You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL

LAGUMANG PAGSUSULIT - (Written Work 1)


FILIPINO- BAITANG 7_Unang Markahan- Unang Linggo
KOMPETENSI: F7PN-LA-B-1/F7WG-LA-B-1/F7PN-LC-D-2/F7PN-LC-D-2

PANUTO: Basahin ang teksto at unawaing mabuti.

Si Usman, ang Alipin


(Kwentong-Bayan)
Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman.
Pinaniniwalaangnananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin. Matapang, matas
aT kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat. Isang umaga, nagpasiya si Usman na
bumisita sa palengke malapit sa palasyo ngnamumunong sultang nagngangalang Zacaria.
Masama ang ugali ni Zacaria. Siya’ymalupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap
ang kanyang anyo, nagsagawasiya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa
kanyang anyong pisikal aydapat kitlin at maglaho.Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan
ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-ulat angmga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na
sa tingin nila’y mas makisig kaysasa sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si Usman
at pagkatapos ay patayinito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang kautusan ng sultan.Nang
Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay nakadama siyaagad ng pag-
ibig sa unang pagkikita nila ng binate. Nagmamadali siyang pumunta sa kanyang amang sultan
at nagmakaawang patawarin at pakwalan si Usman.
“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,”
ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama. Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa
pagsusumamo ng kanyanganak.
“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili
.“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita ngunit
hindisiya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang kamatayan
nglalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga mensahe sa mga guwardiya
ngunit ang lahat ng ito’y ipinaparating nila sa sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galitang
sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasitaay ikulong
din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina
Usmanat Potre Maasita. Higit na tumitindiang pagmamahalan nila sa isa’t isa. Sa panahong
iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng sultanpara sa kanila. Habang
nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa,biglang lumindol nang
malakas. Yumanig sa palasyo at nagiba ang pook. Napulbos angbuong palasyo.Isang malaking
bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaangpagkamatay. Isa itong
malupit na kamatayan para sa malupit na tao.
Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalya mula sa
bilangguan.Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa kidlat
niyangtinutulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang dako, tumutulong din
siPotre Maasita sa mga naulila at mga nangangailangan ng tulong at pagkalinga.
PANUTO: Maghinuha sa kaugalian at kalagayang Panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong bayan batay sa mga pangyayari o usapan ng mga tauhan. Titik lamang ang isulat
sa sagutang papel.

1. Sa halip na pagbigyan ang anak ano ang ginawa ng Sultan?


a. Hinayaan niya ang anak sa gusto nito.
b. Pinalayas niya ang kanyang anak.
c. Ipinakulong ng Sultan ang anak.
2. Paano ilarawan ang Sultan bilang ama?
a. Malupit na ama b. mainggitin c. makasarili d. lahat ng nabanggit
3. “ Para mo ng awa, Ama, pakawalan mo si Usman, wala po siyang kasalanan, ang
pagmamakawa niya sa ama. Mahihinuhang si sultan ay…
a. Matigas ang kalooban b. mapaghiganti c. mapagtimpi
4. Dahil hindi matanggap ng Sultan ang kanyang hitsura,nagpatupad siya ng kautusang ang
lahat ng lalaki na nakahihigit sa kanyang pisikal na anyo ay patayin. Mahihinuha sa
pahayag na ito na ang Sultan ay…
a. Malapit sa kanyang mga tauhan
b. Masipag at mapagmalaki ang sultan
c. Kinatatakutan at sinusunod ang kapangyarihan ng Sultan.
5. Sinubukan ni Potre Maasita na gumawa ng paraan upang mapigilan ang kamatayan na
labis niyang iniibig.mahihinuha sa ginawa ng dalaga na….
a. Malakas ang kanyang loobat hindi basta siya sumusuko.
b. Matatakutin at madaling sumuko.
c. Mapaghiganti siya at mahigpit kung kinakailangan.
6. Ang binatang si Usman ay pumunta sa palengke malapit sa palasyo ng
sultan.mahihinuhang ang lugar ng sultan ay…
a. Mas maunlad at mas malaking palengkeng dinarayo ng mga tao.
b. Katatagpuan ng kayamanan at mahalagang pilak.
c. Ginawang pasyalan ng mga tao.

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti.

Ang Lungsod ng Tagbilaran ay isang pangalawang uring (2nd


class) bayan sa lalawigan ng Bohol, Pilipinas. Ito ang punong lungsod at komponenteng lungsod
ng pulo ng Bohol. Matatagpuan ito mga 630 kilometro timog-silangan ng Maynila at 72
kilometro timog ng Lungsod ng Cebu. Nasa timog-kanlurang bahagi ng Bohol ang Tagbilaran at
may kabuuang lawak ng lupain na 32.7 km², kabilang ang mga 13 km. na baybayin. Ayon sa
senso ng 2015, ito ay may populasyon na 105,051samay21,423na kabahayan.

PANUTO: Tukuyin ang mga pahayag na nagbibigay patunay sa binasang teksto.

