You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Palawan
Coron Inland District
GUADALUPE ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG MARKAHAN
Weekly Assessment (Week 1 and 2)
Pangalan:________________________________________
ESP
A. Panuto: Piliin ang magagalang na pananalita sa Hanay B na angkop sa mga larawan sa
Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

B.
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang wastong sagot.
______1. Alin sa sumusunod ang tagubilin ng nakatatanda?
A. Makipaglaro sa mga kabigan pagkagaling sa paaralan.
B. Huwag sasali sa usapan ng matatanda.
C. Kunin ang mga bagay na hindi sa iyo.
D. Gumawa ng sariling desisyon sa mga nais mong gawin.
______2. Ang sumusunod ay ang mabubuting epekto ng pagsunod sa tagubilin ng
nakatatanda. Alin ang HINDI?
A. Maliligaw ng landas.
B. Magiging masaya.
C. Magiging mabuti ang patutunguhan.
D. Matutupad ang mga pangarap.
______3. Baikit mahalaga na sundin natin ang tagubilin ng mga nakatatanda?
A. Para hindi maligaw ng landas.
B. Upang makakuha ng mataas na marka.
C. Para magustuhan ka ng iyong mga kaibigan.
D. Upang maging matalino ka.
______4. May mahalagang proyekto kang dapat tapusin ngunit kailangan mong umuwi
kaagad sa bahay pagkatapos ng iyong klase. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko na gagawin ang proyekto.
B. Magdadahilan na lang sa guro na masama ang pakiramdam.
C. Magpapaalam nang maayos sa magulang.
D. Gagawin ang proyekto at saka na lang sasabihin sa magulang.
______5. Naglalakad ka nang makasalubong mo ang iyong guro. Ano ang gagawin mo?
A. Iiwasan ko siya.
B. Babatiin ko siya ng “Magandang umaga po.”
C. Hindi ko siya papansinin.
D. Sisigawan ko siya.
MTB-MLE
A. Ibigay ang iyong sariling reaksiyon o opinyon sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat sa
patlang ang iyong sagot.
______1. Pagsasagot ng modyul sa araw-araw.
A. Marami ang matututunan
B. Maaabala sa paglalaro
C. Matututong magsulat
D. Matututong magbasa
______2. Pamamasyal sa iba’t ibang lugar habang may Covid-19
A. Magiging masaya ang buong pamilya
B. Matutuwa ang mga bata
C. Maiiwasan ang pagkahawa ng Virus
D. Mabubuksan ang ibang mga pook-pasyalan

______3. Paggamit ng mga bata ng cellphone nang walang limitasyon


A. Madaragdagan ang allowance sa load
B. Makakaligtaan ang ibang gawaing pampaaralan
C. Maraming kaalamang matututunan
D. Matutuwa ang magulang
______4. Pagtatapon ng mga basura kung saan-saan
A. Mababawasan ang basura sa bahay
B. Madaragdagan ang mga magbabasura
C. Magbabara ang mga kanal at daluyan ng tubig
D. Babaha sa buong komunidad
______5. Pagkawili sa paglalaro ng Mine Craft
A. Magiging matalino
B. Magiging masaya araw-araw
C. Matututo ng iba’t ibang tricks
D. Makakaligtaan ang pagsasagot ng Modyul
B. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Alamin kung aling bahagi ng pahayagan ang
inilalarawan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
______1. Gustong mong makapagbahagi ng iyong opinyon tungkol sa pagpapabakuna ng
mga mamamayan laban sa COVID-19. Aling bahagi ng pahayagan ang iyong babasahin?
A. Libangan C. Editoryal
B. Obitwaryo D. Pangunahing Balita
______2. Katatapos lang ng kolehiyo ng kuya mo at nais niyang makapaghanap ng trabaho
agad upang makatulong sa iyong mga magulang. Anong bahagi ng pahayagan ang kaniyang
babasahin?
A. Negosyo C. Pangunahing Balita
B. Obitwaryo D. Anunsiyo Klasipekado
______3. Idolo ng iyong ama si Manny Pacquiao na tinaguriang “Pambansang Kamao” sa
larangan ng boksing. Nais niyang malaman kung sino at kailan ang susunod nitong laban.
Sa anong bahagi ng pahayagan dapat siya sumangguni?
A. Lathalain C. Libangan
B. Palakasan D. Editoryal

