You are on page 1of 7

667 Dalupan St.

Sampaloc, Metro Manila

ANG KAWAYAN AT ANAHAW


(Maikling Tula)

Ni

Proceso Burgos Katindig

Sunshine D. Sucabit
Estudyante

Bb. Ruby Anoche


Guro

December 1, 2014
667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila

Buod at Reaksyon

“Higit na dakila ang hamak sa turing na mayroong matatag na simulain”, ika nga
sa tula ni Proceso Burgos Katindig na pinamagatang Ang Kawayan at Anahaw. Isang
matalinghagang kasabihan na nagtataglay ng isang nakatagong magandang aral.

Sa tulang Ang Kawayan at Anahaw ay naisasalarawan ang kawayan bilang


matayog na puno at ang anahaw bilang isang hamak na mababang puno. Isang araw
ay nagwika ang kawayan sa hamak na anahaw, “Bakit ayaw mong pumantay sa akin
para hindi ka magmistulang kawawang malasin? Tingnan mo ako, sa aking katayuran
ay nahahalikan ko ang langit at natatanaw ko ang buong paligid”. Ngunit, ang sagot ng
abang anahaw sa matayog na kawayan, “Ako nga’y mababa subalit dahil sa aking
kababaan ay natatanaw kang mataas na tunay. Ako man ay hamak na mababa lamang
sa iyong paningin, ako’y matatag din. Sa hampas ni hanging habagat ako’y hindi
natitinag hindi katulad mo na matayog nga subalit sa bawat hampas ng hangin ay
napapabusabos na kung saan man hatakin ay nakayukong napapahinuhod din”.

Tunay ngang nakakamangha ang tinataglay na kahulugan ng bawat linya ng


isang tula. Ang taglay na aral ng tulang ito ay isang tunay na napakaganda. Isang aral
na sisindi sa mga natutulog nating diwa. Sa aral na binigay ng anahaw na kahit
tinuturing tayo ng karamihan na isang hamak lamang, kahit na maliit lang tayo sa
kanilang paningin, hayaan mo sila. Ang mahalaga’y mayroon tayong matatag na
simulain o paninindigan. Totoo’t maraming tao ang ating tinitingala na sa akala nati’y
napakataas, hindi natitinag subalit sa pagdating ng unos ay bumibigay din. Ating
alalahanin si punong kawayan, sa tayog na kanyang narating, nagiging sunud-sunuran
pa rin sa hangin. Bilang isang mag-aaral, dapat matutunan nating maging anahaw.
Mahina man tayo sa ilang bagay, tayo ma’y hinuhusgahan dahil sa ating prinsipyo,
maging matatag ka lamang sapagkat iyan ang magiging lakas mo sa pagdating ng mas
marami pang unos sa ating buhay. Hindi mo kailangang maging mataas para maging
667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila
matagumapy, maging matatag ka lamang sa iyong simulain at tagumpay ay mararating
mo rin.

Ang Pitong Anak na Babae


ni Sultan Liwanag
(Maikling Kwento)

Ni

Percival Campoamor Cruz

Sunshine D. Sucabit
Estudyante

Bb. Ruby Anoche


Guro
667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila

December 1, 2014

BUOD
Mga Tauhan:
Sultan Liwanag: Pinuno ng Pulang- Lupa
Prinsesa Luningning: Pinakamatanda at dapat na tagapagmana subalit may
kapansanan sa pag- iisip
Prinsesa Sibat: Pangalawang anak ni Sultan Liwanag; maliksi at malakas
Prinsesa Paraluman: Pangatlo at may pambihirang katalinuhan pagdating sa
paggamit ng isip. Siya ang may pinakamaraming aklat na nabasa sa buong kaharian.
Nag- aral siya ng astronomika sa Tsina
Prinsesa Mabini: magaling sa larangan ng pagtatanim at paghahayupan. Siya
ang utak sa likod ng masaganang ani.
Prinsesa Matuwid: Magaling sa paggawa at paghawak ng pera sa komersyo.
Siya ang inatasang taga- singil ng buwis sa kaharian
Prinsesa Makahiya: Bihasa sa panggagamot. Siya ang pinupuntahan ng mga
may sakit sa kaharian.
Prinsesa Maputi: Bunsong anak ng sultan at pinakamamahal ng lahat

Setting o Lugar ng Pangyayari:


