Ipaliwanag ang mga sumusunod na konseptong nabanggit sa video
presentasyon. Hindi lalagpas sa limang (5) pangungusap ang paliwanag sa bawat bilang.
1. Pagkakaiba ng Opinyon
- Sinabi noong panahon ng batas military ay may pagkakaiba ng opinyon sa
kadahilanang pinipigilan ng pamahalan ang Karapatan ng mga mamamayan na magpakalat ng balita at pati narin ang kanilang mga opinyon. Ngunit meron paring mga ibang manunulat na nagsusulat ng palihim upang lamang na malaman ng mga ibang filipino ang tungkol sa pangyayari nung panahon ng batas military.
2. Panahon ng Aktibismo - Nagsimula dito sa pilipinas ang aktibismo ng
magsimulang mamulat ang isipang Pilipino sa mga pang-aaliping ginagawa sa atin ng mga mananakop. Unti-unting nagpakita ng paglihis sa paksang relihiyon ang mga manunulat sa panahong iyon, relihiyon na itinakda ng mga may kapangyarihang kastila sa kanilang pananakop. Nagsikap an gating mga manunulat na sumulat ng mga akdang nagpapaalab sa damdaming makabayan ng mga Pilipino. Sa mga panahon na sinakop ang Pilipinas ng mga amerikano ay naranasan na rin ang aktibismo ng maramdaman ng mga matatalinong Pilipino na lahat ng ginagawa na pagtulong ng mga Amerikano sa Pilipinas ay may kapalit para sa kanilang pansariling kapakanan. Ang mga akdang naisulat sa panahong ito ay nagtataglay ng mga katangian ng diwang nasyonalismo o pag- ibig sa bayan. Ang diwa ng mga akda ay may himig ng pag laban sa kolonyalismo.
3. Underground Fiction – Ito ay pagsusulat ng mga manunulat tungkol sa mga
ginagawa ng pamahalaan. Mga nilalaman ay may mga sensura, pag uusig at pagpigil ng pamahalaan sa karapatan ng mga mamamayan. Umusbong ito nung panahon ng Batas Militar sa kadahilaan na pinipigilan ng pamahalaan ang pag usbong ng communism o communismo.
4. Sensura/Censorship – Sinusuri muli ang sinulat ng mga manunulat at kapag ito
ay nagbibigya ng polital awareness sa mga mamamayan ito ay hindi mailalathala. Ngunit pag ang sinulat naman ay nagbibigay ng positibong kaganapan sa pamahalaan, ito ay siguradong mailalathala. Ayaw malaman ng pamahalaan na malaman ng ibang henerasyon ang tungkol sa totoong kasaysayan ng pilinas noong unang panahon.