______4. “Naujan, sinalanta ng pagbaha!” Saan matatagpuan ang buong detalye ng nito?
A. Editoryal C. Palakasan
B. Negosyo D. Pangunahing Balita
______5. “Tumaas ba ng palitan ng dolyar?” tanong ng iyong ina. Aling bahagi ng
pahayagan ang kailangan niyang basahin?
A. Obitwaryo C. Negosyo
B. Libangan D. Anunsiyo Klasipekado
FILIPINO
A. Piliin ang angkop na tambalang salita sa kahon upang mabuo ang pangungusap. Isulat
ang sagot sa patlang.
hatinggabi taos-puso urong-sulong
lakas-loob kapitbahay
1. _______________ na nang maganap ang lindol.
2. _______________ na nagdarasal ang mga tao.
3. Sila ay _________________ dahil hindi nila alam saan sila tutungo.
4. Kailangang mahinahon at may _____________ na harapin ang mga sakunang gaya nito.
5. Ang mga _______________ namin ay nagkagulo.
B. Piliin kung ano ang ideyang ipinapahiwatig ng salitang may salungguhit. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.
______6. Ang buhay ay makulay.
a. maginhawa b. masaya c. maaliwalas
______7. May sinag ang umaga.
a. bagong umaga b. bagong pag-asa c. bagong buhay
______8. Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa langit.
a. umaga na b. gabi na c. tanghali na
______9. Ito ay tumutukoy sa iniikutang diwa ng teksto.
A. detalye B. paksa o tema C. balangkas
______10. Ito ang tawag sa mga pangungusap na magkakaugnay.
A. paksa B. pamagat C. talata

ENGLISH
A. Directions: Choose the correct word of the given meaning. Circle your answer.
1. The saltwater that covers much of the earth’s surface (see - sea)
2. A way that shows a negative response (no - know)
3. to listen to (here- hear)
4. Bow- to bend at the waist
a. After the performance, the group took a bow.
b. The fisherman tied a rope into a bow.
5. Present- a gift
a. I want to buy a birthday present for my mom.
b. She is present today in school.
6. Give the general name for each set of pictures. Encircle the letter of the correct answer.
a. Transportation
b. Insects
c. Flowers
d. gadgets

7.
a. Transportation
b. Insects
c. Flowers
d. gadgets
(8-9) Encircle the letter of the sentence that shows a problem.
8. a. The baby is crying.
b. My sister loves to drink milk.
c. I love my pet dog.
9. a. She wants to be a teacher.
b. My mother’s left foot was swelling.
c. Rey lives in Davao del Norte province.
10. Encircle the letter of the sentence that shows a solution.
a. Everyone got wet in the rain
b. I got sunburned.
c. Maria brushes her teeth every after a meal.
MATH
A. Kilalanin ang bawat bilang. Isulat sa patlang kung ang bilang ay odd o even.
_______ 1. 73
_______ 2. 538
_______ 3. 874
_______ 4. 1 457
_______ 5. 9 620
B. Isulat sa patlang ang  kung ang fraction ay katumbas ng isa at  kung ang fraction ay
higit pa sa isa.
SCIENCE
A. Ilarawan ang posisyon ng mga bagay batay sa punto ng reperensya (reference point).
Pumili ng angkop na salita upang mabuo ang pangungusap. Isulat sa patlang ang wastong
sagot.
ibabaw ilalim loob pagitan ng
1. Ang pusa ay nasa __________ ng upuan.
2. Ang gunting ay makikita sa ________ ng kahon.
3. Ang mga aklat ay nasa ________ ng mesa.
4. Kunin mo ang tsinelas sa __________ ng mesa.
5. Ang aso ay nasa ___________ ng mesa at upuan.
B. Isulat ang Tama kung wasto ang pangungusap at Mali kung hindi wasto.
____________ 1. Ang puno sa tabi ng kalsada ay maaaring gamitin bilang punto ng reperensiya
(reference point) para sa mga dumadaang sasakyan.
____________ 2. Palaging nagbabago ang posisyon ng isang bagay kapag ito ay gumagalaw.
____________ 3. Ang force ay nagpapagalaw ng mga bagay at maaaring ito ay mabilis o
mabagal.
____________ 4. Ang reference point ay ginagamit upang makuha ang bilis ng gumagalaw na
bagay.
____________ 5. Ang mga bagay ay gumagalaw ng may iba’t ibang direksyon at distansya.
AP
Isulat ang M kung ang sumusunod na pangungusap ay naglalarawan sa materyal na kultura at
DM kung di-materyal na kultura. Isulat sa patlang ang wastong sagot.
____________1. Ang mga bahay noon ay karaniwang may isang palapag at yari sa pawid,
kawayan at kugon.
____________2. Ang mga anak na lalaki ay tinuturuan ng pangingisda at pangangaso.
____________3. Ang ating bansa ay may walong pangunahing wika.
____________4. Sa mga bumbong ng kawayan at palayok niluluto ang mga pagkain.
____________5. Ang balangay ay pinamumunuan ng isang datu.

