You are on page 1of 6

Fil 102: Pagbasa at Pagsulat sa Ibat-ibang Disiplina

KONSEPTO, KALIKASAN, KATANGIAN AT TUNGKULIN NG WIKA

Layunin:

Malaman ang konsepto ng wika batay sa ibat-ibang dalubwika.

Malaman ang kahalagahan ng wika.

Matukoy ang tungkulin at katangian ng wika.

KONSEPTO AT KALIKASAN NG WIKA

Ano nga ba ang wika?

Ang wika ay mahalagang kasang kasangkapan sa buhay. Ginagamit natin ang


wika upang ipahayag ang saloobin, damdamin at kaisipan. Ginagamit ang wika sa
pakikipagkomunikasyon sa kapwa tao. Wika ang daluyan ng komunikasyon.

Nabubuo ang wika bilang pananagisag sa mga bagay at ideya na binibigyan ng


kahulugan, kabuluhan at interpretasyon na pumapasok sa mekanismo sa isipan ng tao.
Habang lumalawak ang karanasan ng tao, lumalawak din ang kanyang kamalayan at
kaalaman mula sa pangyayari at mga bagay na nakikita, nahahawakan, naiiisip,
nararamdaman, nabibigyan ng kabuluhan at kahulugan.

Konsepto ng wika batay sa ibat-ibang dalubwika

“Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na binigyan ng mga


simbolo at hinugisan ng mga letra upang makbuo ng mga salita” (Henry Gleason)

“Lumilitaw ang wika bilang tugon ng mga tao sa mga naririnig sa kalikasan
particular ang mga malakas at nakayayanig na mga pangyayari sa kapaligiran.”
(Giambattista Vico)




“Ang wika ng tao ay nakatali sa resonansa ng kalikasan.” (Johann Gottfield


Herder)

“May koneksyon ang wika sa kalikasan na kaakibat ang galaw, damdamin o


emosyon ng tao. May malalim na pag-unawa sa koneksyon ng katawan sa pag-iisip ng
tao.” (David Abram)

“Ang wika ang pinakaboses ng mga puno, alon at kagubatan” sa kanyang


akdang The body of expression and speech. (Merleau-Ponty)

“Naipapahayag sa wika ang kaugalian, isip at damdamin ng bawat grupo ng mga


tao at maging sa larangan ng kaisipan, ang wika rin ang impukan - kuhanan ng isang
kultura. (Zeus Salazar)

Tungkulin at Katangian ng Wikang Filipino

1. May Sistematik na Balangkas

Ang pag-aaral sa pagbuo ng wika ay tinatawag na morpolohiya. Ponema ang


pinakamaliit na yunit ng tunog. Mula sa salitang ugat, sa pagsasama-sama ng mga
panlapi at salitang ugat ay nagkahugis, nagkaforma at nalikha at nalikha ang salita
ng ating wika.

2. Buhay at Dinamiko

Patuloy na nadaragdagan an gating wika dahil sa paglikha, pagsasalin,


panghihiram, pag-usbong ng teknolohiya at mga imbensyon. Ayon sa mga tala, ang
Filipinong wika ay may mahigit-kumulang na tatlumpung libong salitang-ugat
(30,000) at pitong daang (700) panlapi na nagamit o ginagamit sa pagpapalawak/
pagpaparami ng ating wika.

3. Tunog na Binibigkas

Ponolohiya ang tawag sa pag-aaral ng tunog. Ponema ang tawag sa


pinakamaliit na tawag say unit ng tunog. Mahalagang banggitin na ang tunog sa
bawat titik ng salita ng anumang wika ang kauna-unahang dapat makilala ng isang
batang nagsisimulang magsalita. Mahalaga ito upang mabigyan ang bata ng tamang
pagkilatis ng bawat tunog na napapakinggan at kung paanong ang isang tunog ay
naiiba sa iba pang tunog. Kapag nagawa ito ng bata, madali at mabilis ang kanyang
pagkatuto.

