You are on page 1of 1

Colegio de San Gabriel Arcangel, Inc.

Founded 1993
Area E, Fatima 1, Sapang Palay, City of San Jose del Monte,
Bulacan Recognized by the Government: DepEd, TESDA and CHED
PACUCOA Accredited – Level 1 Status
 Telefax No. (044) 7600-301 /  0915-810-5686

READING REPORT sa GEE 01 DALUMAT


Petsa: October 6, 2022
Ang pamagat ng libro/artikulo na nabasa ko ay: SI PILANDOK AT SI SABANDAR
SALAYSAYIN NG MGA MARANAW
SI PILANDOK AT SI SABANDAR
         Nang si Somuson sa alangan ay dinala sa palasyo. Nag utos ang ama niya na patunugin ang gong.
Mabilis na nagdatingan ang mga sakop. Laksa-laksa ang dumating kung kaya't umaalimbukay ang daan.
Ang pinakatuso sa mga sakop ay nagpakilala at nagtanong. " Ano ang utos ng Sultan?" "Lumakad kayo't
hanapin si Pilandok. Ang taong pisak ang isang mata. Dalhin siya rito." "Ang inyong pinag-uutos ay
masusunod" Tugon ng pinakatusong sakop Humayo ang mga sakop upang hanapin si Pilandok na pisak
ang isang mata. Ang ilan ay pumunta sa kanluran. Ang iba sa silangan. Ang ilan sa hilaga at ang Iba naman
ay sa timog. Samantala, Narinig ni Pilandok ang utos ng Sultan subalit hindi siya natakot. Naupo siya sa
ilalim ng malaking puno kung saan may nakapalupot na ahas . Di nagtagal dumating si Sabandar. Ang
nakababatang kapatid na lalaki nang Sultan. "Papatayin kita" wika ni Sabandar" "Bakit?" Tanong ng
nahihintakutang si Pilandok "Wala akong ginawang masama." " ka" sabad ni Sabandar "Kamuntik mo nang
mapatay si Somuson sa alangan" "Nagkakamali ka" tugon ni Pilandok. "Dalawa ang Pilandok sa kahariang
ito, si Pilandok sa mataas na laot ay pisak ang isang mata. Tingnan mo ako. Hindi ako bulag" Pinagmasdan
mabuti ni Sabandar si Pilandok "Tama ka" wika niya "Hindi pisak ang Isa mong isa mong mata pero ano
ang ginagawa mo rito?" Binabantayan ko ang itim na sinturon ng Reyna". "Pwede ko bang isuot yan?"
Tanong ni Sabandar. "Naku,hindi puputulin ng Reyna ang ulo ko" "Ibibigay ko lahat ng pag aari ko saiyo
kung papayagan mo akong isuot ang itim na sinturon" pilit ni Sabandar. Yan din lamang at mapilit ka,
papayagan kita pero pakawalan mo muna ako, mahuhuli ako rito ng mga guwardiya ng Reyna". Kaya
nakuha ni Pilandok ang mga pag aari ni Sabandar at mabilis itong tumakbo palayo. Nang malayo na ang
nalalakbay, kinuha ni Sabandar ang natutulog na ahas at ipinulupot ito sa kanyang beywang nagising sa
pagtulog ang ahas, hinigpitan ng ahas ang pagkapulupot kay Sabandar hanggang sa huli ay namatay.
Pagkaraan nito ay gumapang ang ahas patungo sa malapit na gubat upang ipagpatuloy ang pagtulog.
LOGIC NG AUTHOR:
         Ang kwento na Si Pilandok at si Sabandar ay nagpapakita ng asal ng paglilinlang ng kapwa upang makuha
ang kagustuhan, ngunit sa kabila ng panlilinlang ng kapwa ay may kapalit itong kaparusahan.
LOGIC NG MAGAARAL:
          Bilang isang magaaral hindi ako manlilinlang ng kapwa o gumawa ng masama, Hindi din ako basta basta
magbibitaw ng salita, mang bibintang ng kapwa at mananakit kung wala akong sapat na ibidensya. Magiging
maingat ako sa lahat ng aking gagawin upang hindi makapahamak ng kapwa.
PAANO MO IAAPLAY ANG MISSION AT VISION NG PAARALAN SA KWENTO?
         Bilang isang Gabrielan magiging isang magandang halimbawa ako sa iba. Magiging disiplinado ako, maka
diyos, gagawin ko ang tama at magiging responsible sa lahat.

Student Professor/Instructor

You might also like