B. Basahin at unawain ang bawat pahayag. Iguhit ang masayang  mukha kung tama ang
isinasaad nito at malungkot na mukha naman kung mali.
______1. Nagkakaiba-iba ang uri ng hanapbuhay ng mga tao depende sa lugar na kanilang
tinitirhan.
______2. Mainit ang klima sa mataas na lugar kaya`t maninipis at maluluwang na damit ang
isinusuot ng mga taong naninirahan dito.
______3. Iniaangkop ng mga magsasaka ang kanilang pananim sa klima at lokasyon ng
kanilang lugar.
______4. Magkapareho ang uri ng pamumuhay ng mga taong naninirahan sa urban na lugar at
ng mga taong nasa rural.
______5. Iniaakma ng mga taong naninirahan sa mga lugar na madalas dinadaanan ng bagyo
ang estilo ng bahay na mayroon sila.

MUSIC
A. Kilalanin ang mga instrumentong pangmusika sa pamamagitan ng tunog nito. Isulat ang
titik ng wastong sagot sa patlang.
______1. Ang tunog na “tap tap tap” ay tunog ng

______2. Ano ang tunog ng ?


a. boom, boom b. tring, tring c. ting, ting d. pak, pak
______3. Ang tunog na “ting, ting, ting” ay tunog ng

______4. Ang instrumentong may tunog na “ing eng ing ” ay ________.


a. tamburin b. tipano c. tambol d. biyulin
______5. Ang tambol ay may tunog na ____________.
a. ing eng ing b. tring, tring c. boom, boom d. toot toot
B. Pagtambalin ang tunog sa Hanay A sa mga larawan na nasa Hanay B. Isulat ang titik
ng wastong sagot sa patlang.