Sa pulo ng Pulang- Lupa
Balangkas ng Kwento:
Sa katandaan ay kinakailangang maipasa na ni Sultan Liwanag ang pamumuno
sa Pulang- lupa. Ayon sa kaugalian, ang nararapat sumunod sa kanya bilang pinuno ng
kanyang lipi ay ang kanyang pinakamatandang anak. Subalit, kahit gaano niya kamahal
ang pinakamatandang anak ay hindi niya pwedeng ipasa ang pamumuno dito sapagkat
si Prinsesa Luningning, bagamat ipinanganak na panganay, ay ipinanganak na may
kapansanan sa pag- iisip.
Sa alalahaning kinakaharap ng sultan, nagpasya siyang ibahin ang paraan ng
pagpili ng tagapagmana. Pito ang anak ni Sultan Liwanag at lahat sila ay babae. Sa
667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila
pagbabago niya sa kinaugalian, ibabatay niya ang pagpili sa talino at galing sa halip na
sa kung sino ang nakakatanda.
Ang pitong anak na babae ay binigyan ng pantay- pantay na pagturing at
pagmamahal ng ama. Silang lahat ay dumaan sa pag- aaral sa ilalim ng mga
matatalinong guro sa pulo. Lahat sila ay narinig at nakabasa ng mga kasaysayang
galing sa Tsina at Indiya. Silang lahat ay dumaan sa pagsasanay sa paggamit ng
sandata at pakikipaglaban. Higit sa lahat, ipinakita ng kanilang ama kung paano maging
isang mahusay na pinuno ng kaharian gayundin ang mabuti at kapaki- pakinabang na
pakikipag- negosyo sa mga Intsik at taga- Indiya.
Sa kabila ng lahat, ang bawa’t isang anak na babae, ay may kani-kaniyang
naiibang ugali, hilig, at katangian.
Bawat isa ay binigyang pagkakataon para ipakita ang angking katangian. May
nagpakita ng lakas at liksi, katalinuhan sa pag- iisip, pagkadalubhasa sa pagtatanim at
paghahayupan, katalinuhan sa paghawak ng pera at pagkabihasa sa gamutan. Sa
bawat pagpapakitang gilas ay nalugod ang hari.
Si Prinsesa Maputi, bagama’t ayaw makipagtagisan ng talino sa mga
nakakatandang kapatid, ay kinakailangan ding lumahok sapagkat ito’y utos ng kanilang
ama.
Kinausap ng prinsesa ang mga kapatid at sila’y pumayag at tumulong sa
paglikha ng isang pagtatanghal. Sila’y tinuruan ni Prinsesa Maputi ng sayaw at kanta.
May mga batang lalaki at babae na isinali sa palabas na silang tutugtog ng bandurya,
gitara, tambol at flawta. Inipon din niya ang mga kababaihan upang bumuo ng koro at
pangkat ng mananayaw habang ang mga kalalakihan ay pinagawa niya ng palamuti.
Dumating ang pagtatanghal at ang hari ay namangha at nalibang pati ang buong
kaharian.
Nang dumating ang panahon, nagpasya ang hari at hinirang na sultana si
Prinsesa Maputi. Ayon sa hari, batay ito sa galing niyang pagsama- samahin ang galing
ng ibat- ibang tao upang makagawa ng isang balakin. May ibat- ibang katangian at
galing ang mga tao subalit napagbuklod- buklod ng prinsesa ang bawat isa para sa
iisang layunin.

Tema:
Layunin ng may- akda na iparating sa mga mambabasa na ang isang magaling
na pinuno ay may kakayahang pag- isahin ang mga tao upang mapagtagumpayan ang
isang layunin. Ang mabisang pamumuno ay may kakayahang tangkilikin at gamitin ang
taglay na galing ng bawat mamamayan tungo sa kaunlaran.
667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila

Reaksyon/ Komento:
Malaking responsibilidad ang pagiging isang pinuno. Isang responsibilidad na
iilan lamang ang may kayang panindigan hanggang huli. Sa kwentong “Ang Pitong
Anak na Babae ni Sultan Liwanag” ay ating natutunan na ang pagiging isang pinuno ay
hindi nababatay sa lakas, liksi o talino lamang bagkus ay batay din ito sa kakayahan ng
isang pinuno na pag- isahin ang lipunan.
Bawat tao ay may kanya- kanyang katangian at kakayahan. Ang bawat pinuno ay
may kanya- kanyang paraan ng pamumuno. Lahat tayo ay may pagkakaiba kahit pa
ang kambal ay mayroon din.
Tayo ay magkakaiba subalit pwede pa rin tayong magkaisa para sa iisang
layunin. Kung ang pinuno ay mahusay at matalino, ang pagkakaiba- iba natin ay
pwedeng maging isang sandata o daan tungo sa kaunlaran. Si pinuno kung kanyang
lilinangin ang angking kakayahan ng bawat mamamayan ay makakagawa ng isang
napakagandang layunin. Kung ang pinuno ay tatangkilikin ang iba’t- ibang kagalingan
ng lipunan ay magkakaroon ng magandang kinabukasan.
667 Dalupan St. Sampaloc, Metro Manila

You might also like