Sinasabing makabuluhan ang tunog kung napakagpapaiba ito ng kahulugan ng


isang salita. Tinatawag ang makabuluhang tunog na ponemik.

Halimbawa:

Bisa (talab) visa (pasaporte sa paglabas ng bansa)

Bapor (ship) vapor (hamog o sabstans ng hangin)

Port ( daungan) fort (kuta)

Pad (papel) fad (fashion)

Kapag hindi nabago ang kahulugan ng salita ito ay tinatawag na ponetik.


Bagama’t magkaiba ang isa o higit pang titik ng mga salita sa bawat linya, hindi
nagbabago ang mga kahulugan nito.

Halimbawa:

Kape-café

Ponetik-fonetik

Berde-verde

Keso-quezo

Asul-azul

Taksi-taxi










Bintana-ventana

Pista-fiesta

4. Pinili at Isinaayos

Kasiya-siyang pakinggan at basahin ang mga pangungusap o pahayag na


maayos ang pagkasabi o pagkakasulat. Makinis, mabisa at wasto ang pagkapili sa
mga salita. Hindi lamang ang siyensya ng lingwistiks, maging ang retoriks ay dapat
na isinaalang-alang ng isang nagsasalita o nagsusulat upang maging katanggap-
tanggap ang anumang sasabihin o susulatin. Walang lugar ang “balbal” na salita sa
isang pormal na pag-uusap o sulatin.

5. Kabuhol ng Kultura

Ang lingwistika at antropologo ay kumikilala sa kahalagahan ng wika sa kultura


at tao. Ang lenggwahe ang repleksyon ng reyalidad. Para kina Sapir at sa kanyang
mag-aaral na si Benjamin Whorf, nadedetermina ng lenggwahe ang kultura. Sa
teoryang Sapir-Whorf sinasabi nilang ang mga tao na kabilang sa ibat ibang kultura
ay may iba-ibang pananaw sa mundo sapagkat lumikha sila ng ibat-ibang
katawagang panglingwistika na nagbibigay kahulugan sa kanilang pananaw.

Isang elemento ng kultura ang lenggwahe na nagagamit sa lahat ng pantaong


relasyon. Sabi ni Andy Clark, ang lenggwahe ay isang kultural “artifact” hindi
lamang ito gamit sa tao-sa-taong interaksyon kung hindi sa pagbibigay ng mga
kahulugan, pagrerepresenta ng halos lahat ng ideya.

6. Arbitraryo

Lumitaw ang wika ayon sa napagkasunduuang gamit ng tao sa loob ng kanilang


pamayanan. Maaaring iba nag kahulugan ng isang salita sa isang lugar kaysa sa
ibang lugar. Dahil iba-iba naman ang pinagmulan ng mga grupo ng tao, particular


ang mga minoryang grupo, may nakagisnan na silang katawagan para sa mga
bagay-bagay.

Halimbawa:

Magandang umaga sa Tagalog

Maupay nga aga sa Waray

Maayong buntag sa Cebuano

7. Pantukoy na Ginagamit

Kailanman ay hindi huminto ang tao sa pagtatamo at pagdaragdag ng


salitang kailangan niyang matutunan o di sinasadyang kaniyang natutunan.
Bilang isang indibidwal sa lipunan, patuloy siyang nagungusap, nakikipagpalitan
ng ideya o kuro-kuro. Naipahahayag niya ang kanyang damdamin. Ginagamit
niya ang kaniyang wika upang matugunan o masagot ang pangangailangan ng
sarili, ng kanyang propesyon at pakikipamuhay sa kapwa. Sa pamahalaan ay
mahalaga kasangkapan ang wika- ang mga batas,deskreto, memo, propaganda
at tagubilin ay gumagamit ng wika upang mapasunod ang mga mamamayan.

Sa lipunan, dahil walang patid ang galaw ng buhay, ang wika ang
nagsisilbing tulay ng pagkakaunawaan.

Sanggunian:

Austero, C. et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Sta. Mesa, Manila:


Rajah Publishing House. 2012.



Inihanda ni: Madsal G.Martinez

You might also like