You are on page 1of 2

“Madikit na Kalat” ( Puppet Show)

Mga Tauhan:
Jollibee- Kapitan ng Barangay Jollitown
Twirlie- Sekretarya ng Baranggay
Hetty - Mga Kagawad ng Baranggay
Yum- Baranggay Tanod
Chicoy- Batang Nagkakalat
I. Sa JolliBeach...

Chicoy: Ang ganda talaga ng sunrise. Kaya lang ang pangit naman
ng drawing ko.
(Nagkakalat si Chicoy ng mga pinunit na papel...sabay alis...)

Basurahan 1: Bata,bata hindi tayo dapat nag-iiwan ng basura kung


saan-saan.

Basurahan 2: Oo nga, nakakasira ng view ang mga kalat. Dapat dito


sa ‘tin tinatapon ang mga basura. Mahirap bang gawin ‘yun?

B1: Ang dami naming trashcan dito sa JolliBeach. Paano kaya sya
matututong magtapon sa tamang lugar?

B2: Dapat nyang malamang may tamang lugar ang mga kalat.

B1: Oo nga. Haaayyy... Eh kung sya kaya ang marumihan. Siguradong


hindi sya matutuwa.

B2: Hmmm... Anong sinabi mo?

B1: Kung sya kaya ang marumihan?

B2: May ideya ako... Ito ang gagawin natin....


(Magbubulungan....)

B1: Oh mga kalat, ganito ang gagawin nyo.....


II. Sa pulong ng mga kawani ng baranggay Jollitown...
Jollibee: Baka nabalitaan nyo na ang mga problema o environmental
hazards natin dito sa beach sa Jolitown. Isang lingo pa lang pero
ang dami nang nangyari.

Yum: Unang insidente, nadikitan ng bubble gum si Hetty nung maupo


sya sa may bench.

Twirlie: Yuckie!

Yum: Hindi lang yun. Pangalawang insidente, may batang nadulas


dahil sa balat ng saging na
nagkalat sa playground.

Twirlie: Oh no! Ang sakit sigurado nun!

Jollibee: Buti na lang walang napilayan. Tapos yung bata naman


yung nabiktima.

Yum: Oo nga! Pag-ahon ng bata, may sabit –sabit syang kalat na


nakuha nya sa tubig-dagat ng JolliBeach!

Twirlie: Oowwww....

Jollibee: Kawawa naman yung bata!

Hetty: Ano kaya ang magagawa natin para wala nang mga bata ang
madidisgrasya habang naliligo sa Jolli Beach?
Yum: Dapat hanapin natin ang sanhi ng problema na ito,

Twirlie: Oo nga, para di na madagdagan pa ang mga nabiktima.

Jollibee: At para lalong maging masaya ang paliligo ng mga bata


sa JolliBeach!

Yum: But wait... Paano natin lulutasin ang problema?

Twirlie: Oo nga. Sino kaya ang nagkakalat?

Hetty: Pero kung isang kalat lang naman ang itinapon, masama ba
yun?

Twirlie: Of course...

Yum: Ang isang kalat, nagiging maraming basura.

Twirlie: It only takes one piece of trash , just one piece to


destroy our beautiful environment!

Hetty: Dapat palang kausapin ang nagkakalat sa JolliBeach.

Jollibee: Pero paano malalaman kung sino ang nagtapon?May


nakakakita ba?

Kayo.. Alam nyo ba kung sino ang nag-iwan ng kalat sa JolliBeach?

Twirlie: Look! May kakaiba sa dagat....

Yum: It looks like someone has something on its body!

Chicoy: Hindi ko matanggal! Tulong! Tulong!


Jollibee: Si Chicoy?? Nakapagtataka naman! Mabait naming bata si

Chicoy ah!

Twirlie: Mabait nga pero masamang ugali ang pagtatapon ng basura


sa dagat.

Chicoy: Help! Yung mga kalat ko bumalik sa kin!

Jollibee: Don’t worry Chicoy,we are here to help you.


Chicoy: Ang dami kong kalat! ? Ang kalat , kalat ko.
Hetty: Don’t worry. Tutulungan ka naming maglinis at tuturuan ka
naming panatilihing malinis ang JolliBeach.
(kakanta sila....)
Kung magtatapon ng tama ang bawat isa
Basura ay hindi magiging problema
Malinis na paligid ay anong ganda
Pati simoy ng hangin walang pangamba
Isang wrapper, kung itatapon sa basurahan
Kung lahat tayo ay gagawa nyan
Gaganda ang kapaligiran
Isang bata, lahat ng bata ay may kapangyarihan
Kung lahat tayo ay magtutulungan
Gaganda ang kapaligiran
Chicoy: Ngayon, alam ko na kung saan dapat magtapon. Hindi sa
daan, hindi sa sahig, di sa puno at di rin sa dagat at kanal.
Sorry huh, mula ngayon, No Littering na ko at sa mga trash can na
ko magtatapon para lalong gumanda ang ating mundo.I promise!
Jollibee: Three cheers for Chicoy... Hep hep hurray!

You might also like