nito. Dagdag pa natin ang lokasiyon ng mga kabahayan na malapit sa dagat na tila ba
ay mas lalong pinapalakas ng hangin ang naglalagablab na apoy. Ayon sa kapitan ng Barangay,
“Halos limang oras ang itinagal ng sunog sa Barangay Bagumbayan North”. Bandang ika-siyam
na ng gabi nang magdeklara ng fire out ang Bureau of Fire Protection (BFP). Naitalang limang
tao ang namatay sa sunog, at humigit 280 pamilya ang nawalan ng tirahan ayon sa awtoridad.

You might also like