You are on page 1of 1

Lakbay sanaynay sa Parang Hills,Dilasag, Aurora

Sa buong linggo ng pag-aral sa Iskuwelahan masasabi kong ang pag punta sa Parang Hills ay isa sa mga
lugar na pwedeng puntahan para ipahinga ang aking isipan. Ito yung lugar na malayo sa gulo at
Problema. Hindi lamang isa o dalawang beses ko itong napuntahan. Mula sa malayo papupunta pa
lamang dito ay makikita na ang kagandahan nito. Ang parang hills ay dilaw na bundok na puro lamang
halaman at damo ngunit meron namang iilan na mga puno ang makikita sa taas ng bundok at sa gilid ng
dagat.

Hinde ko makakalimutan ang unang punta ko sa lugar nato. Umaga nang una akong makapunta sa
Parang,nagkayayaan lamang kaming mag kakaibigan kaya ako na punta dito.Sa pag-akyat ko palang sa
bundok ay nadadama ko na ang sariwa at malamig na hangin napansin ko rin ang malinis at malulusog
na mga halaman. Mula sa Silangan matutunghayan ang nakakabighaning pag sikat ng haring araw sa
karagatan. Mayroong naka paskil dito ng babala na may parusa o may multa ang pag bunot ng mga
halaman dito, ito ay isang sinyales na pinapangalagaan ito ng gobyerno. Hinde lamang ako ang mahilig
pumunta dito marami ding tourista at ibang tao na pumupunta dito. Sa gilid naman ng dagat ay
pwedeng manuod sa mga hampas ng alon kaylangan lamang mag ingat at huwag lalapit sa himahagupit
na alon bukod pa dito makikita din ang mga malalaking mga bato at pader na may bukal na malamig at
sariwang tubig na pwedeng inumin. Maraming magaganda at nakakamanghang mga bagay sa Parang
Hills para sakin isa ito sa mga paraisong hinding-hindi ko makakalimutan.

You might also like