You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHAN

PANGALAN: PETSA:

ASIGNATURA: FILIPINO BAITANG: 10 ISKOR: / 70

I. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang. (1pt bawat isa)

________ 1. Ang mitolohiyang Norse ay kilala din bilang mitolohiyang_____.


a. Scandmivian b. Scandimavian c. Scandinivian d. Scandinavian

________ 2. Uri ng panitikan na nilalayong maitanghal sa isang tanghalan o entablado


a. tula b. dula c. maikling kuwento d. nobela

________ 3. Ang salitang dula ay hango sa salitang _________ na “drama”.


a. Latin b. Prances c. Griyego d. Aleman

________ 4. Ito ang itinuturing na kaluluwa ng isang dula.


a. direktor b. tanghalan/entablado c. Iskrip d. dayalogo

________ 5. Isa sa uri ng dula na naglalayong magpatawa sa pamamagitan ng mga kawili-wili at


nakatatawang eksena
a. Parsa b. Komedya c. Melodrama d. Parodya

_ ______ 6. Tawag sa dulang malungkot, mabigat, at nakaiiyak ang mga pangyayari lalo na sa pangunahing
tauhan. Ito ay kadalasang nagwawakas sa pagkabigo o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
a. Melodrama b. Saynete c. Trahedya d. Parsa

________ 7. Elemento ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.


a. sukat b. tema c. tugma d. saknong

________ 8. Elemento ng tula na binubuo ng mga taludtod o linya.


a. sukat b. tema c. tugma d. saknong

________ 9. Tawag sa saknong na may limang taludtod.


a. octave b. sestet c. quintet d. quatrain

________ 10. Uri ng tayutay na nakikipag-usap sa isang bagay na may buhay o wala na tila kaharap lamang.
a. Pagtatao b. Pagtawag c. Pagtutulad d. Pagmamalabis

________ 11. Tayutay na gumagamit ng tunog ng salita upang magpahiwatig ng kahulugan.


a. Pagtutulad b. Pagtawag c. Pagwawangis d. Paghihimig

________ 12. Tawag sa tauhang nagbabago ang karakterisasyon.


a. Tauhang bilog b. tauhang lapad c. Protagonista d. Antagonista

________ 13. Tauhan na itinuturing na kontrabida o kaaway ng bida.


a. Tauhang bilog b. tauhang lapad c. Protagonista d. Antagonista

________ 14. Bahagi ng kuwento kung saan nareresolba na ang suliranin.


a. simula b. kakalasan c. kasukdulan d. wakas

_________ 15. Ang maikling kuwento na “The Necklace” (Ang Kuwintas) ay isinulat ni _____________.
a. Ernest Hemingway c. Guy de Maupassant
b. Elizabeth Barret Browning d. William Shakespeare
________ 16. Sinasabing ang Romeo at Juliet ay hango sa The Tragical History of Romeus and Juliet na isang
kuwentong _____________ na isinulat ni Arthur Brooke.
a. Italyano b. Romano c. Ingles d. Griyego

________ 17 Sinasabing nagsimula ang panitikan ng Europa sa pagkakalikha ng epikong ________.


a. Romeo and Juliet b. Canterburry Tales c. Beowulf d. Hamlet

________ 18. Ang may-akda ng nobelang “The Old Man and the Sea” (Pakikipagsapalaran sa Dagat)
a. Ernest Hemingway c. Guy de Maupassant
b. Elizabeth Barret Browning d. William Shakespeare

________ 19. Ang Tanaga ay katutubong tula na binubuo ng apat na taludtod na may ________ pantig sa
bawat tauludtod.
a. anim b. pito c. walo d. labing dalawa

________ 20. Ang salitang sonnet o soneto ay mula sa salitang Italyanong sonetto at sinasabing mula sa
salitang Latin na sonus na ang ibig sabihin ay __________.
a. tunog b. damdamin c. awit d. tula

II. Panuto: Salungguhitan ang pandiwa at bilugan ang pokus ng pandiwa. Isulat sa patlang kung ito
ang pokus o tuon ng pandiwa ay nasa Tagaganap, Layon, Ganapan, Pinaglalaanan, Kagamitan,
Sanhi o Direksyunal. (2pts bawat isa)

________________ 1. Nilaga nina Joshua at Luis ang saging na saba.

__ ________ 2. Ang lumang dyaryo ay ipinangpaypay ni Alexandra.

__ ______ 3. Kapit-kamay na tinungo nina Ella at Angela ang madilim na daan.

_______________ 4. Ang madalas na pagkakasakit ay ikinabagsak ng kanyang katawan.

______ 5. Ipinagtitimpla na ni Mia ng juice ang bisita ng kanyang tatay at nanay.

__________ 6. Ang mga doktor na dumalaw sa barangay nina Allyana ay nagpaalala sa mga
sakit na dulot ng baha.
__ ________ 7. Taos pusong nagpasalamat si Shun kay Jasmine sa pagsauli nito ng nahulog
niyang wallet.
__ ___________ 8. Ang patung-patong na kahon ay pinagpatungan ni Gaille ng mga unan at kumot.

__ ________ 9. Ang plastik na bote ay pagtataniman ni Andrea ng iba’t ibang halaman.

__ _______10. Papasyalan daw nina Jodd, Alexius at Marcus ang bagong bukas na Art Gallery
sa Rizal.

III. Panuto: Isulat sa patlang kung Pagtutulad, Pagwawangis, Pagsasatao, Paghihimig,


Pagmamalabis ang mga tayutay na nasa ibaba. (1pt bawat isa)

__ _________ 1. Napabalikwas ng bangon si Angel dahil sa malakas na krriiing.


__ _____ 2. Isang balde na ang nailuha ni Juliana sa pagkawala ng kanyang pusa ngunit
ayaw pa rin niyang tumigil.
_ _________ 3. Ngiyaw nang ngiyaw ang mga pusa sa aming bubong.

__ ________ 4. Nagsisiawitan ang mga palaka tuwing tag-ulan.

__ ________ 5. Tila ka nasubsob sa arina sa sobrang puti ng iyong mukha.

_______ 6. Hindi naman masakit ang turok ng karayom parang kagat lang ng langgam.

_ ____ 7. Bukas na aklat ang buhay ni Jamina sa kanyang mga kamag-aral.

__ ____ 8. Humihinto ang pag-ikot nang mundo sa tuwing nginingitian mo ako.

________ 9. Hinahagkan ng mga ulap ang bundok.

____10. Si Cheska ay isang ibong malaya nang tumuntong siya sa edad na disi-otso.

IV. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain o Idyoma. Isulat sa patlang ang sagot.
(1pt bawat isa)

1. makati ang dila ____________________________________________

2. balat-sibuyas ____________________________________________

3. sirang-plaka ____________________________________________

4. anak-pawis ____________________________________________

5. may gatas pa sa labi ____________________________________________

6. butas ang bulsa ____________________________________________

7. suntok sa buwan ____________________________________________

8. kabiyak ng dibdib ____________________________________________

9. malikot ang kamay ____________________________________________

10. tulog mantika ____________________________________________

V. Panuto: Gamitin ang mga salita sa ibaba ayon sa hinihinging pokus ng pandiwa. (2pts bawat isa)

1. Payong (Pokus ng kagamitan):


___________________________________________________________________________________

2. lolo at lola (Pokus ng pinaglalaanan):

___________________________________________________________________________________

3. pagkagutom (Pokus ng sanhi):

___________________________________________________________________________________

4. ilog (Pokus ng ganapan):

___________________________________________________________________________________

5. Grade 10 (Pokus ng Tagaganap):

___________________________________________________________________________________

You might also like