You are on page 1of 2

Page |1

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako, JOSELITO RAMOS, Filipino, nasa wastong gulang,


nakatira sa Taal, Pulilan, Bulacan, matapos makapanumpa ng
naayon sa batas ay nagsasaad na;

1. Noong January 29, 2023, araw ng Linggo, mga bandang


alas nuebe y medya ng gabi habang ako ay nagbibisikleta pauwi ng
bahay ng biyenan ko ng napansin ko na bahagyang nakabukas ang
gate ng aming simbahan na JESUS IS OUR SHELTER CHURCH
INTERNATIONAL MINISTRY, INC.
2. Balak ko sanang isarado ang gate pero nakita ko na may
mga tao sa loob ng bakuran na nakapaikot at mga nakaitim na
damit at nagbubungkal.
3. Tinawagan ko kaagad si Brother Norvin Flameno (Norvin)
para tanungin kung sila yun o may alam siya tungkol sa
pagbabakod kasi malapit din sa truck na nakaparada dun.
4. Sinabi niya na hindi niya alam ang tungkol sa nabanggit ko
kung kaya sinabi niya sa akin na pupuntahan niya kaagad.
5. Dumating naman siya agad at dali-dali kaming pumasok sa
loob ng bakuran ng nasabing simbahan. Nakilala namin ang isa
naming miyembro na si Mark Anthony M. Reyes, II (Mark), kasama
ang ibang mga taong nagbabakod.
6. Hindi nagtagal ay dumating naman sila kuya Nelson
Leonardo (Nelson) at ang kanyang asawang si ate Mallorie R.
Leonardo (Malou). Dumiretso sila sa may nakakabit na “NO
TRESPASSING” sign.
7. Sinita ni kuya Nelson ang mga taong nagbabakod kung
bakit nila ginagawa yun ng gabi at walang pinapakitang legal na
basehan para magbakod.
8. Napansin ko din na nagbabakakod sila Mark ng walang
kasamang pulis, barangay tanod o kapitan. Buti na lang, maliban
sa matataas at malalakas na boses ni Mark at kuya Nelson ay wala
namang physical na sakitan na nangyari.
9. Sa kabutihang palad ay na i video ko ang pangyayari para
malaman ang buong katotohanan sa illegal na pagbabakod ni Mark
at kanyang mga kasamahan sa loob ng bakuran ng simbahan.
Screen capture of the video footage are hereto attached as Annexes
Page |2

“A” to “A-” and the video footage (USB) is hereto attached as Annex
“B”

JOSELITO RAMOS
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this


_______________________2023, affiant personally exhibiting to me his
_______________________________.

Doc. No.: _____;


Page No.: _____;
Book No.: _____;
Series of 2023.

You might also like