You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino III

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng araling ito ay inaasahan na ang mga mag-aaral ay;

a. Natutukoy ang dalawang uri ng pangngalan

b. Nakikiisa nang may pagkukusa sa mga gawain at;

c. Nakapagbibigay ng halimbawa sa mga uri ng pangngalan

II. Paksang Aralin.

A. Paksa: Uri ng Pangngalan

B. Sanggunian: Batayang aklat sa Filipino III (Pahina 119-120)

C. Mga kagamitan: Manila paper, pentel pen, speaker, flags, makukulay na papel (asul, pula)

D. Pagpapahalaga: Pakikipag-ugnayan at Pagtutulongan

III. Pamamaraan

A. Gawain

- At dahil nakikinig kayo, ngayon tayo ay magkakaroon ng isang laro. Ang larong ito ay tatawagin nating
"Hulaan nyo ko". Sundan lamang ang panuto sa pagsasagawa ng laro.

Panuto:

1. Ang dalawang uri ng Bandera na may kulay na pula ay magrerepresenta bilang pantangi, at kulay asul
na magrerepresenta bilang pambalana. Bawat isa saniyo ay magkakaroon ng dalawang uri ng bandera.

2. May mga salita akong ipapakita kung itataas niyo ang pulang bandera kung ito ba ay pantangi at asul
naman kung pambalana.

B. Paglalahad

Ang pag-aaralan natin sa araw na ito ay may koneksyon sa pangngalan.

Ang ating aralin ay tungkol sa "Uri ng Pangngalan"

Ang pangngalan ang tawag sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari at gawa.

C. Paglalahat

1. Naiintindihan po ba mga bata ang ating aralin?


2. Ano nga ulit ang ating aralin?

3. Ano naman ang dalawang uri ng pangngalan?

4. Sino ang makapagbibigay ng halimbawa ng pangngalang pantangi?

E. Paglalapat

-Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay sa grupo ng
pantangi at ang ikalawa nmn ay sa pambalana. At tutukoyin nila ang kategorya ng pangngalan na
kinabibilangan ng mga larawang nasa ibaba.
IV.Pagtataya

Kumuha kayo ng papel at lapis at sagutan ninyo ito. Sundin ang panuto sa baba.

Panuto: Iugnay sa pangngalang pambalana sa Hanay B ang pangngalan pantangi sa bawat bilang sa
Hanay A.

Hanay A. Hanay B

Pantangi Pambalana

____1. Isko Moreno A. Bansa

____2. Pilipinas B.Parke

____3. Fabella Hospital C. Lapis

____ 4. Luneta Park D. Mayor

____5. Mongol E. Aso

____6.Goofy F. Ospital

____7.Nike G.Sapatos

____8. Araw ng kalayaan H. Guro

____9. Ang Probinsyano I.Pagdiriwang

____10. Teacher Ria J. Teleserye

V. Gawaingbahay

Panuto: Mag-isip ng tigsampung pangngalang pambalana at pangngalang pantangi. Isulat sa papel.

Pinasa ni: Queen Ann P. Morilla

Nagmula sa Beed-2b

You might also like