You are on page 1of 1

SHARIF AWLIYA ACADEMY, INC.

Bugawas, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 7

Pangalan:_______________________________________ Iskor:_____________
Guro:__________________________________________ Petsa:_____________

I-MARAMIHANG PAGPIPILI
Panuto:Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot. ( 2 puntos bawat isa)

1. Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.


a) Diin b. Tono c. Antala
2. Ang taas-baba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.
a) Diin b. Tono c. Antala
3. Dulang nagdudulot ng kasiyahan o katatawanan sa mga manonood.
a) Komedya b. Melodrama c. Trahedya
4. Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe.
a) Diin b. Tono c. Antala
5. Dulang ang pangunahing tauhan ay masasawi o hahantong sa kanyang kabiguan.
a) Komedya b. Melodrama c. Trahedya
6. Isang uri ng panitikang naglalayong maitanghal sa entablado.
a) Dula b. Ponema c. Sanaysay
7. Sa bahaging ito ng sanaysay inilalahad ang pangunahing kaisipan ng may akda.
a) Panimula b. Gitna c. Wakas
8. Ayon sa kanya, ang sanaysay ay pagtataya sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang
naglalantad ng kaisipan.
a) Genoveva Edroza-Matute b. Genevive Evren-Mathews c. Georgia Estrella-Manzano
9. Nakapaloob sa bahaging ito ang kabuuan ng sanaysay. Ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa
batay sa mga katibayan at mga katuwiran inisa-isa sa bahaging gitna.
a) Panimula b. Gitna c. Wakas
10. Isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsusulat nito. Ito ay may pokus sa iisang
diwa at paksa.
a) Dula b. Ponema c. Sanaysay

II- TAMA O MALI


Panuto: Ilagay ang salitang TAMA kung ang pangungusap ay tama at isulat ang salitang
MALI kung ito ay mali.

___________11. Ang dula ay mayroong tatlong bahagi.


___________12. Ang dula ay may limang elemento lamang.
___________13. Simula at wakas lamang ang bahagi ng sanaysay.
___________14. Aktor ang tawag sa mga taong nagsasabuhay sa dula.
___________15. Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal.
___________16. Direktor ang tawag sa taong namamahala sa isang dula.
___________17.Layunin ng komedya na magbigay aliw sa mga manonood.
___________18. Ang dula ay isang uri ng panitikang naglalayong maitanghal sa entablado.
___________19. Dayalogo ang tawag sa mga binibitawang salita ng mga aktor sa isang dula.
___________20.Ang melodrama ay dulang may kasiya-siyang wakas para sa pangunahing tauhan.

II-PAG-ISA-ISAHIN
Panuto:Ibigay ang mga hinihingi. ( 2 puntos bawat isa)

Magbigay ng limang elemento ng dula

21.
22.
23.
24.
25.

GOOD LUCK!!!

You might also like