You are on page 1of 1

Riza C.

Agabao
12 STEM St. Elizabeth
REPLEKTIBONG SANAYSAY

“LIBRENG SAKAY SA EDSA CAROUSEL”

Sa panahon ngayon, ang mga gasolina ay sobrang mahal.


Lingid sa kaalaman natin, karamihan sa atin ay nais maka libre
ng pamasahe, lalo na sa mga nag ta-tarabaho. Ang pag kakaroon
ng libreng sakay ay malaking tulong para sa mga kapos sa
badyet o pera at mga taong sumasakay araw-araw papunta sa
kanilang mga trabaho.
Ayon sa 24 oras na balita, noong panahon ng pandemya
ipinatupad ng Department of Public Transportation ang libreng
sakay mula 11am – 11 pm.Isinagad ng Department of Public
Transportation ang pondong 1.4 bilyong piso para sa libreng
sakay.Kaya ngayon ay mag kakaroon na ng 24 oras na libreng
sakay bilang pamasko sa mga sumasakay sa EDSA bus carousel
sa huling dalawang linggo ng disyembre.
Mayroong mga commuters na hindi nakakaabot sa libreng
sakay, dahil ang labas sa kanilang trabaho ay 12 am, kaya noong
nalaman nila na 24 oras na ang libreng sakay ay labis nila itong
ikinatuwa.
Sa pag kakaroon ng libreng sakay ay hindi parin mababawasan
ang traffic sa EDSA. Ngunit, maraming matutulungang tao sa
pagkakaroon ng libreng sakay.Mas makakatipid ang mga tao
lalo na’t ang mga bilihin ngayon ay parang ginto, mahal. Alam
naman natin na karamihan saatin ay pinagkakasya lamang ang
badyet upang may pamasahe. Kaya napakalaking tulong para sa
isang tulad ko na mamamayan ang pag kakaroon ng libreng
sakay.

You might also like