You are on page 1of 1

Letter 2

Minamahal na Kaibigan,
Sumasaiyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa ating Panginoong Jesucristo.
Lubos akong nagpapasalamat sa ating Dios sa patuloy mong pagtanggap at pagbaba ng
mga sulat na inihahatid sa iyo. Dalangin ko rin na nawa ay patuloy mong maranasan ang
pagkalinga ng Dios sa iyo pati na ng mga mahal mo sa buhay.
Marahil mapapansin mo ang dalawang bagay na unang sulat ko sa iyo, Una: Hindi ako
nagpakilala sayunay kong pangalan, sa halip ay aking ginamit ang mga salitang ANG
MALAYANG MAMAMAHAYAG NG MABUTING BALITA, na siya naming panunahing Gawain ng
lahat ng mga mananampalataya sa Dios. Hayaan mo sanang ito na rin ang gamitin ko sa mga
susunod na pakikipagniig sa iyo sa pamamagitan ng mga liham na ihahatid pa sa iyo. Ikalawa:
Mapapansin mor in na may mga sipi ng lalataan sa Biblia ang una kong sulat na magiging totoo
din sa mga sulat pa na iyong mababasa sa hinaharap. Sa ganiyo ay Malaki ang aking pag-asa
na higit kang lalago sa pagkakilala sa biyaya na kay Cris Jesus na Panginoon natin, na siya ring
nag-ubos sa evangelio ni Juan 5:39 na wika, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka’t
iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito’y
siyang nagpapatotoo tungkol sa akin.” Ang utos mula sa Panginoon, na saliksikin o imbestigahan
ang Kaniyang mga salita upang matiyak ang kadalisayan ng mga ito.
Totoo na tao ang sumulat at gumawa ng Biblia tulad ng idinidiin ng ilan na kulang sa
pagkakilala, Bagaman may katuwiran sila ay hindi pa rin maikakaila ang katotohanan na
mayroong malaking pagkakaiba ang Biblia kumpara sa lahat ng mga aklat na nasulat sa ibabaw
ng lupa. Bakit?
Una, Ang Biblia lamang ang makapagbibigay liwanag sa dakilang pag-ibig ng Dios sa atin,
kung paanong dumating ang kasalanan sa daigdig, at kung paano Niya tayo tinubos sa
pamamagitan ni Jesus na bugtong Niyang Anak. Mayroon ka bang alam na aklat na may ganitong
dakilang mensahe, maliban pa sa Banal na Aklat na ito o Biblia?
Ikalawa, Ang pagkakasulat nito ay sa inspirasyon at pamamatnubay ng Espiritu Santo.
Ganito ang pahayag sa II Pedro 1:21, “Sapagka’t hindi sa kalooban ng tao dumating ang hula
kailanman; kundi ang mga tao ay nagsalita buhat sa Dios, na nangaudyukan ng Espiritu Santo.:
Ibig sabihin, ang mga salita dito ay hindi salita ng tao kundi salita ng Dios (I Tes. 2:13). At
sapagka’t ito ay mula sa labi ng Panginoon, ang mga salitang ito ay maaasahan natin na totoo at
makapagbabago ng ating mga buhay.
At Ikatlo, ito lamang ang nag iisang aklat na isinulat sa mahigit kumulang sa 1600 na taon,
ng higit sa 40 manunulat sa iba’t-ibang kapanahunan at may iba’t-ibang pinagmulan. Mga lalaking
pinili ng Dios na karamihan ay hindi magkakakilala, ngunit ng pagsamasamahin ang mga sulat
nila, walang nagkakasalungatan at may iisang mensaheng dala sa buong sanglibutan. Katunayan
nito, maraming mga ateista ang sumubok na ito ay sirain, subalit ang kasaysayan ng iglesia ang
nagpapatunay na isa man sa lumaban at tumuligsa ay hindi nanagumpay sa kanilang layunin.
Namatay sila na walang konkretong ebidensya na magpapatunay sa mga kamalian ng aklat na
ito. Tama nga ang ipinahahayag sa atin sa I Pedro 1:24, 25 na wika ng apostol, “Sapagka’t ang
lahat ng laman ay gaya ng damo, At ang lahat ng kaniyang karangalan ay gaya ng bulaklak ng
damo. Ang damo’y natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta: Datapuwa’t ang salita ng Panginoon
ay namamalagi magpakailanman. At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral ko sa
inyo.”
Kaya nga kaibigan, napakatamis ng mga salita ng Dios at puno ng katotohanan na siyang
magpapalaya sa atin sa lahat ng uri ng kabalisahan, katakutan at kalikuan (Juan 8:32) at ito ang
salita na mapapakinabangan natin sa pagtuturo at pagsasansala sa maling pamumuhay (II Tim.
3:16, 17).
Muli, sumasaiyo nawang lagi ang walang humpay na pagtuturo ng Banal na Espiritu. GOD
BLESS!

Sa Kaniyang Banal na Pangalan,


Ang Malayang Mamamahayag ng Mabuting Balita.

You might also like