You are on page 1of 2

FILIPINO III

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Maipaliwanag ang ibigsabihin ng pangngalan.
b. Natutukoy ang dalawang uri ng pangngalan.
c. Nakakagawa ng talaan ng mga salitang pantangi at pambalan.

II. NILALAMAN
Paksa:Paggamit ng pangngalan sa pagsalaysay
Sanggunian: K-12 C.G pp.
Kagamitan: larawan, biswal
Pagpapahalaga: Masiglang pakikilahok sa gawain

III. PAMAMARAN
A. Paghahanda
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng mga pumasok at lumiban sa klase
4. Balik- aral
Balikan natin ang iyong karanasan noong kayo ay nasa ikalawang baitang, sagutin
ang mga tanong.
1. Ano ang pangalan ng iyong paaralan?
2. Ano-ano ang kagamitan mo sa pag-aaral?
3. Sino ang matalik mong kaibigan?
4. Sino ang iyong guro noong nasa ikalawang baitang ka?
5. Saan ka bumibili ng pagkain tuwing reccess?

B. Pangganyak
Tingnan ang mga larawan, basahin ang mga nakasulat sa ilalim ng kahon.

C. Pagsusuri
Bilang isang mag-aaral paano mo mapaunlad ang iyon kakayahan upang mapabuti
ang iyong pang araw-araw na buhay.

D. Pagtalakay
Pangngalan - ang tawag sa salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
lugar at pangyayari.

2 uri ng Pangngalan
1. Pantangi- ang tawag sa pangngalang tumutukoy sa tiyak o partikularna ngalan ng
tao, bagay, hayop, lugar at pangyayri.
- at nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa:
Lily, Mongol, Brownie, Barangay Kurintem, araw ng kalayaan.
2. Pambalana - ang tawag sa ngalan ng tao,bagay,hayop lugar at pangyayari.
- nagsisimula sa maliit na titik.
Halimbawa:
doktor, ospital, lapis, pusa

E. Paglalagay
 Hatiin ang klase sa 3 pangkat.
 Gamitin ang mga sumusunod na pangngalan kaugnay sa larawan sa pagsalaysay ng
inyong karanasan o kaalaman tungkol dito.
 Bumuo ng 2 pangungusap.
Pangkat I. Sarangola
Pangkat II. Pusa
Pangkat III. Bahay

IV. PAGTATAYA
Iguhit ang bilog ( ) sa patlang kung ang pangngalang tinutukoy ay pambalana at bituin( )
naman kung ito ay pantangi.
_____1. Andres Bonifacio
_____2. sapatos
_____3. pulis
_____4. Huwaei
_____5.Mitsubishi

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gamitin ang sumusunod na pangngalan upang makasulat ng isang pangungusap.
1. Bahay
2. Computer
3. Mt. Taal
4. Paaralan
5. Baka

You might also like