You are on page 1of 20

FILIPINO 6

Paghihinuha sa
Kinalabasan ng
Kwento
Maylene M. Tubig
Calapan City
E
JUIC
1.Nagtapon ka na ba ng basura kung saan-
saan?
2. Nakapagdikit ka na ba ng bubble gum sa
mga upuan?
3.Nakapagtapon ka na ba ng balat ng
sitsirya sa bintana ng inyong sasakyan o
sinasakyan?
4.Nagreresikolo ba kayo sa inyong tahanan?
5. Nakadalo ka na ba sa kahit na anong
gawain kaugnay sa pagreresikolo ng
basura?
Tuklasin Mo
Lahat ba ng basura ay
may pakinabang?
Ang Tambakan
Ni Gaudencio Luis N. Serrano
“ Umalis nga kayo sa daraanan ko! Gusto mo
gulungan kita diyan?,” sigaw ni Tembong Gulong
kay Teta Bakal . “Nariyan na naman ang siga ng
tambakan. Ang yabang mo talaga Tembong!”
sigaw ni Mariang bote. “ Huwag na kayong
umangal pa mas matagal ako sa inyo rito sa
tambakan, di hamak na may pakinabang ako sa
inyo,” sagot ni Tembong gulong habang itinataas
ang nangingitim na mga braso.
Biglang napalinga siya sa isang
bagong kasama sa tambakan.
“Hoy! Bata, ako si Tembong
Gulong, anong pangalan mo?”
buong yabang niyang tanong.
“Tata Lata po,” sagot niya.
“Anong nangyari sa iyo at narito
ka?” tanong ni Tembong gulong.
“Pagkatapos akong gamitin sa softdrinks
eto itinapon na lang ng basta” sagot ni Tata
Lata. “Naku! pare-parehas lang tayo rito sa
tambakan, pagkatapos gamitin ibinasura na
lang at mananatili rito habambuhay.”
“Basta ako may pakinabang pa Teta, ibahin
mo kaming mga gulong.” “Nako! Tembong
wala ka ng pakinabang”, pambubuyo ni
Teta, kaya ikaw Tata matutulad ka na lang
sa amin dito,” saad ni Teta Supot.
Nagpagulong-gulong si Tembong.
Nagpalaboy-laboy si Teta,
Habang tahimik sa isang sulok si
Tata. Napansin siya ni Tandang
Palara, “Huwag kayong makinig
sa dalawang ‘yan. May pag-asa
pang makaalis sa tambakang ito.
May pakinabang ka pa .
Maghintay ka lang.
Araw-araw ito ang eksena sa tambakan na
matatagpuan ang maraming basura mula sa iba’t-
ibang panig ng kalunsuran. “Oh, hayan na may
iba na namang trak ng basura” sigaw ni Teta
Supot. Sa isang iglap, bumuhos ang maraming
basura sa tambakan. Dumagsa ang maraming
mangangalakal ng basura kaya’t nagpapansin ang
mga basura. May pumosing. May nagpapogi.
May nagkislapan. Para lang mapansin ng mga
mangangalakal. Halukay. Kalahig. Bungkal.
“Tumabi ka nga diyan Lata, huwag kang
humarang hindi ako makita,” pamimilit ni
Tembong habang hinaharangan ni Tata Lata.
Nakaisip ng maitim na balak si Teta Supot. “Hoy!
Tembong, tambakan natin si Lata para hindi
mapansin.” Pinagtulungan nina Tembong at Teta
si Tata Lata para hindi mapansin ng
mangangalakal. Halukay. Kalahig. Bungkal.
Naramdaman ni Tata Lata na umangat siya,
paangat ng paangat. Kinabukasan, “Hindi ko na
nakikita si Tata Lata.,” pagtataka ni Tembong.
“Naku! Nandiyan lang, baka tinataguan lang
tayo.” sagot ni Teta. Sa di kalayuan, dumating
ang isang matanda sa wheelchair, mapapansin
na ito ay gawa sa latang kumikinang at tiyak na
may pakinabang.
1. Ano- ano ang katangiang taglay ng mga
tauhan sa kuwento?
2. Bakit nagpapapansin ang mga basura sa
basurero?
3. Nagtagumpay ba si Tembong sa
kaniyang balak?
4. Ano ang posibleng nangyari kay Tata
Lata?
5. Ano kaya ang dahilan kung bakit ganoon
ang katangiang ipinakita ng mga tauhan sa
kuwento?
6. Alin sa mga tauhan ang labis na
nakapukaw ng iyong atensiyon?
Bakit ito ang iyong napiili?
Patunayan.
7. Sa iyong palagay, bago makarating
sa tambakan ang mga basura ano
kaya ang kanilang mga kalagayan?
8. Sa paanong paraan tinapos ng
manunulat ang kuwento?
Gawin Mo
Tukuyin ang mga salitang
magkasingkahulugan sa
sumusunod na mga
pangungusap.
1. Iwasan ang pambubuyo sa kapwa dahil
lahat tayo ay may pagkukulang. Humingi
ng tawad sa kapwang naasar upang
maging maganda relasyon ng bawat isa.
Maraming programa ang pamahalaan
upang mabawasan ang mga kababayan
nating nagpapalaboy laboy sa lansangan
dahil hindi ligtas ang lansangan tuwing
gabi at maaaring silang maaksidente kapag
nagpatuloy silang magpakalat kalat.
2. Sabay sabay na nagbungkal ng
lupa ang mga mag-aaral para sa
pagtatanim ng mga halaman sa
kanilang mga paaralan. Mataba
ang lupang kanilang hinukay
kaya’t nasisigurado ang
malulusog na halaman na
tutubo rito
3.Tila mga diyamante ang
mga nagkikislapang bituin
sa kalangitan tuwing gabi
kaya’t tuwang tuwa ang
mga batang pagmasadan
ang kanilang makikinang sa
kulay.
Isaisip Mo
Ibigay ang maaaring maganap sa sumusunod na
pangyayari.
Sitwasyon 1
Hindi natutong magresikulo ang mga Pilipino
Sitwasyon 2
Kung saan saan tinatapon ang mga basura
Sitwasyon 3
Patuloy na pagdagsa ng mga tao sa kalunsuran
Sitwasyon 4
Nagkaroon ng initiyatibo ang bawat mamamayan sa
tamang pagreresikulo
Sitwasyon 5
Walang siyentista ang umalis sa bansa at patuloy na
tumuklas ng panibagong kaalaman
Isapuso Mo
Sa paanong paraan
ka makatutulong
upang luminis ang
ating kapaligiran?
Isulat Mo
Tuwing pauwi ka galing sa inyong paaralan
nakita mo ang tambak ng basura sa iyong
dinaraanan. Bawat araw hindi ito
nababawasan bagkus lalo pa itong
nadaragdagan. Naisip mong bumuo ng
isang patalastas upang hikayatin ang iyong
mga kabarangay sa isang kampanya sa
kalinisan. Simulang punan ang poster upang
mabuo ang Panata ng Kalinisan.
Salamat sa
pakikiisa…

You might also like