7. Ilang populasyon ayon senso mayroon ang Tagbilaran?


8. Paano matatagpuan Ito?
9. Pang-ilan class ang Tagbilaran sa uri ng bayan, lalawigan ng Pilipinas?
10. Nasa anong bahagi ng Bohol ang Tagbilaran ?
11. Ano ang kubuuang lawak ng lupain ng Tagbilaran?
PANUTO: Basahin ang sumusunod na pabula.

Ang Daga at ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng natutulog na Leon, kanyang


inaakyat ang likuran ng Leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya pababa. Sa
katuwaan ay di niya napansun na nagising na pala ang Leon. Dinakma ng Leon ang daga at
hinawakan ang buntot at balak na isubo ito. natakot at nagmakawa ang daga. Ipagpaumanhin
mo kaibigan hindi ko sinsadya na gambalainka sa pagtulog mo. Wala akong masamang
hangarin nakatuwaan ko lang maglaro sa iyong likuran, huwag mo akong kainin, ang sabi ng
daga. Nabakas sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. Sige pakakawalan kita pero sa
susunod ay huwag mo akong gambalain sa aking pagtulog. Salamat kaibigan balang araw ay
makagaganti rin ako sa iyong kabutihan. LumipaS ANG ILANG ARAW SA PAMAMASYAL NG
DAGA SA KAGUBATAN may napansin syang lambat at lumapit siya agad niyang nakilala ang
nasa lambat, dali dali inakyat ng daga at nginatngat ang lubidat bumagsak ang lambat kasama
ang Leon na nakawala sa lambat. Utang ko sa iyo ang aking buhay, laking pasasalamat ng Leon
sa kaibigang daga.

PANUTO: Maghinuha batay sa nabasang akda. Titik lamang ang isulat sa inyong sagutang
Papel.

12. Anong katangian mayroon ang Leon?


a. Mapagpatawad b. mabangis c. madaling magalit d. lahat ng nabanggit
13. Bakit madaling napatawad ng Leon ang Daga?
a. Nakita ng Leon na totoo ang paghingi ng tawad ng Daga.
b. Umamin ang Daga sa kanyang pagkakasala.
c. Napagkatuwaan niya lamang ang maglaro.
d. Lahat ng nabanggit.
14. Tinanggap ng Leon ang pagmamakawa ng Daga?
a. Huo dahil siya ay may mabuting puso.
b. Hindi dahil naistorbo ang kanyang pagtulog.
c. Pinag-iisipan pa niya kung ito ay papatawarin.
d. Binigyan niya ng parusa ang Daga.
15. Tumanaw ba ng utang na loob ang Daga? Sa paanong paraan?
a. Ipinagluto niya ang Leon ng pagkain.
b. Tinulungan niya ang Leon na makawal sa Lambat.
c. Hinahatiran niya ng pagkain araw-araw.
d. Umalis ang Daga at hindi na nagpakita sa Leon.

PANUTO: Tukuyin at isulat ang ( T ) kung ito ay tama ang lahat ng mahahalagang kaisipan na
kinalalabasan ng mga pangyayari sa akda binsa. sa taglay na binasang teksto. at ( DT) kung
ito ay di-tama . isulat ang sagot sa sagutang papel.

16. Ang isang tunay na kaibiagn, nakikilala kapag ang kaibigan ay nalalagay sa kapahamakan.
17. Ang pag-amin sa nagawang kasalanan ay hindi isang karuwagan.
18. Ang iang pangako ay isang salita lamang na hindi kailangang tuparin.
19. Ang isang kaibigan na nalalagay sa kapahamakan ay puweding iwasan para hindi
Madamay sa kaguluhan.
20. Ang pagpapatawad at pagtanggap sa kamaliang nagawa ng isang tao ay nagpapakita ng
kababaang loob.

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
LAGUMANG PAGSUSULIT - (Written Work 1)
FILIPINO- BAITANG 7_Unang Markahan- Unang Linggo
KOMPETENSI: F7PN-la-b-1/F7WG-la-b-1/F7PB-ld-d-2

TABLE OF SPECIFICATIONS

MGA KASANAYAN KINALALAGYAN BILANG NG BAHAGDAN


AYTEM
1. NAHIHINUHA ANG 1,2,3,4,5,6 6 30%
KAUGALIAN AT
KALAGAYANG
PANLIPUNAN NG
LUGAR NA
PINAGMULAN NG
KUWENTO.F7PN-LA-B-
1
2. NATUTUKOY ANG 7,8,9,10,11 5 25%
MGA PAHAYAG SA
PAGBIBIGAY PATUNAY.
F7WG-LA-B-1
3. NAHIHINUHA ANG 12,13,14,15 4 20%
AKDA BATAY SA
BINASANG AKDA.
F7PN-LC-D-2
4. NATUTUKOY ANG 16,17,18,19,20 5 25%
MAHAHALAGANG
KAISIPAN/PANGYAYARI
SA BINASANG AKDA.
F7PN-LC-D-2

20 20 100%

You might also like