Art
Basahin at sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik na wastong sagot sa patlang.
____1. Ito ay isang paraan ng paglilipat o pagpaparami ng mga teksto o larawan gamit ang tinta
o iba pa.
A. paglilimbag C. logo making
B. pagpipinta D. stencil art
______2. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng mga likas na bagay na makikita sa ating
kalikasan?
A. dahon C. payong
B. sanga D. bato
______3. Sa paglilimbag, maaaring gamitin ang mga bagay na _______.
A. nabibili sa tindahan C. mula sa ating kalikasan
B. nakukuha sa iyong kaibigan D. nakikita sa paaralan
______4. Si Amina ay lumikha ng disenyo sa paglilimbag gamit ang mga patapong bagay.
Anong katangian ang kanyang ipinapakita?
A. masipag C. masinop
B. malikhain D. matulungin
______5. Ang _________ ay halimbawa ng mga bagay na makikita sa kalikasan na maaaring
gamitin bilang disenyo sa paglilimbag.
A. balahibo ng hayop B. bato C. kahoy D. lahat ng nabanggit
______6. Ito ay isang paraan ng paglikha ng disenyo mula sa tubig na may hinalong pintura at
inilimbag sa papel o tela.
A. finger printing C. stencil making
B. marbling D. slogan o logo
______7. Habang gumagalaw ang _______ sa tubig, marahang ilagay ang papel o tela sa
ibabaw nito.
A. kerosene C. krayola
B. pintura D. tubig
______8. Ito ang gagamiting lalagyan ng tubig para sa paggawa ng marbling.
A. balde C. planggana
B. kaserola D. tabo
______9. Ang sumusunod ay kagamitan sa paggawa ng paper marbling maliban sa: A.
planggana C. pintura
B. oslo paper o tela D. kandila
______10. Ano ang unang hakbang sa paggawa ng paper marbling?
A. Lagyan ng maraming patak na pintura ang tubig.
B. Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin.
C. Haluing mabuti ang mga pintura.
D. Kunin sa tubig ang papel at patuyuin ito.
PE
A. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang tamang sagot sa
patlang.
1. Umakyat sa Palo Sebo si Vince nang _____ (mabilis, mabagal, katamtaman) upang
makuha agad niya ang premyo sa _____ (itaas, ibaba) nito.
2. Kailangan mong tumakbo nang _____ (mabilis, mabagal, katamtaman) at lumukso
_____ (paitaas, paibaba) kapag naglalaro ng larong luksong tinik.
3. Lumakad nang ______ (mabagal, mabilis, katamtaman) lamang sa pasilyo ng paaralan.
4. Pinalo nang ______ (mahina, katamtaman, malakas) ang bola kaya ito ay tumalbog
_______ (paitaas ,pakaliwa, pakanan).
5. Kailangang magduyan nang_____(mabilis na mabilis, katamtaman, malakas) lamang
upang hindi maaksidente.
B. Basahin ang mga sitwasyon at sagutan ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
______1. Si Andrei ay gustong makarating nang maaga sa kanyang pupuntahan. Pipiliin
niyang lakaran ang _________ na daan .
a. zigzag b. paikot c. tuwid
______2. Gustong matulog ni Bea. Anong lebel ng katawan niya ang tama?
a. mababa b. kalagitnaan c. mataas
______3. Naglalaro ng volleyball ang mga bata. Anong kilos ang kalimitang magagamit
nila?
a. pasulong at paatras
b. paupo at palipad
c. tayo ng tayo
______4. Makitid ang daan na iyong lalakaran at halos di ka na magkasya. Anong posisyon
ng katawan ang dapat mong gawin?
a. pasulong b. patagilid c. padipa
______5. Aabutin mo ang laruan na nakalagay sa itaas ng inyong aparador. Anong posisyon
ang iyong katawan?
a. mababa b. kalagitnaan c. mataas
HEALTH
Basahin ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
______1. Ano ang iba pang tawag sa mamimili?
a. kapitbahay c. negosyante
b. konsyumer d. tao
______2. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang matalinong mamimili?
a. sumusunod sa uso
b. mahilig bumili ng mura at mahinang uri ng produkto.
c. madaling maniwala sa komersyal sa telebisyon o radyo at mga anunsyo.
d. tinitimbang ang mga bagay-bagay ayon sa kanyang badyet.
______3. Kung si Nanay Lucy ay maayos na sinusuri ang bawat produktong binibili at halaga
nito, siya ay _____________.
A. mapanuri c. may alternatibo
b. makatwiran d. nagpa-panic buying
______4. Si Ben ay isang batang lumaki sa hirap. Kaya naman inuuna niya ang mga bagay na
mahalaga at higit na kailangan kaysa sa luho lamang. Si Ben ay ______________.
a. makatwiran c. hindi nagpapadaya
b. sumusunod sa badyet d. hindi nagpapadala sa anunsyo
______5. Si Aling Nora ay naglalaan ng oras upang humanap ng panghaliling produkto na
kanyang kailangan. Matiyaga niyang pinipili ang mga mura ngunit may kalidad na produkto. Si
Aling Nora ay______________.
a. may alternatibo c. sumusunod sa uso
b. hindi nagpapadaya d. nagpa-panic buying
______6. Sino sa sumusunod ang mapagkukunan ng impormasyong pangkalusugan?
A. basketbolista C. doktor
B. diyanitor D. hardinero
______7.Alin sa sumusunod ang nagbibigay ng serbisyong pangkalusugan?
A. dental clinic C. palengke
B. computer shop D. simbahan
______8. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng produktong pangkalusugan? A. aklat
C. gamot
B. celphone D. sasakyan
______9. Ang nanay ni Gina ay maysakit. Sino ang dapat niyang puntahan? A. barbero
C. doktor
B. mamimili D. hardinero
______10. Ang ________ ay produktong pangkalusugan na ginagamit natin sa
paghuhugas ng ating mga kamay.
A. pagkain C. suklay
B. sabon D. telebisyon

You might also like